Part 11

970 32 7
                                    

Tama ng sikat ng araw sa mukha ni Hana ang nagpagising sa kanya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ang unang rumehistro sa inaantok parin niyang isip ay ang malambot at amoy bagong laba na hinihigaan. Kinurap-kurap niya ang malabo pang mga mata para luminaw ang paningin. Malaking glass door ang bumugad sa kanya, may makapal na kurtinang kulay gray na bahagyang nakabukas sa gitna. Mula sa siwang na iyon ay pumapasok ang mga galamay ng tirik na na araw na siyang dahilan ng naramdaman niyang init kanina.

Naalala na niya kung nasaan siya at kung ano ang mga nangyari nang nakaraang gabi.

Sa naisip ay pabigla siyang napaupo sa kama. 'Anong oras na?'

"Good morning." Nakangiting lalaki ang nakita niyang prenteng nakaupo sa paanan ng kama. Nakabihis na ito ng dark gray three piece suit, may hawak na cellphone katabi ang umuusok na inumin sa lamesa.

"Good morning, anong oras na--ah!" Naputol ang akma niyang pag-inat at napangiwi nang makaramdam ng kirot sa kanang balikat.

"Are you alright?" nag-aalalang lumapit kaagad si Jin sa kanya. "Im so sorry, Hana. It must be because of last night."

"S-sorry..."  Naalala niya ang ginawa nitong counter attack sa kanya. "Promise, h-hindi ko sinasadya!" Kung nagkataon, muntik na niyang mapuruhan ang isang malaking tao.

"Nah, it's not your fault. Siguro masyadong masama ang panaginip mo para mag-react ka nang ganun."  Hindi niya magawang magtaas ng tingin dahil nahihiya siya sa nagawa. "C'mon, cheer up!" Bahagya siya nitong kinabig sa baywang, itinaas ang baba niya at hinagkan siya sa labi.

She instantly pushed him na ipinagtaka ng lalaki, kaagad naman niyang tinakpan ang bibig niya.

"W-wala pa'kong toofbwush!"

He chuckled, amusement was drawn on his face, nagmamadali naman siyang tumakbo papuntang banyo.

After having their breakfast at makapag-ayos ay hinatid na siya ng lalaki pauwi ng Cavite. Kahit nahihiya, niyaya niya itong pumasok sa bahay nila pero hindi na ito nagpaunlak, may hahabulin pa raw na meeting.

***

"ANAK, saan ka galing? Bakit hindi ka nakauwi kagabi?" tanong ng ina niya.

"Nakita kitang lumabas sa itim na magarang kotse, sino ang naghatid sa'yo?" segunda naman ng kanyang itay.

"Ah--"

"Nagboboypren kana ba, Hana?" ang ina niya.

Ano bang sasabihin niya? Hindi pa naman sila officially magkarelasyon ni Jin. Ano bang tawag sa kung ano man ang meron sila ngayon?

Napayuko na lamang si Hana pero hindi sumagot.

"Hana, gusto kong makaharap ang lalaking iyon."

Naitaas niya ang tingin sa ama sa sinabi nito. "Po?"

***

"ANY lead for the catwoman?" tanong ni Kaito kay Akagi sa kabilang linya, nagmamaneho siya pabalik ng Maynila.

"No relevant information as for today Ishida San but we already caught the viper," tukoy nito sa traidor na pinag-usapan nila noong nagdaang gabi.

"Yoroshi, I'll be there in two hours."

"AKAGI San, hindi po totoo ang binibintang ninyo sa akin! Hindi po ako double agent, h-hindi ako traydor!" hawak ng dalawang tauhan nila ang lalaki na kasalukuyang nakaluhod sa sahig, nanginginig ito sa takot.

The guy is with them for a year now. Matino naman itong kausap, wala ring naging problema sa trabaho. In fact, he's one of the employees na hindi niya kinakitaan ng maling galaw kahit kailan. Now he knows why, dahil tantiyado lahat ng galaw nito. Marahil ay pinag-aralan nito nang maigi kung paano mag-exist sa grupo nila nang hindi masyadong napapansin.

Walang salitang lumabas sa bibig ni Akagi sa kabila ng pagmamakaawa at pagtanggi na ginawa ng salarin, nanatili lang siyang nakatayo sa gilid ng silid.

Ilang sandali pa'y napalingon ang apat nang bumukas ang pinto at iniluwal si Kaito, his face was plain, hindi kakitaan ng emosyon. Sabay-sabay na yumuko ang mga ito.

Dumiretso si Kaito sa isang maliit na mesa at dinampot ang bote ng Bourbon, nagsalin sa baso at dinala sa bibig.

"Mmm...perfect for this morning."

Mas lalong nanginig ang kawawang lalaki nang makita ang pinuno, hindi nito maitaas ang tingin at nawala ang kaninay maingay na bibig. Nagsisimula na itong pagpawisan sa noo sa kabila ng malamig na atmospera ng paligid.

Ibinaba ni Kaito ang baso at saka tumuloy sa malaking swivel chair na nasa gitna ng silid.

"It's so nice to meet you in flesh," sabi nito sa nakaluhod pa ring lalaki. "How did you caught him?" pagkuway baling nito kay Akagi.

"May nag-report sa operation manager ng Lux Harrison branch na nagpunta ang taong ito roon para kumuha ng video copies ng cctv. He even bribed the janitor to destruct the security guard on duty for him to sneak in. I ordered someone to tail his whereabouts after and that leads to these evidences," turo ni Akagi sa mga brown envelop na nakalatag sa mesa ni Kaito.

Binuksan ni Kaito ang sobre at inilabas ang laman niyon. May six pages A4 size documents at isang black and white half body picture nito na halatang zin-oom-in lang mula sa isang video copy. Isa-isang binuklat ng lalaki ang dokumento.

"It's a comprehensive research of the Ishida family tree. May mga records din ng travel histories ng pamilya n'yo in and out of the Philippines for the last fifteen years. We weren't able to extract anything from his phone, mukhang naitapon na niya ang simcard bago pa namin nakuha," saad ni Akagi. "Sa palagay namin ay siya ang nag-leak ng information related sa abduction ni Mrs. Petrov."

Napatiim-bagang ang pinuno habang pinapasadahan ng tingin ang mga papel, may-maya ay nagsalita ito.

"Who's behind this?"

"For now, this guy is still denying all the accusations," si Akagi.

Tumayo si Kaito at naglakad papunta sa harap ng salarin, mataman nitong tinitigan ang nanginginig pa ring lalaki.

"Hinihintay mo bang ako mismo ang magtanong sa 'yo?"

"H-h-hindi po sa akin iyan, Ishida San. Set-up lang po ang lahat, wala po akong kinalaman sa mga bagay na iyan! Maniwala po kayo, nagtatrabaho lang po ako nang matino."

"You mean wala kang planong umamin?"

Naluluhang umiling ang lalaki.

"Fine, fine," tango ni Kaito saka binunot ang baril na nasa tagiliran ni Akagi at walang anu-anong pinaputukan ang lalaki sa ulo. Wasak ang bungo nito at nagsitalsikan ang mga parte ng utak sa damit nilang apat, pati ang pisngi ni Akagi ay hindi nakaligtas.

Balewalang inabot nito ang baril sa kanya at pinunasan ang duguang kamay gamit ang damit ng bangkay.

"Clean this room and bring me something to change," saad ni Kaito na bumalik sa maliit na mesa at tumungga ng Bourbon.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon