Part 32

752 27 13
                                    

"Section B! Section B, respond!" usal ni Akagi habang dinidiinan ang maliit na earpiece sa kanang tainga. Pilit pinapakinggan kung may sumagot sa kabilang linya. Ang isang kamay ay humugot ng baril na nakaipit sa tagiliran.

"How far have they gone?" sabi ni Kaito habang mas binibilisan ang paglalakad. Nakaagapay sa kanya si Akagi.

"I can't get the response of our men in second floor so I anticipated the worst."

Katulad ng plinano nilang evacuation strategy, kinuha ni Akagi ang hagdanan sa kanan dahil hindi hamak na mas makakakilos siya roon kung ikukumpara sa elevator. Kinasa niya baril at inihanda.

The stairs were clear, ngunit naghinay-hinay pa rin sila sa pagkilos dahil baka bigla na lang lilitaw ang mga kalaban. Naunang bumaba si Akagi at nakasunod sa likuran si Kaito.

Bago lisanin ang panghuling hakbang ng hagdanan papuntang second floor ay idinikit ni Akagi ang likod sa pader at nakiramdam. Inilagay sa harapan ang kamay para senyasan si Kaito na manatili. Tahimik naman doon, wala siyang unnecessary motion na nasasagap.

In a swift move, lumitaw siya mula sa pinagtataguan sabay tutok ng baril sa pasilyo. Napabuga ang lalaki ng hangin nang wala namang makitang kakaiba.

Dalawa lang ang posibleng nangyari, either nagkahabulan na ng mga tauhan niya at napunta sa kung saan o may nagtatago sa paligid at naghihintay lang ng tamang panahon dahil kahit bangkay o anino ng tauhan niya ay wala siyang mahagilap. Ngunit may naririnig siyang palitan ng putok.

"Ishida San, we'll take the right exit."

"This silence is making me uncomfortable," sabi ni Kaito na nakiramdam din sa paligid. Palinga-linga ito habang sinusundan ang lakad ni Akagi.

"We might not stick to--"

Napako ang paningin ng dalawa sa unahan nang lumitaw mula sa kung saan ang lalaking nakaitim ng damit. May dala itong rifle at nakatayong pumuwesto sa gitna ng hallway.

In just a wink, the two men were crawling themselves to the ground, making sure not to catch any single bullet.

Si Kaito ay sinuwerteng nakapasok sa isang pintuan sa kanan na hindi naka-lock. Si Akagi naman ay nagkubli sa parte ng pader kung saan may nakaharang na haligi. Patuloy pa rin ang pagpapaulan ng bala ng lalaking nakaitim kaya hindi muna sila gumawa ng hakbang.

Nakakatakot ang dami ng sunud-sunod na balang lumilitaw sa ere. Sa tulin niyon siguradong hindi mabibigyan ng pangalawang buhay ang matamaan.

Kaito drew his handgun out from his waist and readied for a fight. Si Akagi ay pinagbutihan ang pagtago sa haligi. Walang makakilos sa kanila dahil hindi pa rin humuhupa ang mga bala.

Nang sa wakas ay huminto iyon, sumenyas si Akagi kay Kaito sa pamamagitan ng pagtango. Tila nakuha naman kaagad ng lalaki ang ibig nitong sabihin, pumuwesto si Akagi sa paraang madali sa kanya ang pagpuntirya ng baril at sinimulang magpakawala ng bala.

Habang ginagawa iyon ay may sarili ring diskarte si Kaito. He lowered himself to the ground and positioned where he can easily get a glimpse of the gunman. Natuon ang atensiyon ng kalaban kay Akagi at nagpaulan ulit ng bala kaya hindi nito napansin si Kaito.

Sa tuwing humihinto ito ay saka nagpapautok si Akagi. Nagawa nitong magtago sa gilid ng pader malapit sa hagdanan ngunit mula sa kinaroroonan ni Kaito ay kita niya ang tagilirang parte ng ulo nito.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon