Part 26

782 25 1
                                    

"Bugoy!"

Ang tinawag ay isang may katabaang lalaki na nakasuot ng pulang t-shirt at kupasing itim na pantalon. Naka-stinelas ito ng goma at may nakasabit na malaking headphones sa ulo. Natabunan na ang buong tainga ng lalaki sa laki niyon. Malutong itong nagmumura habang ang mga kamay ay malikot na tumitipa sa keyboard ng computer.

"Bugoy!"

Naiinis nang humakbang si Marvic papasok sa maliit na internet cafe. Nakakasulasok ang amoy doon dahil sira yata ang aircon, singhot niya ang magkahalong pawis na galing sa mga naglalarong customer.

Nang hindi pa rin lumilingon ang tinatawag ay hinawakan niya ito sa balikat at binigyan ng yugyog.

"O! Pre! Andiyan ka pala?" Kagyat lang itong lumingon sa kanya at ibinalik din ang mga mata sa computer. "'Tang-ina! Ang bobo! Bobo ka ha? Bobo ka?" saad nito na kagat ang mga labi.

"Bugoy! Mamaya na nga iyan. Important 'to, urgent!" Dahil sa narinig ay napahinto si Bugoy sa ginagawa. Tinanggal ang headphones at humarap. "Raket?"

"Sabi mo. Hali ka na!"

Walang pag-aatubiling tumayo ito at sumunod sa kanya palabas pagkatapos mag-iwan ng pera sa cashier.

Nakahinga si Marvic nang sa wakas ay makaalis sa maliit na silid.

"Ano 'yan?" ani Bugoy.

"Kailangan ka namin sa opisina."

"Ano'ng meron?"

"Hacking, nahirapan ako. May intruder."

Ngumisi ang matabang lalaki at nagkamot ng ilong.

"Magkano?"

"Hindi ko alam, pero mukhang galante iyong boss na nangangailangan sa iyo. Punta ka, bukas, ha?"

Kinabukasan, umaga nang dumating si Bugoy sa Nankai. Kaagad tinawagan ni Marvic si Akagi sa pamamagitan ng sekretarya nito. Ang sabi ay dalhin daw kaagad si Bugoy sa tech room at doon na sila magkikita.

"Good morning, Sir," saad ni Bugoy na bahagyang yumuko nang makaharap si Akagi.

Yumuko rin ang huli. "Naituro mo na ba sa kanya kung ano ang kailangang gawin, Marvic?"

"Yes, Sir."

"Simulan n'yo na," sabi ni Akagi na umupo sa isang silya.

Magkatabing nakaupo ang dalawang lalaki sa harap ng computer. May pinag-uusapan ito habang kinikilatis nang maigi ang mga nakasulat sa monitor. Hinayaan lamang ni Akagi na gumalaw ang mga ito.

Bugoy seems mischievous and quite confident in his field. Sa hitsura nito habang ginagawa iyon ay mukhang hindi man lang nahirapan but his brows were slightly creased. Tutok itong masyado sa ginagawa.

This guy's an asset. Hahanapan niya ito ng magandang posisyon sa kompanya.

Napatuwid ng upo si Akagi nang biglang tampalin ni Marvic ang lamesa.

"Yes! You're the best," saad nito sa kaibigan at humarap sa kanya.

"What? Na-trace n'yo na?" sabi niya na tumayo at nilapitan ang mga ito.

"Malapit na," usal ni Marvic. "Ayan na!"

May tinipa si Bugoy at saka pinindot ang 'enter' button. Gumalaw ang imahe sa screen at tumambad ang mga sangay ng networks ng buong kompanya. Pagkatapos ay unti-unting nag-zoom-in sa isang direksiyon.

"There! Nandiyan ang suspek natin," saad ni Bugoy. "Diyan nanggaling ang latest activity ni Moonwalker."

"Saan iyan?" tanong ni Akagi.

"Ang main office!" sabi ni Marvic na nanlaki ang mga mata.

"Ayan! gumagalaw ulit!" si Bugoy.

"Trace the specific network!" saad ni Akagi na inilabas ang cellphone at tinawagan ang main office.

"We have an intruder, make sure to catch it."

Namilog ang mga mata ni Marga nang lumabas ang grupo ng magkahalong lettters at numbers sa screen.

'Yes! Almost there, Marga. Almost there!'

Lumingun-lingon siya sa palagid para tingnan kung may nakakakita sa kanyang ginagawa ngunit ang lahat ay nakayuko sa kani-kanilang gawain. Kumuha ng ballpen ang babae at sinulat sa papel ang nakitang password.

'Oh, my god. This is it! Mapapasok ko na ang account ni Kaito!'

Pagkatapos ilagay ang password ilang sandali ay na-access na niya ang account ni Kaito Ishida. Tila nanginginig ang kamay ni Marga na nakahawak sa mouse sa pinaghalong kaba at galak. Sa bungad ng account nito ay may mga folders. Binuksan niya iyon at tumambad ang picture ng lalaki. Maigi niya itong tinitigan, gustong sauluhin ang detalye ng mukha nito. Ngunit hindi pa man dumaan ang isang minuto ay bigla na lamang may huwak sa magkabila niyang braso.

"Ano'ng...?"

"So, you're the culprit, Marga," saad ng kanilang managing director.

"S-sir, ano pong ibig sabihin nito?"

Hindi na sumagot ang lalaki bagkus ay tinanguhan ang dalawang lalaking naka-suit ng itim. Padaskol siyang itinayo ng mga ito dahilan para gumawa ng tunog ang kanyang upuan.

"Ano'ng ginagawa n'yo?"

Sinimulan na siyang hilain ng mga ito palabas sa opisina at ang lahat ng kasamahan niya ay nakatingin na puno ng pagkabahala. Maging ang mga ito ay hindi maintindihan ang mga nangyayari.

Nakita pa ni Marga nang kunin ng managing director ang papel na pinagsulatan niya ngpassword at nilamukos iyon. Napagtanto ng dalaga na nabisto na ang kanyang pagbabalat-kayo. And for that, she could not help but preach a silent prayer.

***

"Ito ang mga files na na-extract namin sa bagong intruder." Inilapag ni Akagi sa itaas ng lamesa ni Kaito ang mga folders.

"So they sent a hot babe after a stupid man," Kaito said with lips curved in a half smile. "Where's the lassie?"

"At the warehouse."

"They must have thought that I'm merciful to women."

Binuklat ni Kaito ang mga papel at pinasadahan ng tingin.

"Ishida, San, may mga larawan din kaming na-retrieve sa kanyang files, nasa last page."

Binuklat ni Kaito ang mga papel at tiningnan ang sinabi ng lalaki. May iba-ibang pictures ang nandoon, lugar, tao at mga gamit. May pamilyar ding building at ang iba roon ay mga pag-aari niya.

"A photo of a family caught my attention," bigkas ni Akagi kaya hinanap niya. Sa pangatlong page ng mga larawan niya natagpuan. It was quite an old photo, a couple and a girl. Singkit ang mga mata ng lalaki at sa tingin ni Kaito ay may lahing Japanese. The woman looked like a pure Filipina pero maganda and the kid was around nine or ten years old, has a straight hair that reached beyond her shoulders. They were standing in front of a statue na hindi niya matukoy saan, probably a park. They were smiling and they looked peaceful.

"Who are they?"

"I am not sure, Ishida San, but I remembered what the woman bandit told me."

Nagtagpo ang mga kilay ni Kaito at pilit inaalala ang kataga. "Oh, yes. Must be related."

Muling tinitigan ni Kaito ang mukha ng bata. Somehow, she looks familiar, hindi niya lang matukoy kung bakit, lalo na ang mga singkit nitong mata.

"Delve more about this family. "

"Wakarimashita."

"And...feed the lassie to those greedy dogs of yours."

Yumuko si Akagi bilang pag-oo sa utos nito, nagpaalam at tinungo ang pintuan. Si Kaito naman ay inikot ang swivel chair patalikod. Habang nakaharap sa salamin na pader ay napaisip, 'When are you going to have your next step? Now that I've caught one of your accessories again.'

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon