Part 54

752 37 19
                                    

Hindi alam ni Hana kung gaano katagal na siyang nakatulog sa sofa. The entire day, she was confined inside Kaito's house, kasama ang isang kasambahay. Lihim na nga niyang pinagpapasalamat na naroon ito kung hindi ay mas lalo niyang iisiping biktima siya ng abduction.

Mahigpit na pinagbabawal ng lalaki ang paglabas niya nang hindi ito kasama, sinubukan na niya dating lumabas pero isang matalim na titig ang kanyang naani.

Naalimpungatang nag-iba ng posisyon si Hana sa pagkakahiga nang marinig ang kaluskos sa paligid at ilang pag-uusap ng mga tao. Pero wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito dahil ginugupo pa ng antok ang kanyang isip. Hanggang sa maramdaman niya ang dalawang kamay na dumapo sa kanyang katawan.

She had to confirm who owned those large arms that was about to encircle around her but a voice echoed that made her halted her move.

"I told you not to fall asleep on the couch, Hime."

Kaito. Nakaramdam siya ng kapanatagan kaya hindi na nagbukas ng mga mata. Dumating na pala ito galing sa sinabing importanteng lakad.

Alam niyang tumaas siya sa ere at iniakyat ng lalaki sa hagdanan patungo sa second floor kung nasaan ang bedroom at maingat na inilapag sa kama saka kinumutan. Hinawi pa nito nang marahan ang ilang tumabong hibla ng buhok sa kanyang mukha bago niya narinig ang hakbang nito palayo. Ilang sandali pa lang ay mahina nang tumunog ang pagsara ng pintuan ng banyo at pagbagsak ng tubig sa shower.

Noon siya nagbuka ng mga mata, dahil sa kakaobserba ng galaw nito ay tuluyan na siyang nilubayan ng antok.

Itinukod niya ang siko sa kama at iniangat ang sarili para tingnan ang kinaroroonan ng banyo pagkatapos ay ibinagsak muli ang katawan sa kama.

Ilang araw na ba silang nagsama ni Kaito sa bahay? Bakit hanggang ngayon ay ang kapal pa rin ng pader na nakapagitan sa kanila? Minsan, naiisip niya na parang hindi iisang tao ang Jin na nakilala niya noon at ang Kaito na kasama niya ngayon. Pero siyempre walang katotohanan iyon. He just changed, or rather, he finally figured what kind of person he is. Noon, napansin na niya ang pagkatahimik nito--kahit na minsan ay bumabato ng joke--pero ngayon nakakaasiwa na. Wari ay hindi nangyari ang pagiging malapit nila.

Naalala niya ang unang gabing nakitulog siya sa bahay ni Kaito. Ang gabing sa gitna ng malamig na kuwartong iyon ay pinagsaluhan nila ang mainit na mga katawan.

Napahilamos siya ng kamay sa naisip. She felt love at that moment, napakalambing nito sa kanya at maalaga. Halos arugahin na nga siya na parang nakababatang kapatid nito pero bakit ngayon ay hindi man lang siya nito mahagkan? Sa ilang araw nilang magkasama.

Did he fell out of love? Or does he found her unattractive? Nawalan na ba ito ng gana sa kanya matapos ang lahat ng komusyong nangyari? Matapos nitong makilala ang totoo niyang pagkatao. That she is not the sweet, young maiden he used to know. Isa lamang siyang produkto ng kasakimang ginawa ng kapamilya nito.

Napahawak siya dibdib nang bigla ay sumikdo iyon kasama ang isang mahapding kirot.

Kung ganoon, why is he still keeping her like a prisoner? Para raw sa safety niya, e, hindi naman na siya nakakaramdam ng panganib.

Hanggang kailan ba mananatiling ganoon ang pakikitungo ni Kaito sa kanya? Sa totoo lang, nasasaktan siya sa ginagawa nito. Ilang beses niyang pinagdasal na bumalik na ang dating Jin na nagmahal sa kanya.

Kagyat siyang napahugot ng hininga nang tumunog ang knob ng pinto ng banyo at bumukas iyon. Dilat na ang kanyang mga mata pero dahil nakahiga siyang nakatalikod rito kaya hindi pansin ni Kaito na gising siya.

Tahimik itong naglakad palapit sa closet at binuksan iyon. Maya-maya ay pinatay ang ilaw ng silid at rinig niya ang mga hakbang palapit. Nagawa nitong buksan ang lampshade na nasa bedside table sa gawi nito bago sumampa sa kama sa kanyang tabi.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon