Part 27

756 20 3
                                    

Tinaktak ni Ganbo ang sigarilyo sa babasaging ashtray nang makitang humahaba na ang upos nito. Nakadekuwartro siya sa likod ng malaking lamesa at bahagyang nakatagilid. His elbow was on the table. Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina, napapalibutan ng mga membro ng kanyang grupo.

Nakatuon ang maraming pares ng mga mata sa lalaking nakayuko sa sahig. Tiklop ang tuhod nito, ang likod ng binti ay nakalapat sa pang-upo. Ang mga palad ay nakadaiti sa sahig.

"Amamiya, bakit mo ako pinahiya? Bakit gumawa ka ng hakbang nang hindi ko nalalaman? Hindi ba naging malinaw ang sinabi ko na pabayaan si Kaito Ishida?"

"Malinaw, Ganbo Sama," anang lalaki na hindi gumalaw sa puwesto.

"Kung gayon, gusto mo lang talagang sumalungat sa salita ko. Are you that curious on how I get mad?"

"Sore wa chigau yo!"

"Mabuti sana kung nagtagumpay kang patayin siya, pero hindi. Ngayon, may utang na tayo sa lalaking iyon at kailangan pa nating magbigay ng malaking halaga para sa danyos. Do you think the Oyabun would be delighted to know that?"

Dinutdot niya sa ashtray ang upos ng sigarilyo bago dinugtungan ang litanya.

"Whether you give me reasons or not, you need to accept your punishment. Kaya hindi ko na kailangang marinig ang mga sasabihin mo. Now, do it," sabi ni Ganbo na sumindi ulit ng sigarilyo.

Marahang tumayo si Amamiya. Lumapit sa lamesa ni Ganbo at kinuha mula doon ang isang matalim na punyal. Katabi ng pinaglatagan ng punyal ay isang puting tela at sangkalan. Inilagay ng lalaki ang pinakamaliit na daliri sa kaliwang kamay sa ibabaw ng sangkalan. Pagkatapos humugot ng malalim na hininga, tiim bagang nitong idiniin ang punyal sa daliri. Kaagad nitong kinuha ang puting tela at binalot sa kamay na nagsimula nang dumugo. Lumapit naman ang isang membro at inilagay ang putol na daliri sa itaas ng isa pang puting tela at iprinesenta sa harapan ni Ganbo.

Amamiya stepped back and bent his body forward before exiting the room.

"Koge, go send the money to Kaito Ishida."

"Hai, Ganbo, Sama," sagot ng inutusan.

Napahilot na lamang ng sintido si Ganbo. Sometimes, taming people can be the harder than domesticationg wild beasts.

***

Sa opisina ni Kaito.

"I have gone some inquiry regarding the people in the family photo, Ishida San, and I found out that the man was under ALPHA finace ten years ago."

"Isn't that the company responsible for financial audit before?"

"Hai, Ishida, San. The man was Ryeo Inoue and his wife was Marites Inoue. He was involved in the Greenland aftermath."

Mula sa pagkakatungo sa larawan ay napaangat ng tingin si Kaito.

"Is he that man?"

"Precisely, Ishida San. Kaya hindi malayo ang posibilidad na ang babaeng nagbanta sa iyo ay ang nawawala nilang anak."

"So she's on for justice," Kaito murmured while tapping the table with his finger.

"She's motivated, kaya dapat nating higpitan ang seguridad. She could be under the care of a huge competitor."

"I know. I know," aniyang tumangu-tango.

Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang mag-ring ang telepono na nasa itaas ng lamesa ni Kaito. Ang secretary niya.

"Yes?"

"A certain man called, he said he's an associate of Yashiro Ganbo."

Pinindot ni Kaito ang loud speaker button saka ibinaba ang receiver.

"What did he say?"

"He said he wanted to meet you for an important matter."

Tiningnan niya si Akagi na nakikinig din sa usapan.

"At Luxe, eight in the evening."

"Copy, Sir. Thank you."

"Ikaw na ang bahala sa tao ng matandang iyon. Magbibigay na siguro sila ng ipinangako nilang danyos. Tell them that I'll charge them again whenever this wound aches."

"Hai, Ishida, San."

Mula sa gusali ng Nankai Holdings ay tinungo ni Akagi ang warehouse kung saan dinala ang babaeng nangahas na pasukin ang security nila.

"Ano'ng balita?" tanong ni Akagi sa isa sa mga tauhang naroroon. Ang tatlong lalaki na prenteng nakaupo sa sofa ay biglang napatayo nang dumating siya. Sa itaas ng maliit na kuwadradong lamesa ay limang lata ng beer, pawang nabuksan na. May metal na ashtray na nag-uumapaw sa upos ng sigarilyo at ilang pakete ng junk foods.

"Matigas ang chikas na 'to, Boss. Kahit anong pasakit ang ginawa namin, hindi kumakanta!" sabi ng isang lalaking may kalakihan ang pangangatawan.

Dumiretso si Akagi sa pintuan ng silid kung saan ikinulong ang bihag. Pinihit niya ang siradura at binuksan.

Kalunus-lunos ang hitsura ng babaeng nakagapos sa isang silya. Wasak ang maitim nitong buhok. Ang mukha ay nagkulay ube na sa pinaghalong pasa at sugat. Her pretty face was nowhere to be found. Nakayuko ito at mukhang nakapikit ang mga mata. Marahil ay nakatulog sa sobrang pagod. Ang polo nitong fuschia pink ay nakabukas hanggang sa tiyan, kita ang dibdib na natatabunan ng itim na bra. Ang beige na palda ay nakataas hanggang sa ilalim ng pang-upo.

By single glance, he could already guess what she had gone through.

Akagi dragged one of the metal chair kaya napakibot ang babae. Umupo ang lalaki roon at humarap.

"Nakapagdesisyon ka na bang magsalita?"

Umangat ang mukha nito sa kanya kaya nakita niya ang buo nitong anyo. Putok ang mga labi, ang isang mata ay nangangalahati ang pagkakabuka dahil sa tinamong pasa.

"Ganoon pa rin ba ang itatanong mo sa akin? 'Di ba na sagot ko na iyon lahat. Hindi ba sinabi ng mga hayop kong tauhan? Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng nag-utos sa akin. His identity is anonymous."

Akagi raised a brow. He was quite suprise by the woman's willpower. She could even speak with annoyance despite the pathetic condition.

"Then, paano kayo nagko-communicate?"

Hindi na sumagot ang babae, nag-iwas ito ng tingin kaya hindi mahirap sabihin na may tinatago ito.

"Ano ang koneksiyon mo sa pamilyang nasa larawan na nakita sa files mo, Moonwalker?"

"Siya ang magpapabagsak kay Kaito Ishida!"

"So you knew the child. Nagsalita ka na lang din, how about give ourselves a treat and spill all of the stuff in the fridge."

"Hindi n'yo ako mapapakinabangan, tandaan n'yo 'yan! Kahit patayin n'yo ako, wala kayong mahihita!"

"Hmn? Then how about we slaughter your family instead?"

Nanlaki ang mga mata ng babae sa narinig. Maya-maya ay bumadya ang galit at pagkatapos ay kuminang ang luha.

"Mga hayop kayo! Mga walang puso!"

"I told you, you have your choice. Pipiliin mo ba ang loyalty mo sa boss mo over the safety of your family? It's your call, Moonwalker."

Tuluyan nang nahulog ang kanina ay nakalambitin nitong mga luha. Dumaloy iyon sa kutis nitong nababahiran ng mapupulang sugat.

Nang dumaan ang halos isang minuto ay hindi pa rin ito nagsalita ay tumayo na si Akagi, naglabas ng panyo sa bulsa at bahagyang pinahid ang basang pisngi ng babae.

"I'll be back," aniya at tumalikod na para lisanin ang silid.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon