Part 47

770 30 6
                                    

Napuno ng puting usok ang buong paligid. Ang masaganang hangin na kanina ay malayang lumabas-pasok sa kanyang dibdib, ngayon ay napalitan na ng nakakasulasok na amoy. She fought not to let the poisonous gas enters her chest but she still ended up engulfing a huge amount of it. Ang mga kamay niyang nakagapos pa rin sa likuran ay buong lakas niyang pinapakawala sa mahigpit na pagkakatali ngunit bigo siya. Pakiramdam niya imbes na makalaya, mababali pa yata ang mga kamay niya.

Butil-butil ang pawis na namumuo sa kanyang noo, marahil sanhi ng iniindang sakit at kahirapan ng sitwasyon. Kahit man lang sana binigyan siya ng tsansang makaupo nang maayos. Dahil sa nakataling mga kamay at paa, imposible na'ng mangyari iyon.

Ang tela na mahigpit na nakatali sa kanyang bibig ay mas lalong nagpadagdag ng kahirapan na kanyang hinaharap dahil pinanatili niyong nakabuka ang kanyang bibig. Langhap ang makapal na usok. Mahapdi sa lalamunan. Parang hinahalukay ang kanyang tiyan.

Aside from that, nothing was visible in her naked eyes, however, behind those thick fog, she could say that people were moving.

Sinu-sino ang mga iyon?

Thomas was calling his ally but the latter hadn't answered. A loud grunt was heard followed by silence.

What's happening?

The remaining sound she could hear was Hana's coughing but similar to hers, it was becoming weak.

Ano nang mangyayari sa kanila ngayon? Was the tear gas a sign of rescue? Sinong nagtapon?

Unti-unti nang bumibigay ang kanyang mga mata, hihimatayin na yata siya. May narinig siyang boses ng lalaking nagsalita sa malayo, ngunit hindi na iyon mabuo sa kanyang isip.

Ah...mukhang may darating na ngang tulong. Makakaabot pa kaya ang kanyang malay? Gusto niyang makita kung sino ang darating, kung tama nga ba ang kanyang hinala.

Akagi.


Sa malambot na sofa ng sala prenteng nakaupo si Marga. Nakataas pa ang kanyang mga paa dahil nakaramdam siya ng panlalamig sa talampakan.

Nilakasan na naman ba ang AC?

"Hon, pinakialaman mo na naman ang AC, no?" aniya na nilakasan nang bahagya ang boses para marinig ng lalaking nasa kuwarto.

"Hindi naman, a."

"Ang lamig, e. Ikaw lang naman ang nakikialam ng control."

"Kailangan mo na yatang ibahin ang diet mo, hon. You need to gain more fats, para hindi ka agad lamigin," nakangising saad nito na lumabas ng kuwarto. May bitbit na mga gamit. Nag-eempake kasi ito nang kaunti para sa business trip kinabukasan.

"Tumigil ka nga. Control ng AC ang ginagalaw mo. Huwag mo nang damayin ang diet ko."

Bumalik ulit ito sa kuwarto, maya-maya ay lumabas na may bitbit na fleece at umikot sa kanyang likuran. Iniladlad sa kanyang harap ang kumot saka ibinalot sa kanyang katawan.

"Masyado na ba akong payat?" tanong niya na tiningala ito mula sa likuran.

"Of course not," he answered planting a light peck on her forehead.

"Sa palagay mo, babagay kaya sa akin ang cut na 'to?" Ipinakita niya ang cellphone na kasalukuyang nakabukas sa pahinang may puting gown.

Thomas smiled, gentle eyes were on her. "You'll be the most lovely bride, Marga. Whatever dress you wear."

Magsasalita na sana siya nang marinig ang pag-andar ng isang makina mula sa labas.

"Bakit maingay? May kino-construct ba sa labas?"

"Parang meron nga."

Ano'ng ginagawa sa labas? Bakit nakaabot ang lakas ng ingay sa loob ng condo? Parang...nasa tabi niya lang.

Dahan-dahang iginalaw ni Marga ang mga talukap. Mabigat pa ang mga iyon, wari ay nagsusumigaw pa na ipikit niya muli. Ngunit nakakabulahaw ang ingay na kanyang naririnig, kaya sapilitan niyang ginising ang kanyang isip at tuluyang ibinuka ang mga mata.

Nasaan siya? Wala siya sa sala. Wala siya sa bahay.

Ang unang nasilayan ng nanlalabo pa niyang paningin ay ang mukha ng isang babae. Nakadukwang ito sa kanyang harapan. May sinasabi pero natatabunan ng ingay ng makina ang boses nito.

Unti-unting naging mas malinaw ang kanyang pananaw at nakilala niya ang dalaga.

"Hana?"

Ngumiti ito saka hinagod siya sa balikat.

She let a loud gasp and straightened her back as she regained her recollection."H-Hana!"

Noon niya napagtanto na ang maingay na makina na kanina pa dumadagundong sa kanyang tainga ay tunog ng chopper kung saan sila naroroon. Mula sa bintana ay natatanaw niya ang maliliit na berdeng puno sa ilalim at ilang kabahayan.

Tuluyan na siyang umayos sa pagkakaupo ngunit biglang kumirot ang kanyang ulo kaya nasapo niya.

May inabot ang katabi niya sa kanan, isang headset. Subalit dahil sa kalituhan ay napatitig lamang siya roon. Nang mahinuha nito na wala siyang balak gumalaw para isuot ang bagay, ito na mismo ang naglagay niyon sa kanyang tenga.

"Huwag ka munang masyadong gumalaw."

"Matt..."

Dito pala siya nakahilig kanina habang nananaginip siya.

"That's what you get from waking up at the wrong side," komento ng lalaki sa tabi ni Hana na nakilala agad niyang si Kaito Ishida. He was
seated in a king's manner with crossed legs. Kulang na lang humawak ng kopa ng alak. Kung makaasta parang hindi pinahalik sa malamig at maruming sahig.

Ano'ng pinagsasasabi nito? Masakit pa ang ulo niya para isipin ang ganoong bagay kaya hindi na niya muna papansinin.

Wait, if Matt is at her right side and Kaito and Hana is at the other seat then ang nasa kaliwa niya ay...

Hindi pa siya handang pakiharapan si Akagi. Matapos ng nangyari sa mission nila, matapos siya nito gawing pain dahil sigurado siyang alam na nito na ang kinakalaban at si Thomas ay iisa.

Why is everyone so cruel? Ganoon na lang ba talaga ang silbi niya? Ang gawing kasangkapan para sa pansariling intensiyon.

Ngunit magiging bastos sa mga kasamahan niya kung hindi man lang niya ia-acknowledge ang presensiya nito. Mas magmumukha siyang tanga, lalo kay Kaito na who knows kung paano mag-isip.

Kaya minabuti niyang bigyan ng kagyat na sulyap ang taong nasa kaliwa. Ngunit hindi man lang nakaabot ang kanyang paningin sa mukha nito, hanggang dibdib lamang ang kanyang nakita. Kaagad na ipinikit ulit ang mga mata at humilig sa sandalan ng upuan, hindi na napansin ang pagtaas ng mga kilay ni Kaito.

"Ligtas na tayo, Marga," saad ni Hana na ikinangiti niya.

What's with her dream? Bakit sa lahat ng pagkakataon, sa panahong iyon pa siya nanaginip ng ganoon? Isang eksena ng nakalipas. She probably treasured those moments, kaya iyon ang lumabas sa kanyang isip. Memories that bathed with so much lies, painted with fake emotions.

She used to think those were her precious keepsakes and always bears a sweet smile on her lips as she ponders. Never in her wildest imagination that all of it would become her worst nightmare.

Saan na si Thomas? Nadakip na kaya?

Pinilit niyang burahin ang isiping iyon. Mamaya, kapag hindi na masakit ang ulo niya, kapag nakababa na sila at maayos na ang lahat, magtatanong siya.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon