Part 37

737 29 11
                                    

"Hindi mo ba naiisip na sa ginawa mo, hindi malayong ikaw ang mapatay ko?" Nagbabaga ang titig na binigay ni Kaito kay Akagi.

"Then I'll have no choice but to stop you." Akagi shrugged ngunit alerto rin dahil baka may gawin na naman si Kaito na kahibangan.

Nag-iwas ng tingin si Kaito saka tumayo at nagpunta sa lamesa na pinaglagyan ng nakakalasing na inumin. Nagsalin sa maliit na baso saka dinala sa bibig. "You better give me a solid reason for interfering, Akagi San."

"I have one."

Gumalaw ang mga paningin ni Kaito mula sa baso patungo sa kanya. Mababanaag mula sa singkit nitong mga mata ang interes sa kanyang sinabi.

Akagi wanted to carve a smirk on his face.

"Hinalungkat ko ang archive ng Greenland Project 10 years ago."

"Then?"

"That guy, Ryeo Inoue was killed through gunshot, together with his wife, sa bahay."

"At ang mga tauhan ko ang pumatay sa kanya. Tell me something I dont know."

"It's true. Alam nating ikaw ang nagbigay ng utos na linisin ang mga bugs ng condominium project na iyon, kaya inaako mo ang lahat ng kasalanan. But that man was a special case. Naalala mo ba? Ang ibang sangkot sa corruption na iyon ay pinatalsik. Ang iba naman ay na-demote, some were sued at nanahimik na sa presinto, maging ang mga nagtatrabaho sa third party companies ay hindi mo pinaligtas. But that man was killed. The lone death related to the scandal. Hindi natin masyadong pinagtuunan ng pansin ang kaso ng kanyang pagkamatay dahil naging masyado kang abala sa pagtuwid ng finances. Basta mo na lang tinanggap ang nagawang pagpaslang ng mga tao mo since nakatulong naman iyon sa paglilinis ng mga bulok na prutas sa project. Madali rin nating napatahimik ang insidente at natabunan ng ibang issue. But, come to think of it, bakit kailangan siyang patayin?"

"Hindi ko alam. Baka nakatira lang sila nang mga panahong iyon kaya ginanahang magsayang ng buhay."

"Exactly. Hindi mo alam, hindi natin alam dahil hindi tayo nag-imbestiga. Now,"--Ipinatong ni Akagi ang isang binti sa itaas ng kabila at prenteng pumuswesto sa king's chair na nasa tabi ng bintana ng kuwarto--"I have tasked someone to dive again into these matter pertaining the Greenland case. Iisa-isahin nating muli kung sinu-sino ang mga involved sa chaos na iyon at ano ang kinalaman ni Ryeo Inoue. Something keeps on knocking in my mind but can't really point it out. My intuition is driving me to open the case and seek more answers. The real answers."

"I'll be expecting thorough details regarding that hunch of yours. That'll be your resolve in meddling someone's life milestone."

"You call suicide a milestone?" nakangiwing tanong ni Akagi. Iniisip kung gaano na kagulo ang utak ng kaharap.

"Make sure to provide me answers worth spending more time, Akagi San. Kung hindi ay baka maisipan kong manghikayat ng kasama 6 feet below the ground."

Tumaas ang isang kilay ni Akagi sa binigkas ng amo. Pagkatapos ay yumugyog ang balikat sa isang tahimik na amusement, na ikinakunot ng noo ng huli.

"Yeah. I'll bear that in mind."

Kaito just glared at him. Kailangan niyang maghalungkat pa dahil malakas ang pakiramdam niya na may mapipiga pa siyang impormasyon na nakabaon na sa hukay kasama ng bangkay ni Ryeo Inoue.

***

"Hey."

Napangiti si Hana sa malamlam na titig na binigay ng kapatid sa kanya. Puno ng pagmamahal at pag-aalala ang tingin nito para sa kanyang kalagayan. Naabutan siya nitong nagtitimpla ng gatas sa kusina. Kagagaling lamang nito sa trabaho.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon