Part 18

861 40 11
                                    

IT'S been almost a decade ever since he left their house in Bulacan. Inangkin niya ang isang buong floor ng isa sa mga buildings ng company nila at ginawang tirahan. He thought it would be safer that way and of course malayo sa mga mata ng tyrant niyang ama.

Sa kabila noon, obligado siyang bumisita sa kanilang bahay at lease once in three months just to report everything.

"How's the club?" tanong ni Matsuhiro kay Kaito, nasa likod sila ng bahay. Nakapamulsa siyang humihithit ng Dunhill cigar habang ito naman ay nakaharap sa pond na naglalaman ng makukulay na koi fish. Hawak nito ang tungkod sa kaliwang kamay habang sinasabuyan ng pagkain ang mga isda, nakasuot ito ng dark grey na kimono. Behind the wrinkly facade, Matsuhiro Ishida still possesses those keen cogitation.

"The yakuza were being too pushy."

"Their foul intent is way too obvious."

"Aside from the fact that that street is their turf, nalaman ko na isa ang lugar na iyon kung saan ginagawa ang tago nilang operasyon, kaya marahil gusto nilang angkinin ang p'westong iyon."

"Then?"

"In exchange of them staying out of our business."

"Umo-o ba si Yashiro?"

"I believe we had a mutual understanding."

"They are acting permissive dahil may plano sila sa iyo."

"I would never," sagot niya na pinitik ang humahaba nang upos ng sigarilyo.

"Kompyansa ako sa kakayahan mo pero mas mabuti pa rin ang umiwas sa grupong iyon. Ayokong magkaroon tayo ng problema sa hinaharap dahil sa kabulastugang pinaggagagawa ng ibang miyembro ng yakuza."

Sinaboy nito sa tubig ang panghuling piraso ng koi food at pinagpag ang kamay. "Mikuno San, their leader, I wonder why he's turning a blind eye on everything."

"BAKIT ba kailangang laman ng isip niya ang grupo na iyon these days? Marami siyang iba pang mahahalagang dapat atupagin maliban doon pero pilit talagang sumisiksik ang alingasaw ng mga ito sa paligid niya. Even Matsuhiro doesn't want to stick his nose to them.

"Ishida San, masyado pong matraffic sa Balintawak ngayon, Okay lang po ba kung sa kabila tayo dadaan?" tanong ng driver.

"Go ahead."

Biglang kumirot ang kanang sintido niya kaya itinukod ni Kaito ang siko sa armrest at hinilot-hilot ng daliri ang ulo.

"Anong oras ang next appointment, Akagi San?" aniya sa taong nakaupo sa passenger's seat. Napalingon siya sa kaliwang bulsa nang mag-vibrate ang cellphone niya ngunit bago pa niya mahugot ang telepono ay bigla na-lang siyang napasubsob sa harapan. Mabuti at kaagad niyang naitukod ang kamay sa sandalan ni Akagi kung hindi ay hahalik ang mukha niya roon. "What the--."

"Ishida San , dapa!" sigaw ni Akagi bago niya narinig ang tila walang hanggang pag-ulan ng bala.


"SHIT!" sambit ni Hana habang pinagbutihan ang pagkakasiksik ng sarili sa likod ng kotse. "Ugh!" nadaplisan yata ng bala ang kanan niyang hita.

Kanina pa siya nakasunod sa kotse ni Kaito Ishida. Magmula noong umalis ito sa Nankai Holdings at nagpunta sa bahay ni Matsuhiro Ishida. Hindi siya nakahanap ng magandang tiyempo noong patungo pa lang ito sa bahay ng ama dahil pawang matataong kalsada ang dinaanan nito kaya isasagawa na niya ang misyon habang pabalik na ang sasakyan nito sa Maynila. Sakto namang lumiko ito sa isang hindi kalakihang kalye kaya nakita na niya ang hinihintay na perpektong timing.

"Hana, listen," usal ni Matt mula sa earphone na nakadikit sa tainga ni Hana. "May dalawang alley sa kanan. First is five hundred metters away from your current location and then two hundred meters from the first one. Tant'yahin mo ang speed mo pagkapasok. You should be able to meet them paglabas sa second alley."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon