Part 22

802 30 3
                                    

TAHIMIK ang lalaki habang lumalabas sila papuntang highway, nakatuon lang ang pansin nito sa daan. She loves the sight of him maneuvering the wheels lalo na ang pagmasdan ang paggalawan ng mga muscles nito sa braso na bahagya niyang nasisilip mula sa itim na suit.

Hindi na niya mapipigilan ang nararamdaman para kay Jin. She always wanted to touch him and be inside his broad chest.

Nasa kahabaan na ng Dasmariñas at tuwid na ang daan nang basagin nito ang katahimikan, "Hana, ano 'yong sinabi ng papa mo? Would you mind if I ask?"

"A-alin dun, Sir?"

"Naoperahan ka and you're still recovering?"

"Ah--ano, kasi..."

"Is it really too hard to say to me?" Napayuko siya dahil nakokonsensiya sa ginagawa. Ngayong official boyfriend na niya ito, may karapatan na ito  somehow na malaman kung ano ang nangyari. "Ano'ng nangyari? Appendicitis? Bladder stones?"

"Hindi."

"Were you cut?"

"... gun shot."

Shock and disbelief was drawn on his beautiful face as he suddenly turned his gaze to her. Agad itong naghanap ng espasyo sa daan at mariing inapakan ang brake, "Anong sabi mo? Nabaril ka?" Mahina siyang tumango. "Why? Saan?"

"S-sa balikat lang naman."

"Sinong bumaril sa iyo, Hana?" Jin was now using a deep tone she can feel the pressure of his fingers holding her arm. His eyes became sharp, hindi niya mabigyan ng paliwanag but it was like he's imitting a sense of danger at that moment.

"H-hindi ko kilala. May bigla kasing nagbarilan malapit sa convenient store na pinasukan ko, t-tapos naramdaman ko nalang na sumakit ang balikat ko." Napangiwi siya at nag-iwas ng tingin dahil hindi niya kayang tumahi ng kasinungalingan nang nakatingin sa mata.

"I don't know what to say," anito na bumuntong-hininga saka hinarap uli ang manibela.

"Magaling naman na." Namayani na naman ang katahimikan dahil nabaon na ito sa pag-iisip. Awkward na rin magbukas ng ibang topic  kaya tumanaw nalang siya sa labas ng bintana at inaliw ang sarili sa iba't-ibang kulay ng ilaw mula sa mga nadadaanan nilang buildings.

"Don't just wander naïvely on the streets, Hana, anything can happen in a split of time. Marami nang baliw na nagkalat sa daan ngayon. Just--be careful, okay?"

"Okay..."

"Anong gusto mong kainin?" Nabunutan ng tinik ang mabigat niyang dibdib nang magtanong ito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Mukhang humupa na ang masamang mood nito base sa ginamit na tono.

"Kahit ano nalang, wala akong masyadong alam sa mga international dishes, eh. Pawang pinoy food lang naman ang kinakain ko, iyon lang naman kasi ang kilala ko."

"In that case, we'll go for Japanese. Ipapatikim ko sa iyo ang favorite kong sukiyaki, I know a very nice restaurant in Mandaluyong," sabi nito na may ngiti sa mga mata. Mukhang excited ito na i-share sa kanya ang paborito. Hindi pala totoo ang sinabi nito sa tatay niya na nag-reserve na ito.

"Okay, gusto ko 'yan," nakangiti niyang sagot.

"ANG dami naman nito, parang hindi ko yata mauubos 'to, Sir." Sa hitsura ng sukiyaki na in-order ni Jin para sa kanya ay parang natakam siya bigla pero totoong malaki ang serving niyon, pang dalawang tao yata. Kapares niya ay ganoon din ang kinuha nito, nagdagdag pa ng ilang side dishes na hindi niya kilala. May nakalatag din na ilang maliliit na kanin na may iba't-ibang hugis, ang iba ay pinatungan ng isda, ang iba naman ay may nakahalong avocado slices, iyon, alam niyang sushi ang tawag doon.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon