Part 17

870 23 3
                                    

"TSK! Ganbo Sama, bakit mo hinahayaang insultuhin ka nang ganoon ng hambog na Ishidang 'yun? He's not even a yakuza, napakatalas ng bibig niya, parang kung sinong pesteng hari kung umasta!" nanggagalaiti paring usal ni Amamiya pagkaalis ni Kaito at Akagi.

"He's the son of Matsuhiro, afterall, kaya hindi na nakapagtataka. What's more interesting with that guy is aside from being the heir of Matsuhiro, he's a well made-man. He has his own charm pagdating sa negosyo," sagot ni Yashiro na composed paring humigop ng tsaa. "No wonder Oyabun wants him to 'share a cup of sake' with us kaya palalampasin ko ang mga banat niyang ganyan. He's a very successful businessman and has pile of connections, malaki ang maitutulong niya sa atin kung magtagumpay tayong makuha ang kooperasyon niya, kaya Amamiya San, calm your blood. Huwag mong pairalin ang init ng ulo mo this time."

Paglabas ni Amamiya sa malaking gate ng mansion na yari sa makapal na kahoy ay nakaabang na kaagad ang kotseng sasakyan niya.

Pinagbuksan siya ng nakaitim na long sleeves na polong lalaki, si Rei, ang pinagkakatiwalaan niyang tauhan. Kinuha niya ang puwesto sa likuran ng kotse at nang makapasok siya ay sumunod naman itong umupo sa passenger's seat.

"Rei," saad niya pagkaandar ng kotse.

"Boss?"

"May ipapagawa ako sainyo."

NAKAHARAP si Hana sa topload washing machine habang binubudbod ang sabon sa loob niyon. Araw ng Sabado at maganda ang timpla ng init kaya naglaba na siya ng damit kahit mag-aalas nuwebe pa lang ng umaga.

"Hana, isali mo nalang din itong polo ng kuya mo, may naiwan pa pala dito. Ito yata 'yong hinubad n'ya kagabi kaya 'di ko naisali sa labada ko kahapon, isa lang naman," utos ng nanay Rosita niya.

"Opo, Nay, pakiabot naman po."

"Heto, ilalagay ko na dito sa planggana."

"Kay po."

"Hana, kailan pupunta dito ang boypren mo at magpapakilala?"

Natigilan si Hana sa tangkang pagpapaandar ng washing machine sa pabiglang tanong ng ina.

"U-uhmm..."

"Huwag mo 'kong ma-am-am d'yan, Hana. Alam mong seryoso ako. Ano? May balak bang magpakita ng respeto ang taong 'yan o hindi?"

"Nay, kasi...hindi pa 'ko nagka-chance na sabihan siya tungkol sa pagpunta dito. Tumawag po siya nung last week, sabi n'ya masyado raw siyang busy sa trabaho."

"Baka akala ng taong 'yan porket mahirap lang tayo hindi na kailangang pakitaan ng respeto," irap na sabi ni Rosita.

"H-hindi naman po sa ganoon, Nay, mabait po si Jin. Actually sobrang bait po, t'saka humble. 'Pag tatawag po ulit siya, Nay, sasabihan ko po. Promise." Itinaas ni Hana ang palad sa ere.

"Hihintayin namin iyan ng tatay mo, hindi namin kakalimutan 'yan," saad nito habang humakbang na papasok ng bahay.

"Opo," sagot niya habang hinahatid ng tingin ang nakatalikod nang ina tapos napabuntung-hininga.

'Paano ko sasabihin? Sa totoo lang, kahit ako hindi ko alam kung pupunta s'ya. Haaay...anong gagawin ko kung umayaw? Nakakahiya kina inay.'

***

"KUYA..." tawag ni Hana sa pangalan ng kapatid habang nakaluklok siya sa tabi ng kama ng lalaki, nakaharap naman ito sa laptop at nagbukas ng iba't-ibang websites at email na pinadala ni Marga. Alas diyes na ng gabi.

"Mmm..." sagot nito na hindi siya tinapunan ng tingin.

"Diba alam mo naman na tungkol 'don sa naghatid sa akin dito?"

Natigil ito sa pagbabasa at pinaikot ang swivel chair paharap sa kanya.

"Hana, alam kong nasa tamang edad ka na, at normal sa isang babae ang ma-attract sa isang lalaki. Ayaw kong mag-usisa sa iyo dahil hinihintay kong ikaw mismo ang magpakilala sa amin sa kanya, pero hanggang ngayon wala kaming nakitang kahit anino ng taong 'yon. Now as your brother, let me ask you the usual questions. Sino ba siya? Saan mo nakilala? Saan siya connected? I heard he was driving a luxurious car. Ano'ng plano n'ya?" seryoso nitong tanong habang nakatitig sa mga mukha ni Hana.

"U-uhmm... nakilala ko siya sa park malapit sa dojo. Hindi siya taga Cavite, hindi ko rin alam ang address ng bahay niya. Ang pagkakaalam ko, businessman siya. Sa pagkakaintindi ko, may position siya sa The Opulence Hotel."

"The Opulence?" taas ng isang kilay ni Matt. "The seven star hotel? He must be something."

Nakatungo lang si Hana.

"Supervisor? Manager? Director?"

"Shar--"

"Matt," katok ng ina niya sa pinto. "Nandito si Lito, hinahanap ka."

"Ay fuck! Ang Cd! Kailangan n'ya pala 'yon bukas," anang lalaking napatalon pa sa upuan. Mukhang importante ang CD na hinihingi ni Lito dahil nawala na sa isip ng kapatid niya ang pinag-usapan. Nagkalkal ito sa drawer na nasa tabi ng computer at nang mahanap ang CD ay nagmamadaling lumabas ng k'warto.

Huwag na lang siguro niyang pangunahan si Jin, hahayaan na lang niya na ang lalaki mismo ang pormal na magpakilala sa sarili. Ang kailangan lang malaman ng mahal niyang pamilya ay kung gaano niya kamahal ito at kung gaano kabait ang lalaki sa kanya. That she feels safe beside him.

Bumukas ulit ang pinto ilang minuto ang lumipas saka pumasok si Matt, kakamut-kamot sa ulo.

"Pambihira, muntik ko nang makalimutan. Buti nalang pumunta siya dito, kung nagkataon wala siyang project."

"Ano pala'ng laman no'n?"

"Final thesis n'ya, nagpatulong lang. Do'n daw nakasalalay ang kinabukasan n'ya."

"Siningil mo?"

"Oo, advance pa nga," anitong ngumisi.

"Grabe ka."

"Konti lang naman. So, ano na? Saan na nga ulit tayo? Anong position n'ya sa Opulence, bigatin ha?"

"H-hindi ako sure, Kuya."

"Basta ang masasabi ko, huwag mong basehan ang economic status ng lalaki, kilatisin mo kung matino ba, hindi 'yong magpapabulag ka sa kapogihan or kamachohan. Responsable dapat, mabait, 'yong hindi ka sasaktan. Iyon lang naman ang gusto namin para sa 'yo, Hana, ang maging masaya ang buhay mo."

"So far, Kuya, I assure you, ang bait bait n'ya sa akin. Gentleman, at napakahumble, hindi matapobre. And...mahal ko s'ya, I feel safe din kapag kasama ko s'ya."

"Huwag kang kumpiyansa sa feelings mo, first time mo pa nga magka-boyfriend. Basta, maniguro ka lang lagi. Papuntahin mo dito nang magisa namin. I trust you little sis." Napangiti siya nang guluhin nito bahagya ang buhok sa ulo niya. "Ano nga ulit ang pangalan no'n?"

"Jin."

"Jin, what?"

"Uhm.. di 'ko pa natanong, e," aniyang napangiti ng alanganin.

"Oof! Tsk!" usal nito na iiling-iling.

Terminologies:

Share a cup of sake- In the yakuza, two people who make pledges to each other over sake cups (drinking together and exchanging cups with each other) are affirming and tightening their "brothership", becoming like "sworn brothers".

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon