Part 48

759 29 3
                                    

"He's dead."

Hindi agad nakahuma si Marga sa sinagot ni Kaito. Si Matt ang kinalabit nito para itanong kung nasaan na si Allen nang makapasok sila ng ER ng hospital. Ngunit iyon ang sagot nito.

"Do you really think I would spare that dumbass' life?"

"Sa ngayon, malamang nasa kamay na siya ng mga pulis, Marga. Baka dinala sa ibang hospital," agaw ni Hana sa eksena. Siya na ang sumagot dahil mukhang walang planong magsabi ng totoo si Kaito.

Ang kanina na tila nabigla nitong reaksiyon ay napalitan ng kaunting ginhawa. Siguradong masasaktan rin ito kapag may nangyaring masama kay Allen. Afterall, boyfriend nito ang lalaki ng ilang taon. Pero selfish mang sabihin, maging siya ay gustong hilingin kay Kaito na tapusin na lamang ang lalaki. Nang sa ganoon ay wala na siyang iisipin pa. Ang pasakit na gawa ng pagpatay nito sa kanyang pamilya at ang poot na nasa kanyang dibdib ay mawala na. Nakasanayan na niyang alagaan ang ganoong mga damdamin kasabay ng kanyang paglaki ngunit gusto rin naman niyang matikman ang maginhawang pamumuhay.

Totoo kaya na magaan sa pakiramdam iyon? Na araw-araw, tanging puro masayang ngiti lamang ang makikita sa kanyang mukha.

Pero wala siyang ideya kung bakit hinayaan ni Kaito na buhayin si Allen, pagkatapos ng mga ginawa nito. Kinikilala kaya nito ang lalaki na kapatid? Magkasabay itong lumaki. Hindi marahil magagawa ni Kaito ang ganoon sa isang kapamilya.

Ano ang plano ni Kaito?

Umikot ang mga mata ni Kaito at sarkastikong napangiti. Mukhang aliw na aliw sa nakikitang reaksiyon ni Marga.

"Si Akagi?"  tanong na lamang ni Hana.

"Busy."

"With what? 'Di ba may sugat din siya? Dapat kasama natin siya rito ngayon sa pagpapagamot."

"Susunod na siya. Bakit mo ba iniisip ang ibang tao? Look at me"—tinuro ni Kaito ang bibig at kilay na may sugat—"I'm wounded!"

Isang irap ang binigay niya rito, hindi na pinatulan ang rant ng lalaki.

Habang kinakausap sila ng doktor, siya namang pagdating ng kanyang hinahanap.

"He's at L Hospital. Tight security is conducted by the PNP. May itinalaga rin akong ilang tauhan natin para magbantay."

Isang tango lang ang isinagot ni Kaito sa binigay na report ni Akagi.



Lumapit si Hana sa kapatid nang sabihin nitong gustong makipag-usap sa kanya nang sarilinan. Kita niya ang pagbitiw ng matalim na titig ni Matt kay Kaito na hindi lumayo sa kanyang tabi simula nang makaalis sila sa lumang bodega.

She's quite astounded yet proud of her brother's courage. Nakaya nitong gawin iyon sa taong kinatatakutan maging ng mga bigating sindikato.

Nilingon niya muna si Kaito bago sumama sa kapatid para suriin kung ano ang reaksiyon nito sa ginawa ni Matt.

Contradictory to his brother, the man just remained motionless on the hospital bed, face lacked of emotions.

She felt relieved, at least hindi nito pinapatulan ang ganoong banat ni Matt.

"Hana, ngayon na nadakip na ang taong suspek sa pagpatay ng mga parents mo, ano na ang plano mo?" tanong ni Matt nang mapagsarili sila "...I know you're tired. Gusto mong magpahinga muna bago pag-usapan 'to. But what I want to say is...mukhang walang planong lumayo sa 'yo ang Kaito na iyan! Alam ko na ang iniisip niyan, e. Kung tama ang hinala ko, sasama ka ba?"

"Huh? Saan?"

"Baka hindi ka niyan iuwi sa bahay."

"Hindi kuya...siyempre uuwi ako. Mag-uusap kami...kailangan naming mag-usap nang mabuti."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon