Part 12

955 37 4
                                    

"HOW dare..." nakuyumos ni Kaito ang dokumento na nasa ibabaw ng mesa. He gritted his teeth as he clenched his fist na para bang maiibsan ang emosyon na nararamdaman sa paraang iyon. Bumakas sa puting papel ang dugo sa kamay niyang hindi pa tuluyang natuyo. His heart was still on fire, nanginginig sa galit ang buo niyang pagkatao sa tuwing naiisip na may nanloob sa kompanya niya at nag-imbestiga pa! Pagak siyang napatawa, tawang nauwi sa malakas na halakhak. Bakas sa mga mata ng lalaki ang poot at kung sino mang makakita sa kanya nang mga panahong iyon ay siguradong iisipin na nasisiraan na siya ng ulo. "How ridiculous!"

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may kumatok sa pintuan ng opisina bago bumukas iyon.

"Dala ko na ang damit, Ishida San," si Akagi na inilapag ang malinis na three piece suit sa sofa

"Who do you think is crazy enough to plot all of these, Akagi San? Do you think isa lang ang may pakana nitong lahat?"

"Gomenasai, as of now wala pa akong maibibigay na konkretong identity ng nasa likod nito, Ishida San pero on going pa rin ang investigation ng mga tao natin, hindi sila titigil hanggang hindi maituturo ang totoong utak. Sisiguraduhin kong may mahalaga na tayong impormasyon na makukuha sa lalong madaling panahon."

"I don't fucking give a damn kung paliliguan mo ng dugo ang lahat ng maapakan n'yo, just bring me a fine lead. They're doing a good job in waking the devil in me."

"Wakarimashita."

Sa kabilang banda.

"Shit!" Pagalit na ibinato ng lalaki ang hawak na cellphone kaya malakas iyong tumama sa sofa bago bumagsak sa sahig. "Ang walang kwentang Labor na 'yun! Kung kailan nakuha na niya ang mga impormasyon, saka pa s'ya nagpahuli! Bakit ba ang daming taong walang utak sa mundong ito?!'

Dumagundong ang boses niya sa marangyang silid na kinaroroonan. Labas ang litid na nagmartsa pumunta sa mini bar at sa nanginginig na kamay ay kinuha ang bote ng brandy, nagsalin ng kaunti sa baso at inisang lagok. Humahagod ang init at anghang ng inumin sa lalamunan niya na nakapagbigay sa kanya ng pansamantalang hinahon.

"I'm gonna bring you to the deepest part of the earth, Kaito Ishida. Sisiguraduhin ko sa iyong hindi ka na makakatayo pa 'pag nangyari yun."

***

MINAMASAHE ni Marga ang sariling balikat habang sinasara ang kotse gamit ang paa. Bitbit niya ang dalawang paper bags at handbag sa kabilang kamay. Sa tuwing naii-stress siya sa trabaho, shopping ang outlet niya.

She loves clothes and accessories, thanks to her work and her wealthy boyfriend. She's living an extravagant life dahil binibigay nito ang mga gusto niya, katulad na lang ng condominium na tinitirhan niya ngayon. Malaking tulong din sa kanya iyon dahil nakakapagpadala siya ng malaking halaga sa kanyang pamilya.

Nasa basement siya ng building na parking area din kung saan naroon ang condominium. Masyadong marami ang inayos niyang computer programs sa trabaho dahil sa mali-maling pagkagawa ng kanyang mga subordinates.

"Subukan kaya nilang mag-team leader? Aiish! Nakakainiiis!" pumapadyak-padyak niyang gigil. Pinindot niya ang button ng elevator kaya nagbukas iyon. Ilang sandali pa'y binabagtas na ni Marga ang hallway papunta sa pinto ng unit.

Pagkapasok niya sa bahay ay masarap na amoy ng ulam--na nanunuot sa kanyang ilong--kaagad ang sumalubong sa nagmamarakulyo niyang tiyan, lalo tuloy niyang na-realize kung gaano niya nade-deprive ang sarili sa masarap na pagkain dahil sa paglo-low carb diet niya.

"Hon?" tawag ng babae.

"Surprise!" sagot ni Thomas na sumilip mula sa kusina. Naka-apron na kulay brown na may teddy bear sa gitna at may hawak na sandok. Actually, sa kanya ang apron na 'yon.

"Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka?" Nagtataka pero nakangiti na tanong ni Marga, nasorpresa talaga siya sa pagdalaw nito at mukhang nagluto pa. Nilapag niya ang mga dala saka nilapitan ang lalaki at humalik sa mga labi.

"I really meant to suprise you, ready yourself at kakain na tayo."

"What's that?" silip niya sa kawali.

"It's a chicken stroganoff. Nasarapan kasi ako sa luto ni Martha kaya I wanted you to try," tukoy nito sa kusinera.

"Hmmn, smells delicious!"

"Pinag-aralan ko 'yan," proud nitong sabi.

"Mapapa-cheat day na naman pala ako ngayon."

"Forget about the diet, forget about anything. Let's just eat, okay?"

"You know, Hon, I was so stressed. Ang daming back jobs sa work," sabi ni Marga na tila maiiyak. "Hindi nila ginagawa nang maayos ang task nila. Hiw can they be so irresponsible? Ako na pang palagi ang sumasalo. Mas mahirap kaya mag-correct ng gawa ng iba."

"Work can be very hectic at part na iyan sa isang workplace na magkaroon ng ganyang katrabaho. I'm so proud of you, Sweetheart. Tatanggalin natin mamaya ang stress na 'yan," bulong nito sa tenga niya saka nilapag ang dalang kanin sa mesa.

"Hon, how's your day nga pala?" nakahiga Marga sa kama na tanging kumot lang ang nakatabon sa katawan, si Thomas naman ay nakaupo sa kanyang tabi.

"Okay lang naman, as usual, busy. Pero nadoble ang pressure kasi not in the mood si boss."

"Bakit?"

"Kasi mukhang nabulilyaso 'yong taong manman niya kay Ishida."

"Really?" tuluyan nang bumangon si Marga at tumabi sa nobyo. "Ano nang mangyayari ngayon? Paano na makakakuha ng impormasyon si Boss mo 'pag gano'n?"

"Yan nga 'yong pinoproblena niya kanina. He was very disappointed kasi that man was good, eerr--or so he thought."

"Malaking problema nga 'yan."

"Actually hon...he just asked me if... you can do it," nag-aalangan nitong sabi. "Kasi he knows how good you are in computer, mas magaling ka pa nga siguro do'n kay Labor eh." Kababakasan ng pagkabahala ang anyo ni Marga sa mga narinig.

Kaya kaya niya? Masyadong delikado ang bagay na iyon at kung mahuli siya, ano'ng ng p'wedeng mangyari sa kanya?

"A-ano nga pala'ng nangyari sa Labor na 'yon?"

"Suprisingly, he's in jail. Nagulat rin ako na hindi man lang pinuruhan ni Ishida ang lalaki. Inaasikaso na ni boss ang piyansa n'ya."

Pa'no 'pag um-ayaw nalang siya? Baka hindi n'ya kaya ang risk ng misyon na ganoon. She will be throwing herself into the Devil's den. Hindi pa man nangyayari ay matindi na ang kaba sa dibdib niya. She's still cluless on how extent ang pagka-demonyo ng kalaban, pero nga naman. Si Labor nga na lalaki, pinakulong lang, how much more na babae siya?

"Ano daw ang magiging kapalit?"

Nakitaan ni Marga ng liwanag ang mukha ng boyfriend sa tanong niya. "He will support your family for the rest of their lives, a very comfortable lifestyle pati pag-aaral ni Niko," tukoy ng lalaki sa bunso nilang five years old.

Maaaring buhay niya ang kapalit sa pabor na iyon, gusto niyang tumanggi but she absolutely can't. Mabibigyan ng masaganang buhay ang buo niyang pamilya? That's s very tempting dahil kahit gaano niya doblehin ang pagkayod, hinding-hindi niya magagawa iyon. At alam niyang nakasalalay rin ang estado ng trabaho ni Thomas sa kanyang magiging kasagutan. Sa dami na ng tulong na ibinigay ng lalaki sa kanya, she felt obliged. Kaya ang kanyang sagot...

"Okay, gagawin ko."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon