Part 40

725 34 5
                                    

Despite the squabble between herself and Matt, Marga insisted to do what she thought was the only option they have. Kaya ngayon, ay nasa harapan siya ng marangyang reception ng Nankai Holdings para isagawa ang binabalak.

"Miss, may I have an appointment with Mr. Yuu Akagi, please? Like, urgently. Importante lang talaga."

"Certainly, Ma'am." Ibinaba ng receptionist--na nasa kulang-kulang bente kuwatro ang edad--ang tingin sa kaharap na monitor ng computer ng ilang sandali. Matapos ang kilatisin ang nasasukat roon ay nagtaas na ito ang ulo sa kanya. "On Wednesday, he will--"

"No, no, please. Today. Kailangan ko siyang makausap today, Miss." Wednesday? That'll be three days later. She could not afford to waste such long time.

"Im sorry, Maam, Mr. Akagi's schedule is full for today. Iyon lang po ang maibibigay kong pinakamalapit na oras."

"This matter can't wait that long, Miss. Please, let me see him."

"Maam, it's not for me to decide po," nakangiwing sabi ng babae. Sa hitsura nito, mukhang gusto rin nitong pagbigyan ang kanyang hiling ngunit talagang walang magagawa. "Actually, right at this moment, he's currently in a meeting. Masyadong busy po kasi ang schedule parati ni Sir Akagi, e."

"Pero..." Walang nagawa si Marga kundi ang mapabuga ng hangin. Mas lalong bumigat ang anyo sa maganda niyang mukha sa pangambang kanina pa nasa kanyang loob ngunit ngayon ay mas lumala. Ano na'ng susunod niyang gagawin ngayon? Hindi puwedeng maghintay siya ng tatlong araw para makausap ang lalaki. Baka kung ano na ang mangayari kay Hana kapag ganoon. At si Matt, mas lalong hindi makakatulog ang pamilya niyon sa pag-aalala. "Puwede ko bang hingin ang contact number niya?"

"Err...mas hindi po puwede iyan, Ma'am. Protocol po ng company na idadaan sa appointments ang lahat ng taong kakausap sa kung sinuman dito, mas lalo na sa executives."

Oh sure, she knew it. Desperado lang talaga siya.

Nasa ganoon silang palitan ng salita ng receptionist nang mahagip ng gilid ng kanyang mata ang ilang kumpol ng kalalakihang lumabas sa elevator. Agaw pansin ang mga ito dahil sa aura na dala. Iyong tipong mangingilag ang kahit na sino'ng mapalapit man ng ilang metros. All were clad in elegant suit. May nakikita siyang may katandaang lalaki, ang isa naman ay mga nasa early forties ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang mahanap ang lalaking kanina pa niya inuungot sa kaharap na babae na makausap.

"Okay, thank you, Miss," aniyang tumalikod. Abot ng kanyang tainga ang tila nagpa-panic na boses ng receptionist na tinatawag ang kanyang pangalan. Mukhang nahuhulaan na nito kung ano ang naisip niyang gagawin. Ngunit hindi siya lumingon man lang dito. Tuluy-tuloy ang kanyang lakad palapit sa kumpol ng mga lalaki.

Akagi was all ears chatting with those men kaya hindi nito napansin ang kanyang paglapit. Nakakahiya man ang kanyang gagawin ngunit buhay ni Hana ang nakasalalay kaya iindahin niya kung mapahiya man siya sa harap ng mga mukhang elististang tao na kasama ng lalaki. Kung itabi pa naman sa mga ito ang suot niya nang araw na iyon—which was a skinny blue jeans and a flat V neck white tee na pinatungan ng brown na leather jacket—nagmumukha siyang pinulot lamang sa gilid ng daan.

"Uhm...excuse me," usal niya sa oras na mapalapit sa mga ito.

Magkasabay na lumingon ang apat na lalaki sa kinatatayuan niya at natigil ang pag-uusap. Ramdam ni Marga ang pag-init ng kanyang tainga sa kahihiyan kaya siya napalunok.

Halata naman ang pagkagulat ni Akagi nang mapadapo ang singkit nitong mga mata sa kanya. Kagyat itong naestatuwa bago napakunot nang bahagya ang noo saka nagsabi, "Why are you here?"

"Please...I need to talk to you. Please..."

Mukhang nakuha kaagad nito ang urgency sa kanyang mukha kaya hinarap ang mga kasama saka nagpaalam. "Then I'll give you a ring the soonest," anitong ngumiti.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon