Part 1

2.2K 81 7
                                    

9 Years Later

Kakauwi lang ni Hana galing ng eskuwelahan. Nasa third year college siya sa kursong mass communication.

Tuwing hapon ay palagi niyang inaabangan ang meryendang hinahanda ng kanyang nanay Rosita.

Nakatira siya sa Cavite kasama ang mga magulang at ang nag-iisang kapatid na si Matt. Mas matanda ito sa kanya ng tatlong taon. Simple lang ang buhay na nakalakhan nila. Ang ama niya ay namamasada ng traysikel papuntang bayan. Ang ina nama ay nasa bahay lang habang ang namamasukan bilang computer programmer sa isang advertisement company ang kapatid.

Larawan sila ng isang masayang pamilya ngunit ang totoo, ampon lamang si Hana ng mga ito. Naging parte siya ng pamilya noong sampung taong gulang pa lang siya. Ayon sa mga ito pumanaw na ang kanyang totoong mga magulang. Binaril ang mga ito ng mga armadong kalalakihan isang gabi sa loob ng kanilang bahay. Nasaksihan ng tatay Pepe niya nang lumabas mula sa loob ng bahay nila ang apat na lalaki. Kaya lang ay gabi iyon kaya hindi nito masyadong namukhaan ang mga mukha. Naghintay ang tatay niya hanggang sa makaalis ang kotse ng mga ito, saka nito tinungo ang loob ng bahay. Sa pag-aalala na baka balikan siya ng mga ito, kinuha siya ni Pepe at dinala sa sariling bahay.

Isang buwan siyang hindi kumikibo. Kahit anong tanong ang ginawa ng mga ito ay wala siyang sinasagot, lagi siyang nagkukulong sa kuwarto.

Sa pagdaan ng mga araw, unti-unti na siyang nakikihalubilo lalo sa kanyang kuya Matt na naging matalik  niyang kaibigan. Kasabay niya itong lumaki, itinuring siya ng mga ito na totoong kapamilya, at iyon ang malaking pinagpapasalamat ni Hana sa Panginoon.

Ngunit sa pagtataka ng lahat ay wala siyang maalala kahit isa sa nangyaring pagpaslang sa mga magulang. Nang ipasuri siya, ang sabi ng doctor ay "supression". Nag reboot ang utak niya in response of shock and severe stress. Binura nito ang lahat ng impormasyon patungkol sa insidente, pero temporary lamang iyon. Darating ang panahon na babalik din ang kanyang alaala.

Kahit walang maalala si Hana sa madugong pangyayari,  sa puso niya ay buhay ang apoy ng pagkasuklam sa taong nagwasak sa pamilya. She vowed to avenge for their death, an eye for an eye and a tooth for a tooth. She will give them the most painful revenge they deserve, na kahit ang mga taong iyon ay luluhod at magmamakaawa sa harap para patayin na lamang niya. Gagawin niya ang lahat para maisakatuparan iyon kahit magkasala pa siya sa batas. Kaya habang hindi pa bumabalik ang buong alaala, ipagpapatuloy niya ang paghahanda sa sarili.

"Nay, nandito na po ako!" Hindi niya matagpuan ang ina sa paborito nitong rose garden kaya nagpunta siya sa kusina. "Ano pong merienda, Nay?" Lumapit ang dalaga dito at humalik sa pisngi.

"May maja blanca sa lamesa. Tawagin mo na ang itay mo at nang makakain na rin. Nasa likod nagpapakain ng manok."

"Opo." Nadatnan ni Hana ang itay niyang hinimas-himas ang buntot ng manok. "Tay, naghihintay na po si maja. Baka magtampo, mahirap na."

"Oo, nandiyan na. Tingnan mo nga itong si Thompson, Nak, ang laki na, ang tingkad ng kulay," tukoy nito sa manok. "Sosyal na sosyal ang dating."

"Opo, sosyal nga pati pangalan, pang state side. Mas sosyal pa sa atin."

"High breed to, e. O, tingnan mo, ang ganda ng tindig, 'di ba?" Pinakawalan nito ang manok sa lupa.

"Tay, si maja po," paalala niya.

"A, oo nga pala. Halika na, baka manlamig sa atin."
Inakbayan siya nito at sabay na silang pumasok sa kusina.

Nag enrol bilang irregular student si Hana sa eskuwela kaya apat na araw kada linggo lang ang kanyang pasok. Sa tatlong araw niyang bakante ay nag-eensayo siya ng taekwando. At masasabi niyang bihasa siya doon. She's a black belter, she also engaged herself in gun shooting and knife fighting. Lahat gusto niyang matutunan, parte iyon ng paghahanda niya para sa paghihiganti. Ang kuya Matt niya ang karamay sa bagay na iyon, nasisilbi itong intel dahil eksperto sa computer.

Kung tutuusin, maaari siyang makipagtulungan sa mga totoo niyang kamag-anak pero mas pinili nilang huwag ilantad ang kanyang pagkabuhay. Wala rin namang magbabago, para sa mga ito, ang Hana Inoue na anak nina Maritess at Ryeo Inoue ay missing parin. Sa katunayan, nalaman niyang itinuturing na siyang patay. Ngayon siya na si Hana Mae Acosta, ang bunsong anak nina Rosita at Philipe Acosta.

Inalam nila ang lahat ng anggulo ng pagpatay sa mga magulang. Base sa research na isinagawa ni Matt, nagtatrabaho si Ryeo Inoue--ang ama niya--sa isang malaking kompanya na pinamumunuan ng mga Japanese.

"Hana, check this out." Lumapit siya kay Matt at tiningnan ang monitor ng laptop. " Nine years ago, ang CEO ng Nankai Holdings kung saan naging empleyado ang daddy mo ay si Matsuhiro Ishida, sixty three years old, Japanese." Mataman siyang nakatitig sa laptop habang nakikinig sa paliwanag ni Matt. Nakikita niya doon ang larawan ng isang matandang lalaking naka amerikana ng abuhing kulay. Singkit ang mga mata nito at hindi masyadong kataasan, bakas sa tikas ng tindig nito ang kapangyarihan.

Nagpatuloy ang kuya niya. "Five years ago, he retired and the position was assumed by his only heir, Kaito J. Ishida."

"Ishida," pag-uulit niya na ninamnam ang kataga sa bibig.

"Does it ring a bell?" tanong nito.

Napapikit siya dahil tila may bumubuong mga imahe sa kanyang isip. Pilit niyang nililinaw ang imaheng iyon ngunit sumakit ang ulo niya at nakaramdam siya ng pagkahilo, napakapit siya sa mesa.

"Hana, okay ka lang? Don't force yourself." Nag-aalalang inalalayan siya nito paupo.

"Kuya, kailangan kong maalala kahit hitsura o kung anong mahalagang lead."

"Alam ko, believe me, I understand. Pero huwag mong p'wersahin ang utak mo baka makasama sa iyo. Ang sabi naman ng doktor ay unti-unting babalik iyon. At least, may something sa 'yo ang mga pangalang ito. We'll dig up more about them." Laking pasasalamat niya dahil suportado siya ng kapatid.

Umupo ito at hinarap uli ang laptop. "But strange, wala akong makitang kahit isang picture sa Kaito Ishida na ito. Apparently he's not that sociable, nahirapang habulin ng Media ang taong ito. Walang ibang inilabas na impormasyon sa internet, just a name. Mysterious." hinagod-hagod nito ang baba na wala namang bigote.

"Salamat kuya, ang laki ng tulong mo sa akin. Ninyo ni itay at inay." Mangiyak-ngiyak siya sa isiping mahal na mahal siya ng pamilyang kumupkop sa kanya. Kahit na nga ba sabihing pinagkait sa kanya na makapiling ang tunay na mga magulang, biniyayaan naman siya ng mga taong may mabubuting puso.

"Hey, what are family for?" Ngumiti ito at ginulo ang kanyang buhok. "Umuulan na pala, 'di ba pupunta ka pa sa dojo? Magdala ka ng payong at raincoat."

"Payong na lang kuya."

"No, mas mabuti na iyong doble ingat." Minsan talaga over protective ito sa kanya. Hindi niya masisisi dahil sila lang namang dalawa ang magkapatid. "Sige na, mag-ingat ka."

"Yes, Sir."

LUMALAKAS ang buhos ng ulan. Ramdam ni Kaito ang mabigat na patak ng tubig sa kanyang batok at likod. Nakaupo siya sa isang bench sa maliit na park, hindi alintana ang pagkakabasa. Bumabakat na sa kanyang katawan ang suot na puting longsleeve shirt. Kagagaling niya lang sa isang meeting, sa kliyenteng tumangging makipagtulungan sa kanya. Isang meeting na nauwi sa madugong katapusan.

Nakayukong tinitigan ng lalaki ang duguang kamay. Nadaplisan iyon nang tangkain siyang saksakin nito gamit ang isang fruit knife. Mabilis namang rumesponde ang bodyguard niyang si Akagi. He shot the man straight into his head.

'Will it always be like this? Ilang buhay na ang kinitil ng mga kamay na ito? Ilang litro ng dugo na ang dumanak? Ilang pamilya na ang nawasak? Wala na bang katapusan? Will I live like this for the rest of my life? Trapped in the darkness.'

He felt like a child lost in a never ending dark place with no one but himself. All he could do was fight the fear of it and survive.

'If only I could see a light. A single light that could lead me the way out.'

Tumingala siya sa langit. Mahapdi, mahapdi sa mata ang tulo ng ulan. Masakit ang kamay niyang patuloy sa pagdurugo. Higit sa lahat, kumikirot ang puso niya sa bigat ng nararamdaman. Nang hindi na niya kayang labanan ang sakit sa mata ay napapikit siya. Pinagpapasalamat niya ang panahon dahil malaya niyang nailalabas ang tunay na damdamin. Dumaloy sa pisngi niya ang mainit na likidong humalo sa tubig-ulan.

Please, someone. Someone lend me a light.'

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon