Part 56- Volume 2

476 20 9
                                    

"How did I even lost the key? Sa lahat ng puwedeng mawala, ang susi pa talaga ng condo!" Halos baliktarin na ni Marga ang kuwarto kaninang umaga at nagkalat ang mga gamit niya bago siya umalis ng bahay kakahanap ng kanyang susi. "Ang hassle pa naman magpapalit ng locks."

Kasalukuyan siyang nasa loob ng taxi papunta ng ospital kung saan nakahimlay ang bangkay ni Allen. Nangako siya sa sariling pupuntahan ito kinabukasan kaya kahit groggy pa sa tinatamasang hang-over ay bumiyahe siya.

Pagkarating sa ospital, kaagad niyang tinawagan si Akagi dahil ang sabi nito ay magkasabay silang pupunta ng morge. Doon na lamang daw sila magkikita sa ospital. Kaya naman pumuwesto siya sa isa sa mga upuang nakahilera sa main lobby para doon hintayin ang lalaki.

"Hello, Akagi. Nandito na 'ko sa ospital...No, hindi naman. Kararating ko lang din...Nasa parking lot ka na? Nandito lang ako sa lobby...Sige hihintayin kita rito."

Puwede naman sana siyang mauna nang pumunta sa morge pero nagdalawang-isip siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon kapag nakita si Allen. Kaya marahil mas magandang ideya may kasama siya.

Tutok ang atensiyon ni Marga sa dalang telepono kaya hindi siya masyadong nagbigay ng pansin sa kanyang paligid. Ngunit napatingala siya sa ere nang tila may narinig na pamilyar na pangalan sa PA system ng ospital.

"guerra...to OR, please."

Kumunot ang kanyang noo habang hinihintay na maulit ang pagtawag ng PA system. Ngunit sa sandaling tumunog iyon ay iba na ang nilalaman ng mensahe.

Iyon ba talaga ang narinig niya? O guni-guni lang? Baka masyadong laman ng kanyang isip ang pagpunta niya roon kaya kahit ano na lang ang pumapasok sa kanyang isip at nag-manifest sa kanyang pandinig.

"Hey," pukaw ng boses lalaki sa kanyang malalim na pag-iisip. "Good morning."

"H-hi!" aniya na tumayo at sinukbit ang shoulder bag sa balikat. "Good morning din. Tara na ba?"

Tumango ang lalaki saka naunang naglakad patungo sa isang hallway. Ilang liko lang ay nakita na niya ang karatula ng morge sa itaas ng malaking pintuan. Kumatok si Akagi at sumilip. Mula sa salaming bahagi ng pintuan ay kita niya ang paglapit ng isang staff.

"Yes po, Sir?" anang lalaking staff.

Nagpakita ng ID si Akagi saka sinabi, "Kailangan kong makita ang bangkay ni Allen Raniola."

"Yes, Sir. Pasok po kayo."

Iginiya sila ng lalaki papunta sa bahagi kung saan makikita ang magkahilerang metal na pintuan na sa pagkakaalam niya ay refrigerator ng morge. Doon nilalagay ang mga bangkay nang sa ganoon ay ma-preserve ang katawan.

Mula roon ay binuksan ng staff ang isa sa pinakailalim na pintuan at hinila palabas ang bangkay. Nakatabon ang puting kumot sa itaas ng katawan kaya hindi agad makikita ang hitsura ng nakahimlay. Tanging mga paa lang nito ang nakalitaw. Pero kahit mga paa ay hindi yata niya kayang tingnan.

Tila rinig ni Marga ang pagtibok ng kanyang namimigat nang dibdib habang pinagmamasdan ang balot na bangkay.

Handa na ba siyang makita iyon?

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang bag habang ang isa naman ay saklot ang sariling damit sa bandang dibdib.

Kaya niya kaya ang makikita? Ngayon pa lang ay parang hiniwa na ng malaking kutsilyo ang kanyang dibdib. Kahit hindi man niya sadyain ngunit ang alaalang nakapagkit sa kanyang isip nang mga sandaling iyon ay ang nakangiting mukha ni Thomas. Gamit ang malamlam nitong tingin.

Napakagat siya ng labi para pigilan ang pag-init ng mga mata. Lingid sa kanyang kaalaman ay kanina pa siya pinagmamasdan ni Akagi.

"You may skip this part if you want to," anito.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon