Part 5

1.2K 39 8
                                    

NASA loob si Hana ng isang coffee shop sa BGC, eksaktong tapat lamang ng De Locatie. Isa iyong marangyang restobar. Hindi basta basta nakakapasok ang sinumang hindi miyembro ng naturang establisyemento. Nagkasya na lamang siya sa pagtanaw doon mula sa coffee shop dahil nagkulang sila sa oras para gawan ng paraan ang pagkakaroon ng access. Perpekto naman ang kinaroroonan niya dahil kitang kita ang entrance ng nasabing restobar. Maigi niyang mamomonitor kung sinu-sino ang naglabas-masok sa gusali.

"It's a surprise finding a rare flower at this late night." Napalingon siya sa baritonong boses mula sa likod.

"Sir Jin?!" Nakangiti itong nakatunghay sa kanya, may bitbit na papercup. He's still wearing a black three piece suit. Napakagwapo!

"Hello again. Anong ginagawa mo dito sa dis-oras ng gabi?"

"Ah...Magkakape lang." Hindi siya makatingin ng diretso dito dahil nagsisinungaling siya.

"Sinong kasama mo?" nagkusa na itong umupo sa tapat niya kahit hindi niya naman inimbitahan

"Ako lang, ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Pilit niyang nilalayo ang usapan sa kanya para maiwasan na niyang magsinungaling pa.

"Business meeting. Wait, diba taga Cavite ka? Ang layo naman yata ng pinagkakapehan mo?"

She was out of words. Akala niya ay makakaligtas na siya pero nabalik na naman sa kanya ang topic. Sa lahat ng taong hindi niya inasahang makita ay ang lalaking ito. Hindi pa naman masyadong kaaya-aya ang huli nilang tagpo. Sa alaalang iyon ay gustong mamula ng mukha ni Hana.

"Hindi safe sa mga babaeng katulad mo ang gumagala ng ganitong oras nang nag-iisa, Hana."

"M-maaga pa naman." Halos pabulong niyang sabi

Sumulyap ito sa sariling relo. "It's almost midnight, sweetheart. Malayo sa sinasabi mong maaga pa." Amused na pagtatama nito sa kanya.

Hindi na naman siya nakasagot. Tama ang sinabi nito, base sa wall clock ng coffee shop, kinse minutos na lang para mag alas dose. Nasabi lang naman niya iyon dahil hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang tao. Tensiyonado ang sistema niya na kaharap ito. Pero sa kabila ng pagririgodon ng kanyang damdamin ay hindi niya nakalimutan ang sadya. Panaka-naka niyang sinusulyapan ang tapat. Bago pa dumating si Jin ay namataan niya si Yuu Akagi na umibis sa isang itim na Montero Sport. May kasama itong dalawang lalaki na naka business suit din. Pumasok ang mga ito sa restobar at hanggang ngayon ay hindi pa nakakalabas. Bukod doon ay wala na siyang nakitang kahina-hinalang galaw.

"I think you need to have a good watch." Abala ang mga mata ni Hana na nakadungaw sa labas kaya nagitla siya nang abutin ni Jin ang kanyang kamay at pilit isinuot ang isang relo.

"S-sir Jin! Ano iyan?"

"Dont be too startled, Hana, it's just a watch."

"Bakit mo sinusuot sa kamay ko iyan?"

"I am giving this to you para sa susunod hindi kana malito sa oras." Pilit niyang tinatanggal ang relo sa kamay ngunit pinipigilan siya nito. Tuloy naghilahan sila ng kamay niya.

"Sir Jin, kung kailangan ko ng relo ay kaya kong bumili para sa sarili ko." Sa puntong iyon ay tagumpay na nitong naisuot ang bagay sa kanyang kamay kaya binitiwan na rin siya.

"Hana, luma na ang relong iyan kaya huwag kang mag-alala. Gusto kong ibigay saiyo iyan kapalit ng kabutihang loob na ginawa mo sa akin."

Alam niyang malaki ang halaga ng relo, tatak palang niyon ay nakakalula na. Marahil ay kaya na niyang bumili ng lupa sa Maynila sa halaga niyon kaya mas lalong hindi niya matatanggap.

"Pero Sir Jin..."

"Enough Hana, I don't want to hear buts. That is yours from now on, mahalaga ang oras kaya kakailanganin mo iyan." Sakto namang tumunog ang cellphone nito kaya napilitan siyang manahimik.

"Yes." sagot ng lalaki sa telepono. Nakikinig lamang ito sa kung anuman ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Nagkaroon siya ng layang pag-aralan ang hitsura nito. He looked so manly and gorgeous, may labi itong perpekto ang pagkakurba. Cupid's bow lips kung tinatawag ng iba. Medyo maputi dahil narin siguro mestiso, may wavy hair na parang kay lambot hawakan. Misteryoso ang hatid ng mga singkit nitong mata na tila nang-aarok sa kanyang nananahimik na kaluluwa. Halos mapakagat siya ng labi nang kagyat itong ngumiti. Naughty smirk na hindi naman umabot sa mga mata. Hindi niya lubos maisip na natikman na niya ang halik ng taong nasa harap.

Pero sa hindi niya malaman ay may kakaibang hatid ang ngiting gumuhit dito na gustong magpatayo ng mga balahibo niya sa batok.

"Good job. You can call it a day." Pinatay na nito ang aparato at bumaling sa kanya. "Let's go."

"Huh? Saan?"

"I'm driving you home." parang ito pa ang nagtaka kung bakit nasabi niya ang tanong na iyon.

"Kaya kong umuwing mag-isa, Sir Jin."

"C'mon, Hana, I 'm too drained for an argument." anitong umaktong hapong-hapo. Kung makapagsalita ito para itong nakitungo sa isang batang nagtatuntrums. Nangamba naman siya na baka tuluyang mag-init ang ulo nito sa kanya kaya ngali-ngali siyang tumayo at sumunod sa likod nito habang tinitingnan ang labas ng restobar. Nakita niyang lumabas si Akagi kasama ang dalawang lalaki at diretsong sumakay ng sasakyan. Walang ruckus, walang kakaibang kilos sa mga ito. Mali ba ang hinala niya? Baka ordinaryong transaksyon lang ang nangyari sa loob.

Huminto sila sa isang black mercedes benz na nakaparada hindi kalayuan sa coffee shop. Pinagbuksan siya nito bago ito umikot sa drivers seat. 'Magalang pala kahit minsan walang modo.'  Pinaandar nito ang makina at bumaling sa kanya.

"Cavite, right?"

Seryoso ba ito? Ihahatid siya sa Cavite sa dis-oras ng gabi? "Hindi, sa Pasay lang."

"Bakit sa Pasay?" taka nitong tanong.

"Sa pinsan ko ako umuuwi sa ngayon, may sinadya kasi ako doon." Ang totoo ay sa condominium ni Marga siya nakikituloy habang nasa Maynila siya. Tumango lamang ito at tuluyan na nilang tinahak ang daan palayo doon.

Sa kabilang banda, nabigo si Hana na makita kung paano nagkagulo ang mga tao sa De Locatie at sa pagdating ng dalawang patrol cars.

"SIS, ilang linggo nalang, magsa-summer vacation na. Anong plano mo?" tanong ni Matt kay Hana. Kakarating lang nito galing sa trabaho.

"Itutuloy ko ang training ko sa dojo kuya. Aside from that wala pa akong plano." Naghahain siya ng hapunan dahil siguradong gutom na ito. Bihira nila itong makasabay sa mesa dahil maaga nagreretiro ang araw nila sa bahay. "Sana magkaroon na ulit tayo ng lead para kay Kaito Ishida. Para makagawa tayo ng kilos." Nangangati na siyang gumawa ulit ng hakbang para sa misyon nila. Kung tutunganga lang siya sa bahay nila, hindi sila uusad.

"Speaking of which. May sinend na link si Marga kanina sa akin eh." kinuha nito ang cellphone sa bag at inabot sa kanya. "May nakitang patay sa loob ng banyo ng De Locatie Restobar sa eksaktong gabi na nagpunta ka doon, sis. Three gunshots sa dibdib. Ang biktima ay si Philipe De Montaño, Chief Operating Officer ng Equevo Pharmaceuticals."

"Ibig sabihin, ito na nga ang kabusiness meeting ni Yuu Akagi nang gabing iyon? Tama ang hinala natin na may foul play." saad niya

"Posible ang hinala mo sis, pero wala parin tayong konkretong ebidensiya. I asked Marga to do a background check about Equevo Pharmaceuticals and the victim himself. Kung may koneksyon ba sila kay Kaito Ishida."

"BASE sa nakasaad sa article, alas dose bente singko ng madaling araw nakita ang patay sa loob ng isa sa mga cubicle. Alas dose diyes ako umalis ng coffee shop."

Kung nagtagal pala siya ng kinse minutos ay masasaksihan niya ang pangyayari. At ayon doon, hindi sigurado ang mga ito kung ano ang eksaktong oras ng actual murder. Hindi pansin na may krimeng naganap sa loob dahil nakalock ang cubicle. Ilan na ding mga tao ang naglabas masok sa banyo kaya nahirapan silang kilalanin kung sino ang salarin.

"Kataka-takang sira ang CCTV malapit doon." dagdag ni Hana

''Marami na talagang mga establishments ngayon ang lumalabag sa standard policy ng gobyerno." si Matt.

Terminologies:
Dojo- A training facility

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon