Part 50

1K 33 44
                                    

They would exchange some fleeting chats just like this.

Gutom na 'ko, she texted one evening.

Then go grab some meal.

Sa bahay na lang. Pauwi naman na ako.

Saan ka ngayon?

MRT na.

He checked his watch, 8:02 PM.

Ngayon ka lang nakauwi?

Yeah...may pinahabol pa kasi si boss.

Sige, then call me 'pag nasa bahay ka na.

Okay! Love you :*

And how could he forget that moment, when he got their first home.

"Para sa akin? Sure ka?" bulalas ni Marga isang araw nang dalhin niya ito sa isang gusali. "Hala! Pa'no? 'di ko kayang magrent ng ganito! Hon, mukhang nao-overestimate mo yata ang income ko," anito na may ngiti sa mga labi. "I can't have this. Gosh."

"I wanted to change my residence pero 'di ko mabitiwan ang flat ko ngayon kaya naisipan kong kumuha rito sa Pasay. Medyo nasisikipan na 'ko sa studio type. I need a larger space. Saktong may nag-recommend na kasama ko sa trabaho, magaganda raw ang condo rito, so...so hindi lang ikaw ang titira rito," aniyang dinampot ang isang vase sa center table saka inilipat sa isang mas maliit na lamesa sa gilid ng sofa.

Hindi kaagad nakapagsalita ang babae bagkus ay nakatitig lang sa kanya. Tila inaarok nito kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Proposal na ba ito?" pagkuway anito.

"Huh?" mabilis ang paglingon na kanyang nagawa nang marinig ang salitang iyon. "No."

"...oh," sabi nito na napahalakhak. Hindi niya alam kung totoong natatawa o defense mechanism lamang sa lantaran niyang paghindi. "So gusto mong mag-live-in tayo?"

Napatuwid siya ng tayo at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng suit na pantalon. "...palagi rin naman akong wala dahil sa business trips kaya most frequently, ikaw lang ang nandito."

"Alright..." anyong nasa malalim itong pag-iisip habang nakatungo sa sahig. Nakahilig ang likuran sa pader at kagat-kagat ang ibabang labi. "Alright. Payag na 'ko."

He hadn't expected it to be so easy. That she would instantly agree to that kind of arrangement.

Napangiti si Allen habang nanatili pa ring nakapikit. Ngunit mapapansin sa kanyang mga pilik-mata ang pamumuo ng butil ng tubig. Sa kabila ng pamimigat ng dibdib at pahapdi ng ilong, nagpatuloy siya sa pagbabalik-tanaw.

"Hon! Oh my god. Ano 'to?!" bigkas ni Marga sa nanlalaking mga mata. Nakatitig sa kulay puting kotse.

"Kotse, hon."

Gusto niyang matawa sa biglaang pag-iba ng reaksiyon nito sa sarkatiko niyang sagot. Binigyan siya nito ng matalas na titig bago ibinalik ang tingin sa nakaparadang sasakyan.

"Bili mo?"

"Installment."

"'di ba...may kotse ka na? Idi-dispose mo na?"

"This yours, Marga."

Mas lalong namilog ang mga mata nito na animo'y nakarinig ng napakaimposibleng balita.

"No way!" saad nito na hinagod ng kamay ang katawan ng kotse.

"Yes," tango niya. "Ayoko na'ng makarinig ng reklamo mo kesyo late kang nakakauwi ng bahay dahil sa byahe."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon