01

1.3K 20 3
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

--

Lunes na Lunes, pero heto ako, parang petsa de peligro kung tumatakbo dahil sa hinahabol kong klase. Aat ag sakit ng ulo ko, sobra! Monday na Monday nga, pero parang pang-Friday na agad ang pagod ko. Argh, idagdag mo pa itong init dahil sa 12 PM first class ko. Fourth floor pa!

"Tabi!" Narinig kong sabi ng isang estudyanteng tumatakbo, kasunod ang mga iba pang tumatakbo. Mga naghahabulan.

Ano ba ito? Feeling grade school? High school? Hoy! College university ito! Gusto ko sanang isigaw, kaso ano pa ang silbi nun? Tsaka, huwag na't baka ma-secret files ulit ang ganda ko.

Agad akong umiwas dahil kung hindi, baka masagasaan ako rito ng lalaking kapareho ko ay mukhang naghahabol din ng klase. Napairap ako, masayang pa ang paghahanda ko ngayong Monday. Ang fresh ko pa naman ngayon, baka madismaya mga admirers ko.

Joke.

Baka sabihin na naman nila, eh mayabang ako.
Deep inside, oo, proud ako sa sarili ko. Magsisinungaling pa ba ako? Maganda naman talaga ako.

Ang daming tao, well, Monday eh. Tsaka syempre, school ito, 'no. Magtaka na lang ako kung kakaunti ang naririto ngayon. Ano ang oras na? 12:20 na. Asar, 12 o'clock ang start ng klase ko kay Sir Gerun! Magdasal na lang ako na sana ay wala pa siya roon, dahil kung hindi, hay, pariringgan na naman ako ni Sir!

Nandoon na ba 'yong tatlong kasama ko? Sana naman at maaga silang pumasok at para sa likod ang pwesto namin. Eh, maiinis na lang ako kapag pagkapasok ko sa room, sa harap ang pwesto namin. Ang ibig sabihin nun, late din ang dating ng mga 'yon.

Ayaw na ayaw kong umupo sa bandang harapan eh. Pakiramdam ko kasi, ako ang center of attraction. Lalo na kapag natawag sa recitation.

"You're late again, Ms. Torre." Sabi ni Sir Gerun nang makapasok ako.

Si Sir talaga, hindi man lang pinauna pa-good afternoon ko. Pero bumati pa rin ako nang nakangiti sa kanya, nakangiti rin naman siya. Mabait si Sir eh, ganyan naman siya. Kaya maraming nagkaka-crush sa kanya eh, at isa na ako roon. Haha!

Pero nakakahiya nga naman. Kita mo 'to, 12 PM na nga ang start ng klase, ang lapit na nga ng dorm dito sa school, wala, late pa rin. Ano? Idadahilan ko bang na-traffic ako kung naglalakad naman ako papunta rito?

"Hoy, ano? Late na naman ang gising mo, Avi?" Tanong sa akin ni Lesly nang makaupo ako rito sa tabi niya at ni Elysa. At sa tabi naman ni Elysa ay si Rachel.

Umiling ako at nilabas ang libro ko sa backpack ko. "Napabagal lang ang lakad." Sagot ko at natawa sila. Pero agad din kaming natahimik nang sabihin ni Sir na may seat work kami pagkatapos ng discussion niya.

Kararating ko pa lang, seat work agad. Ano ba 'tong discussion ni Sir? SHE? Shareholder's equity? Pero 'di bale, nandito naman itong mga matatalinong kaibigan ko. Lalo na si Rachel na siyang magaling kapag Intermediate Accounting ang subjects.

May iba't iba kaming field eh. Si Lesly, magaling sa Financial Management at sa iba pang minor. Si Rachel, 'yong dalawang Intermediate Accounting. Si Elysa naman, sa Taxation at Law. Ako, wala. Edi sana all.

Hindi, mayroon pala. Magaling ako sa pangongopya sa assignments. Magaling sa pagtyamba kapag MCQ ang quizzes or exams. Magaling sa pagmamakaawa sa mga prof na ipasa since first year. Kaya ang daming nagtataka kung bakit standing strong pa rin ako bilang accountancy student. Well, may talent din ako, 'no. At ayun ang mga iyon.

Until The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon