Part 36

737 34 14
                                    

Padaskol ang pagsakay ng grupo nina Marga sa van na naghihintay sa parking lot. Ang isang nakaitim na tauhan ay umikot sa driver's seat, ang isa naman ay sa tabi nito. Si Matt ay hila ang nanlulupaypay na si Hana sa braso.

Masakit sa tenga ang tunog ng pagkaskas ng gulong ng van nang pinasibad ito ng kanilang kasama paalis ng parking lot. Sa kagustuhang makaalis na sa lugar na iyon dahil nakasunod pa rin ang mga tauhan ni Kaito sa kanila.

Napabuga nang hangin si Marga nang makalayo ang kanilang sasakyan at makitang maaliwalas ang kanilang likuran. Walang kahina-hinalang sasakyan na maaaring bumuntot.

Siya na nakaupo kaharap si Hana ay nag-aalalang hinawakan ang babae sa binti. "Hana..."

Ang mga nakababang mata ng babae ay maihahalintulad sa isang nilalang na tinakasan ng kaluluwa, walang buhay. Hindi kakitaan ng emosyon, walang direksiyon ang tanaw. Ang pares ng mga labi ay kasingputla ng isang lumang papel. Nakahilig ang buong bigat nito sa katawan ng kapatid na nakayapos.

Si Matt ay nagsalita rin, "Hana?"

Ngunit walang tugon o kahit pag-iiba ng reaksiyon sa anyo ng tinanong.

"May tama ba siya?" nakatitig kay Matt na tanong ni Marga.

"Wala, wala naman," iling ng lalaki.

"Hana--"

Bigla ang paglayo si Marga nang walang anu-ano ay payukong dumukwang si Hana at hinarap ang sahig ng kotse. Sunud-sunod ang pagduwal na ginawa na halos mailuwa na ang lahat ng laman ng tiyan.

Mas nababalutan ng pangamba ang mga mukha ng dalawang kasamahan habang hinagud-hagod ni Matt ang likod ng kapatid.

"Kailangan niyang magpahinga," sabi ni Marga nang mahinto sa pagsuka. Pinupunasan ang labi ng babae na ngayon ay bumalik na sa pagkakahilig sa katawan ni Matt. Nakapikit na ang mga mata nito, nanghahapo. Ang dibdib ay malakas ang pagtaas-baba. "Kaonti na lang, Hana, makakapagpahinga ka na."

Wala ng naaning kasagutan si Marga dahil tuluyan nang bumigat ang katawan ng kanyang kaharap.

"Nawalan siya ng malay," saad ni Matt na mas inayos ang pagkakahawak sa dalaga.





3 days later

"Kumusta na siya?" Maaga ang pagbisita ni Marga sa bahay ng magkapatid para usisahin ang kalagayan ng kaibigan. "Nagising na ba?"

"Oo, nagising na. Pero nakatulog ulit. We had to insert an IV dahil tumatanggi siyang kumain kahit kaonti. Ang gusto niya lang ay matulog nang matulog. It's as if she denies living her life."

"We can't blame her. Masyadong nakaka-trauma ang mga pangyayari sa huli nating mission. And...the fact that...she fell in love with that man...nang hindi nalalaman ang totoong pagkatao. How...absurd." Naitakip ni Marga ang sariling kamay sa bibig na para bang nakaalala ng isang nakahihindik na bagay.

"Do you think planado ang lahat ng iyon ni Kaito sa una pa lang? Na kilala na niya ang tunay na pagkatao ni Hana but he's playing with the opportunity and went along with it?"

"No," iling ni Marga. "I saw terror and terrible confusion in Kaito's eyes. Wala rin siyang alam."

"How about his right hand, Akagi?"

Marga fell in silence, napaisip. She also took a glimpse of Akagi's reaction during the face off. Nanlaki ang mga mata nito sa panahong nakita ang nadatnang tagpo. Ibig bang sabihin, kilala na nito si Hana?

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon