Part 49

694 20 3
                                    

Ang tahimik na kuwarto na nababalutan ng puting pintura ay nagsilbi na niyang selda. Kahit marahil paggapang ng ipis—kung meron man—ay kaya nang umabot sa kanyang pandinig. Nakakasuka ang malinis na paligid na nangangamoy kemikal...o gamot, hindi niya alam. Ang TV na tanging pag-asa para man lang makalikha ng kaunting ingay ay ipinagkait sa kanya. Hindi man lang niya nasilayang nakabukas iyon simula nang napunta siya roon.

Nakakasakal.

Ano'ng oras na ba? Ano'ng araw na?

Napatitig si Allen sa labas ng bintana. Dahil mataas ang kanyang kinaroroonan, mula sa kamang kanyang kinalalagmakan, ang tanging naaabot ng kanyang paningin ay ang iilang sanga ng punong-kahoy sa unahan ng building.

Ano kaya ang hitsura ng paligid sa ilalim niyon? Marami bang tao? May mga tindahan? O isang tahimik na pook kung saan tanging huni lamang ng mga nagkakantahang ibon ang maririnig.

Mataas ang sikat ng araw, kaya marahil ay naeengganyo ang mga taong maglakad-lakad. Ngunit dahil umaga pa, siguradong may kalamigan pa rin ang ihip ng hangin. Sa kasamaang palad, hindi niya makokompirma iyon dahil mahigpit ang pagkakasara ng salamin na bintana sa kanyang silid. Ang tanging nagawa ng nurse na bumisita sa kanya kanina ay ang hawiin ang makapal na kurtina. Iilan sa sinag niyon ay lumusot papasok sa kanyang silid kaya maliwanag ang lahat ng sulok ng kuwarto.

Huhulaan na sana niya kung ano ang oras nang mga sandaling iyon pero wari ay kumakalabit sa kanyang pansin ang malakas na tunog ng paggalaw ng mga kamay ng wall clock sa kanyang harapan. Inilipat niya ang mga mata roon.

"Nine thirty," mahina niyang usal. "...ten."

Napalunok siya nang mapait, isinara ang mga kamay na nakapatong sa hita sa isang kamao.

May oras pa.

Ang sabi ng doctor, makakalabas na siya ngayong hapon. Rather, ilalabas na siya ng mga pulis roon para ilipat sa kung saan siya nararapat na ilagay.

Muli niyang inihilig ang likuran sa kama at tumitig sa puting kisame, mayamaya ay ipinikit ang mga mata.

Sa kanyang isipan ay malinaw na nabuo ang hitsura ng isang magandang babaeng suot ang isang makinang na gown. Ang kulay niyon ay kaparehas lamang ng balat nito. At dahil nakayakap iyon sa kabuoan nito, halos naging parte na iyon ng mahubog nitong katawan. She was voluptuous and sexy.

For an instant, he was captivated by her beauty. Not so innocent-looking, in fact quite bold kung ang appearance lamang ang pagbabasehan. Ang kurba ng mga mata ay nagsasabi sa kanyang nagtataglay ito ng malakas na karakter. Tipong gusto niya sa isang tao.

Nandito na nga lang siya sa party, why not taste some of it benefits for a bit. Kaya naman nilapitan niya ito.

"Hi! The night's pretty young, why not start with some low ones."

Ang unang kataga niyang sinabi rito na nadagdagan pa hanggang sa halos sila na nga ang magkasama sa buong gabi.

Nakilala niyang representative ito ng isang malaking tech company at expert sa computer.

Mukhang mapapakinabangan niya ang abilidad ng babae.

And so he befriended her with the intension of crossing the line eventually. After a couple of days, he then started the courting stage na nagkaroon naman kaagad ng positibong resulta paglipas ng ilang buwan.

He was confident about that. He knew well his capabilities. Afterall, women are all the same, a little bit of wooing plus a flick of his wealthy fingers then thats it. They would swoon at his toes like animals in rut. For him, that would be the easiest way to secure trust and full cooperation of a female ally.

Whew! Honestly, that was long and boring. He nearly dropped the idea cause he wasn't used to those kind of sweet nothings. The woman apparently was one of those typical princesses who waited for some prince charming. He's not the type to do those craps and he's definitely not a prince charming! But he sure made it through for he knew that each and every effort he spent would be paid off generously.

He hadn't expected their pretend relationship to last. Kung hindi siya nakahanap ng rason para panatilihin ang pagpapanggap ay matagal na niyang pinutol ang ugnayan nila. Kung wala rin lang naman siyang mahihita mula sa larong iyon, para ano pa para patagalin?

Pero mukhang pinahintulutan talaga ng panahon dahil nakilala nito ang lalaking nagngangalang Matt at maging ang kapatid na babae na malaki ang magiging papel sa plano niyang pagpapabagsak kay Kaito Ishida.

It was as if graces were granted upon him like a downpour. Noong panahong iyon ay hindi siya naniniwala na wala sa kanya ang pabor ng panginoon for his meticulous attempts were successful and everything went smooth.


Dan's Restaurant at Royale Tower, it's where they celebrated their first anniversary as a couple.

Marga was in her red dress. Her raven black hair was clipped sideways. She was astounding.

Wala sana siyang balak magtungo roon at basta na lang itong hindian sa imbitasyon pero nagpumilit ang babae. And for some reason, he couldn't say no. He recalls canceling one of his meetings that night.

She was the one who chose the table, pinili nito ang puwestong nasa gilid lamang ng salamin kung saan makikita ang kabuoan ng lungsod. Maging ang tower na iyon ay ito ang pumili.

Around 10PM, he realized why when a loud boom suddenly echoed from the skies and colourful magestic pyrotechnics filled the air.

Napahinto siya sa pagtungga ng alak nang mapagmasdan ang mga iyon.

"Surprise! Happy anniversary," she muttered wearing her overjoyed facade.

"You...did that?" he asked, disbelief in his face. Hindi pa rin natigil ang pagkalat ng makukulay na ilaw na may iba-ibang hugis sa kalangitan.

It wasn't the first time he witnessed such display but that time, his eyes were pasted on the dancing lights.

"Siyempre hindi!" anitong napatawa. "Nalaman kong may fireworks display rito every fridays and weekends kaya sinadya ko na rito tayo mag-dinner. Surprised ka ba?"

Napatungo siya sa dalang baso at tinitigan ang loob niyon. Sa alak na kulay dilaw niya nakita ang pares ng malamlam niyang mga mata na kahit siya ay nasurpresa nang makita. After a long time, he saw his eyes glimmered as such. A touch of tenderness was painted in those two little orbs and a hint of smile at the corners of his lips.

He was unrecognizable.

"Hmn...yes."

"Happy anniversary!" sabi ulit nito na inabot ang isa niyang kamay na nasa itaas ng lamesa at masuyong hinagkan. "I love you, hon."

He couldn't help but reciprocate the intense glance Marga threw at him. Ang tingin nito ay tila may dalang magnet na hindi niya kayang ipagwalang-bahala, kaya siya man ay napatitig rin. Ang kamay na hawak nito ay hindi niya magawang bawiin.

Nang mga sandaling iyon, napuno ang kanyang dibdib ng damdaming hindi niya mawari. Kagyat na nalito ang kanyang isip kaya marahil natagalan bago siya nakasagot.

"I...love you too."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon