How to make your boyfriend kiss you; pag-type ko at pinindot ang search. Hindi naging matagal dahil lumabas agad ang mga kasagutan sa tanong ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang isa-isa ko nang basahin ang mga sagot.
Nahihibang na yata ako, oo nga, nahihibang na talaga ako! Sa gitna ng pag-aaral ko ngayong alas 10 na ng gabi, bigla na lang lumutang sa utak ko ang naiisip kong ito. Na imbes mga tanong tungkol sa lessons ko ang sini-search, ito, iba ang na-type ko.
"Stare into his lips if you want him to kiss you." Pagbasa ko at napanguso ako, nagawa ko na iyon eh.
Oo, nagawa ko na kayang tignan ang lips niya nang malapitan pero ang ginawa naman niya, umiwas siya. Umiwas talaga siya! Nankunwari pang busy!
"Kiss his cheek to make him want to kiss you badly."
Napahawak naman ako sa labi ko, at naisip ko, nagawa ko na naman ito. Nahalikan ko na siya sa pisngi niya pero hanggang doon lang natapos. At ako rin, hinahalikan niya ako sa pisngi pero hanggang doon lang din. Dalawa lang naman eh. Kung hindi sa pisngi, sa noo. Diyan lang niya ako hinahalikan. At ewan ko ba kung maiinis ako o makukuntento na lang.
Hindi niya pa ako kini-kiss sa lips. 'Di ba, kapag magsyota ang dalawa, dapat nagki-kiss sa lips? Lalo na sa tuwing naggo-good night kami sa isa't isa, pero wala eh.
"Lean in closer for the kiss."
So ano 'yon? Ako? Ako ang magme-make ng move? Pwede ba 'yon? Hindi ba ako magmumukhang lalaki kapag ako 'yong gagalaw? At baka isipin pa ni Lean, gusto kong halikan niya naman ako kahit minsan lang. Kahit totoo naman.
Ang tagal kong hinintay magka-boyfriend, pero ngayon naman ay asang-asa ako sa first kiss ko. Hindi naman maibigay sa akin ni Lean. Nako, kung ako talaga ay hindi nakapaghintay, baka nga ako na ang humalik sa kanya.
"Light touches. Touch him throughout your conversation." Pagbasa ko pa sa pag-i-scroll down ko. "Ano ba 'yan? Ang laswa naman ata 'pag ganoon."
Ano 'yon? Hahawakan ko siya habang nag-uusap kami? Hahaplos-haplusin? Para namang hindi yata totoo itong mga ito. Naisip ko, kung gusto kang halikan ay hahalikan niya. At nagmumukha akong kawawang batang parang hindi mabilhan ng laruan.
Halos two weeks na rin ang lumipas nang mag-umpisa ang second semester. Ito, tama nga ako, mas humirap ang subjects namin dahil sa may thesis na kami! Kainis, ayan pa naman ang ayaw ko.
Ito, tamad pa rin ako. Wala namang pinagbago. Pero mabuti na lang at may boyfriend akong masipag at matiyagang sinasabihan akong mag-aral nang mag-aral. At isa pa, tinuturuan niya ako sa mga lessons na hindi ko maintindihan, lalo na 'pag accounting at computation.
Wala namang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Lean. Masungit pa rin siya, madalas ay seryoso, napaka-bossy pagdating sa pag-aaral. Wala talagang maidududa kung bakit CPA siya ngayon. Iniisip ko, sana hanggang fourth year at board exam, sapian ako ng katalinuhan at kasipagan niya para makapasa ako.
Madalas naman niya akong napapagalitan sa tuwing nadadatnan niya akong nagpo-phone kaysa nag-aaral dito sa dorm, at nakikipag-tsimisan kaysa nagbabasa sa school naman. May times na naiinis ako pero nawawala rin naman dahil nagre-reflect sa quizzes ko 'yong pamimilit niya sa akin.
Tsaka, maiinis man ako pero nawawala naman kapag nakikita ko 'yong kagwapuhan niya.
May mga ilan pa akong nababasang mga sagot sa nakakatawang tanong ko pero pinatay ko na rin ang phone ko. Eh, hindi ko rin naman magagawa 'yong mga sinasabi ng Google! Try butterfly kisses daw, eh hindi ko nga alam kung ano at paano iyon.

BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...