"Ano pa ang gusto mo? Kanin pa?"
Agad na alok ko kay Addie nang makita kong kakaunti na ang kanin na nasa plato niya. Nakangiti siyang tumango sa akin kanya agad ko siyang pinagsandok ng kanin, natuwa naman ako nang agad niyang sinubo ang natitirang kalahating hotdog na nasa tinidor niya at kumuha ulit ng panibago.
"Thank you, Mama." Sabi niya at halos magunaw na naman ang puso ko.
Napatingin naman ako kay Nerine na sumisinghot-singhot. Tinawanan ko pa siya pero medyo nag-alala nang makita kong umiiyak siya.
"Hoy, bakit ka umiiyak diyan?" Tanong ko at pati si Addie ay napatanong din ng ganoon.
"Wala." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Buntis ka ba?" Pagbibiro ko at nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"Ate! Syempre, hindi!" Natawa na lang ulit ako. "Wala, naiiyak lang ako habang nakatingin sa inyong mag-ina. Sobrang sarap niyo kasing panoorin."
Napangiti ako, 'yong ngiting sobrang saya pero may halong pagsisisi dahil bakit ngayon lang? Bakit ba ngayon ko lang piniling maramdaman ko ang kasiyahan na ito?
Anak ko si Addie, ako ang nagluwal sa kanya. Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak itanggi na anak ko siya. Pero nang mawala sina Tito at Tita sa panahon na iyon, nabago ang desisyon ko. Itinago ko, itinanggi ko. Sa paglaki ng bata at pagkakaroon niya ng isipan, pinalabas kong kapatid ko siya. Alam ni Nerine ito dahil pinakiusapan ko siyang sundin ang gusto kong mangyari, pati si Mama.
At sa tuwing naiisip ko 'yong rason kung bakit ko ito nagawa sa bata, hindi ko na alam.. At ayaw ko nang alamin pa.
Ang swerte ko na nagawa pa akong patawarin ng bata. Ang swerte ko para tawagin pa akong Mama ng bata. Ang swerte ko dahil sa dami ng pagkukulang ko kay Addie, nagawa pa rin niyang maging masaya at tanggapin ako bilang ina niya.
Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Bata siya para sabihing wala lang iyon pero kasalanan pa rin iyon. Dahil sa totoo lang, akala ko, magagalit siya sa akin nang sabihin kong ako ang nanay niya. Akala ko, kamumuhian niya ako. At iyon ang kinakatakutan kong mangyari. Na sana ay huwag mangyari kahit kailan.
"Ate Nerine, 'di kita Ate. Tita kita." Sabi ni Addie kay Nerine at malugod na tumango si Nerine.
May mga pagbabago sa kilos ko, hindi ko naman iyon itatanggi. Mga kilos ko para kay Addie na anak ko. Kung noon na halos wala akong ginagawa para sa bata, ngayon, kusang ako ang gumagawa ng lahat para sa bata. Ako ang nagpapaligo, ako ang nagbibihis, ako ang nagsususuot ng uniform at sapatos niya kapag may pasok. Pagsilbihan ko siya, at lagi akong may dalang pasalubong na ikinatutuwa niya. 'Yung hiling niyang gummy bears.
At pagkatapos ng gabi nang sabihin kong ako ang nanay niya, sa kwarto ko na siya natutulog. Humiling ako sa kanyang doon na siya, palagi. At sa pagtulog ko, sinisiguradong kayakap ko siya pagkatapos kong kwentuhan ng isang kwento.
Babawi ako, sabi ko at ayan ang gagawin ko. Babawi talaga ako sa kanya, hanggang sa maiparamdam ko sa kanya 'yong pagmamahal na mas umaapaw kaysa sa mga pagkukulang ko sa kanya. Pupunan ko ang mga pagkukulang ko na iyon para sa anak ko.
"Ate." Napalingon ako kay Nerine nang tawagin niya ako. "'Yung ano mo, si ano."
Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Si Lean. Ano na naman ba ang tungkol sa lalaking iyon?
"Bakit siya?" Tanong ko naman pabalik.
Sumandal siya rito sa sink, mukhang may balak makipagchikahan sa akin habang naghuhugas ng mga pinggan. Buti na lang, naroon na sa sala si Addie.
![](https://img.wattpad.com/cover/221978595-288-k979338.jpg)
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...