Part 53

609 26 6
                                    

Mahinang ungol ni Marga ang umagaw ng pansin ni Akagi mula sa pagkakaupo sa kanyang silya. Hininto niya ang ginagawa sa lamesa at tumayo. Lumapit sa center table na nasa gilid ng sofa kung saan nakahiga ang babae at nagsalin ng malamig na tubig sa baso.

Umungol ulit ang dalaga pero ngayon ay gumalaw na para sapuin ang sariling ulo.

"How are you feeling?" tanong niya matapos iusog ang baso palapit rito.

"A-Akagi...?"

Pinaliit nito ang mga matang namamaga pa at tinitigan siya nang may pagtatanong.

"Saan tayo?"

"Inside my office."

"...office? Bakit...ako nandito?" Itinukod ng babae ang siko sa hinihigaang sofa para suportahan ang katawan habang bumabangon paupo.

Inalalayan naman niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa siko at likuran.

"Thank you." Inabot nito ang basong may malamig na tubig at tuluy-tuloy na linagok. "Bakit ako nandito?"

"Don't you have any recollection?"

Mas nalukot ang noo nito habang napapapikit. Mukhang pilit hinahalukay ang isip. "I...don't know. Ang last kong naalala, sumakay ako ng taxi."

"Hmmn..." ang tangi niyang tugon dahil kahit siya ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Mukhang wala nga itong maalala sa eskandalong nangyari sa gitna ng kanyang meeting. Base sa reaksiyon nito, wari ay nagkakagulo pa ang laman ng isip ng babae. Kahit ang mga talukap ay parang mahuhulog pa.

"Ano'ng ginagawa ko rito, Akagi?"

"Exactly what I wanted to know."

Nagbabakasakali siyang masagutan ang malaki niyang katanungan kung bakit nagawa nito ang ganoon sa kanya.

Nakapulupot ang kaliwang braso nito sa kanyang leeg habang ang isang kamay ay sapo ang kabuoan ng kanyang kabilang pisngi. Hindi na siya nakaiwas nang saklutin siya nito bigla palapit dahil hindi naman niya inakala na gagawin nito iyon, much less sa harap ng ibang taong hindi nito kilala. Ang tangi na lamang niyang nagawa ay ang mapadilat ng mga mata.

Despite her unsteady sanity, the kiss was erotic and full of emotions. Siguradong inisip ng kanyang guess na may malalim silang relasyon nito.

Kung sa una ay para siyang pinako sa kinauupuan, nang nagtagal--lalo na noong nahinuha niyang wala itong planong madaliin ang halik--naigalaw na rin niya ang kamay para hapitin ang baywang nito...at gantihan ng kasing alab ang mga labi ng dalaga. Hindi na rin naisip ang presensiya ng kanyang bisita.

But bewilderment struck him when Marga finally broke their swollen lips. Warm tears trickled down her flushed cheeks and muffled sobs escaped her breath. Nabasa ang mahahaba nitong pilik-mata.

"Hey...what's wrong?" aniya na pinahid ng daliri ang nabasa nitong pisngi.

"Mister Akagi?!" Anyo ng taong nakasaksi ng imposibleng bagay ang hitsura ng guess. Halos namilog ang butas ng ilong nito sa eskandalong nasa harapan.

"My apologies, Miss Jamolin. I think our meeting ends here," saad niya na hindi gumalaw sa puwesto dahil nakakandong pa rin ang bigat ni Marga sa kanyang mga hita.

"Wha--?" Halos mahulog na ang mga panga nito sa pagkakabuka. "You know what, I am so disappointed. Argh! Whatever, I'm outta here." Padabog nitong hinablot ang handbag na nakapatong sa lamesa at naglakad palabas ng pintuan. Kaagad naman niyang sinenyasan ang sekretarya na ihatid ang guess palabas ng building.

Yumuko muna ang empleyado bago tumalikod at isinara ang pintuan.

"Hey...are you alright?" tanong niya nang mapag-isa na lamang sila ni Marga. Hinabol niya ang tingin nito pero iniwas ng babae iyon at sa halip ay ipinatong ang noo sa kanyang balikat.

Ilang sandali ang kanyang hinintay bago nabuo ang salita sa bibig ng kasama. "...lagi na lang."

"Lagi na lang?"

"Lahat na lang ng tao sa paligid ko...sinasaktan ako....Masyado bang mababaw ang pagkatao ko para tratuhin nang gano'n? Baliw man ako minsan, nagkakamali, gumagawa ng kasalanan...pero pinagsisikapan ko rin namang magpakatama."

"Why are you sayin--"

"Shut up! Kahit ikaw"--anitong dinutdot ang hintuturo sa kanyang dibdib--"ginamit mo lang din ako. Wala kang karapatang magmaang-maangan, Akagi."

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo."

Marga let a sarcastic smile. "Gusto mo ba talagang ipamukha ko sa 'yo? Tanga ka ba o manhid lang? Ginamit mo 'ko! Ginawa mo akong pain para madakip nyo si...si..." Muli ay napahagulhol ang babae kaya naguguluhan man sa sitwasyon ay wala siyang magawa kundi hapitin ito at bigyan ng hagod sa ulo.

"Pinabayaan mo akong pumasok ro'n! Kaya mo ako sinama sa operasyon na iyon dahil kilala mo na si Thomas. Alam mo na...ang sama ng ugali mo, Akagi! Ang sama! Ginamit mo lang ako. Wala kang pinagkaiba kay Thomas."

Naiintindihan na niya ang hinaing nito, at aminado siyang tama ang sinasabi ni Marga. Hindi pa man ito lumapit sa kanya tungkol sa pagkakadukot kay Hana noon, alam na niyang may koneksiyon ito at si Allen. Napaimbestigahan na niya kung ano ang relasyon ng dalawa. Kaya nang makipag-usap ito ay nakita niyang malaking oportunidad ang presensiya ng babae sa kanilang planong rescue operation.

Ngunit ang marinig sa bibig nito na ikumpara siya sa lalaking iyon ay nagpangalit ng kanyang mga bagang.

"Ginagamit n'yo lang ako. At kung mawalan na ng silbi, iiwan...kagaya ng pag-iwan sa akin ni...Thomas...Thomas..."

Hindi matigil ang pagpapalabas ng sama ng loob ng babae. Paulit-ulit hanggang kahit maging siya ay halos masaulo na ang bawat salita nito. At nanatiling nakaluklok ang babae sa kanyang dibdib hanggang sa tumahimik na nga at nagpantay na ang hininga.

"Sorry...sorry!" pagkuway sabi ni Marga na pinagdaop ang mga kamay sa kanyang harapan at yumuko. "Bigla na lang akong pumunta rito."

Naalala na ba nito ang lahat?

"Sorry...nakakahiya. Ano kaya ang ginawa ko sa reception? Bakit ako nakapasok rito? Nakipag-away ba 'ko? Oh my god."

"You still don't remember?"

"No," anito sa malalaking iling. "Bakit? Ano bang ginawa ko? I remember, may ka-meet dapat ako, e. About sa condo. I don't know why I ended up here."

"Aah..." sabi na lamang niya na tatangu-tango. Napatingin ulit siya rito nang bigla ay nagpakawala ito ng malakas na singhap.

"Si...si Allen..." Bumadya muli ang matinding lungkot sa magandang mukha ng babae.

"Im sorry."

"Ano'ng oras na?" tanong nito na nagpaling-linga. "Kailangan kong pumunta sa ospital. Nando'n pa ba ang...siya?"

Sinulyapan ni Akagi ang relo sa kamay bago tumango, "Yeah. But its late at night. Ipagpabukas mo na lang. Kailangan ko ring pumunta."

"Hindi ba puwedeng ngayon na?"

"Let it be tomorrow."

Humugot ito ng malalim na buntong-hininga saka tumango. "S-sige...Uhm, m-mauwi na 'ko."

"Alright," usal niya na nagligpit ng gamit. "I'll drive you home."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon