"Psst, hoy." Napalingon ako kay Giselle. "Akala ko ba, kapag overtime ka lang may sundo?"
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya, nagtataka ako. Hanggang sa ngumuso siya at heto, bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang nakikita ko ngayon si Lean na naririto. Kabababa mula sa kotse niya pero hindi na siya lumapit sa akin, pero nakatingin sa amin. Sa akin.
Luminga-linga pa ako para tignan kung may tao ba siyang hinihintay o kikitain, pero nagsalita si Giselle.
"Ay si sismars, manhid." Pagpaparinig niya at mabuting kami lang dalawa ang nandito sa kinatatayuan namin. "Walang ibang dahilan kaya nagpunta 'yang ex jowa mo rito, ikaw lang."
Paanong ako? Oh, sige na nga. Bakit ako? Bakit nandito siya ngayong hindi naman ako overtime sa trabaho? Bakit nandito siya ngayon para.. para sunduin ako?
"Kunwari pang sasamahan akong hihintayin ang babes ko, may hinihintay din pala." Panunukso pa ni Giselle at umiling-iling ako. "Sige na, mauna ka na nga. Ma'am Avianna Jayne Torre."
Bumalik ang tingin ko kay Lean at mukhang hinihintay niya akong lapitan siya, at wala na rin akong nagawa kundi magpaalam Kay Giselle at lapitan na si Leandro.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko at gulat pa ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Ang redundant na 'yang tanong mo. Masyado nang gamit, lagi mo na lang tanong 'yan sa tuwing sinusundo kita." Sagot niya sa akin at natameme ako roon.
Pumasok na lang ako sa kotse niya at ganoon din siya, at nagmaneho. Sorry naman kung naririndi na siya sa tanong ko pero kasi, tanong ko talaga iyon! Hindi na ako nagtataka sa tuwing overtime ay nakaabang na siya, pero paanong ngayon na alas 5 pa lang ay sinundo ako? Wala lang, feeling ko kasi, baka iniisip niyang iniisip ko na gustong-gusto ko magpasundo sa kanya. Basta, ganoon.
"Pero seryoso nga, hindi naman na ako kailangang sunduin." Sabi ko ulit sa gitna ng byahe, napalingon ako sa kanya at abala siya sa pagmamaneho, pero sumagot siya.
"May pinuntahan kasi ako, sa review center. Kaya naisipan kong daanan na rin kita." Sagot niya kaya napatango na lang ako at dumiretso na rin ang tingin sa daan.
Ang assuming mo naman, Avi. Feeling mo, ikaw 'yong rason. May dinaanan nga raw kasi, at naisipan lang na isabay ka na. Oh, ano pa ba ang iisipin mo?
Sunod na naisip ko 'yong review center kung saan siya nagtatrabaho. Ay, mali, pagmamay-ari niya pala. Nalaman ko lang noong nakaraang araw na ang trabaho niya na ngayon ay instructor sa review center na kung saan ay isa rin siya sa nagmamay-ari. Sabi niya, may tatlong branch dito sa Manila, at napahanga ako roon.
Ito na pala ang pinagkakaabahalan ng lalaking ito, ayos din. Professor pa rin naman siya, sa review center na nga lang. At kahit hindi magturo, may sweldo pa rin dahil isa siya sa nagmamay-ari ng center na pinatayo niya. I wonder kung sino-sino 'yong kasama niyang mag-ari. Siguro, mga katulad niya ring CPA o baka abogado.
Nang mag-stop light, napahilot ako sa sentido ko. Medyo masakit kasi ang ulo ko, parang hindi maayos ang pakiramdam ko. Hindi naman mabigat ngayon 'yong mga trabaho pero masakit ang ulo ko. Normal lang naman ito, madalas kong maramdaman.
"Okay ka lang, Avianna?"
Napalingon ako nang magsalita siya, tumango ako. "Oo." Sagot ko at tipid na ngumiti.
Nakarating kami sa bahay at si Addie ang sumalubong sa aming dalawa ni Lean. Dito niya hininto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay, at dito rin siya pumasok. Nakapagluto na si Nerine ng hapunan, napakasipag talaga ng batang ito. Minsan nga, nahihiya na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
عاطفيةAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...