"Ang landi! Pati professor ay pinatulan!"
"Sa bagay, hindi na ba kayo sanay? Lagi namang issue iyan sa kanya."
"Noong nakaraan, kapwa estudyante. Na-issue rin sa dean. Tapos professor na? Lahat na lang?"
"Napakalandi naman! Nakakahiya! Ano naman ang sabi ng pamilya nito?"
"Isang kahihiyan."
"Wala nang hiya, mukhang nangangailangan. Desperado nang pumasa kaya professor na ang kinapitan."
"Ang landi talaga."
Napapikit ako nang marinig ko ang mga katagang iyon kahit wala naman akong kausap, kahit wala naman akong kasama.
"Malandi ka talaga!"
"Ano? Masarap bang lumandi sa isang professor? Ang landi-landi mo!"
"Isa pang teacher ang pinatulan! Ano? Para sa grades? Ganyan ka ba kabobo? Napakalandi mo!"
Pagmulat ng mga mata ko, hindi na ako nabigla sa napakaraming luhang muling umaagos sa pisngi ko.
"Ano? Nagpabuntis ka na ba?"
"Nakakahiya ka! Nakakahiya ka, Avi!"
Luminga-linga ako sa kalsadang nilalakad ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ngayon ng mga paa ko. Hindi ko alam kung saan ang paroroonan ko. Saan ba ako magpupunta? Saan pa ba ako magpupunta? Saan?
Tiningnan ko ang phone ko kung mensaheng galing sa kanya pero wala. Pero sigurado akong sasagot siya, pupuntahan niya ako rito. Dahil kailangan ko siya, kailangan ko siya ngayong kailangan ko ng isang taong matatakbuhan dahil wala na ako nun. Siya na lang iyon..
"Hihintayin pa rin kita rito."
Sinabi ko pa sa kanya pero lumipas ang ilan pang minuto hanggang sa maging isang oras, wala pa rin siyang sagot. Wala pa rin siyang paramdam. Napatingala ako sa kalangitan nang maramdaman ko na ang patak ng ulan. Hanggang sa lumakas pero hindi pa rin ako umaalis sa kinaroroonan ko. Kita ko ang pagtakbo ng ulan para sumilong pero ako, nananatili pa rin. Muli kong tiningnan ang phone ko para tingnan kung may sagot na siya pero wala. Wala pa rin.
"Miss, sumilong ka. Basa ka na." Narinig king sabi ng isang lalaki sa akin nang mapansin akong nagpapaulan.
"Okay lang po. May hinihintay po ako." Sagot ko at ramdam ko ang hikbing bumabara sa lalamunan ko.
Lumipas pa ang isa, dalawa hanggang tatlong oras, wala pa rin akong natanggap na sagot sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko ang tagal na ng oras sa aking paghihintay. Naramdaman ko na ang pagyugyog ng aking mga balikat para muling umiyak. Dahil hanggang sa matapos ang ulan, hindi siya dumating, wala siyang paramdam. At hindi ko na rin siya naramdaman pa.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...