Part 39

753 26 6
                                    

"Alam kong tauhan ka ni Kaito!" Pilit kumakawala si Hana mula sa pagkakagapos sa metal na silya ngunit pakiramdam niya sa tuwing gumagalaw siya ay mas lalo lamang sumasakit ang parte ng katawan kung saan nakadiin ang makapal na cable. At sa tuwing kumikirot iyon at napapangiwi siya, lumalapad rin ang pagkakangisi ng kampon yata ni Satanas na kidnapper. Aliw na aliw itong nakamata lang sa kanya habang ang puwet ay nakatukod sa gilid ng kahoy na lamesa. His gaze were ablazed with flame, red as blood. Lips were cracked in a wicked grin that sent her spine to chills. "Pakawalan mo 'ko rito!"

Pagkagising ni Hana ay nasa ganoong sitwasyon na siya. Sa isang lumang silid na kasing-lapad ng isang classroom. Iyon nga lang ay walang ibang naroon kundi ang silyang kanyang inuupuan, lamesang kahoy sa kanyang harapan at itim na lumang swivel chair.

"Don't you dare affiliate me with that cocky man! He's nothing but a pawn. A pawn for his evil geezer. Isang laruan na pinapagalaw ng mga utos ni Matsuhiro."

Napakunot ang noo ni Hana sa narinig mula sa lalaki. Kung mahigpit nitong itinatanggi ang pagiging kasamahan ni Kaito, ano ang identity nito? Ano ang motibo ng pag-kidnap sa kanya?

"Ano'ng kailangan mo sa akin? Bakit mo ako pinadukot? Hindi kita kilala!"

"You might not know me, but I know you. Your so-called brother Matt, as well as your fake family. I know your story, the bloody past of a 10 year old child. The only witness of the Inoue murder case."

Mas nanlaki ang mga mata ni Hana, pinakatagu-tago niya ang impormasyong iyon. Ilan lamang ang nakakaalam, pero bakit ngayon, may isang tao--na ni anino ay hindi niya pa nasilayan--na nagsasabing may nalalaman ito sa kanyang nakaraan?

"Sino ka ba talaga?! Wala akong naaalalang may nagawa akong kasalanan sa iyo. Ngayon nga lang kita nakilala!"

"You're noise is getting into my hot nerves, lady. Nakakaikli pa naman ng pasensiya ko ang maiingay na bibig. Para mabawasan na ang pag-iingay mo, magpapakilala ako sa iyo nang maayos. Since nakalaan ang oras ko ngayon para sa iyo at magsasama tayo ng ilang...minuto? Oras? Araw? I can't really say. Nakadepende ang panahon natin dito sa galaw ni Kaito."

Kaito?

Nag-uunahan na ang patung-patung na tanong sa isip ni Hana na mas lalong nagpabigat at nagpasakit sa kanyang sintido. Idagdag pa ang epekto ng kemikal na pinaamoy sa kanya nang dukutin siya ng mga tauhan nito. Ang sangsang ng baho ng kemikal na animo'y isang alcohol ay tila nakadikit pa sa kailaliman ng kanyang ilong hanggang sa kanyang utak.

"Wala akong maintindihan sa lahat ng sinasabi mo."

"Yeah, yeah. Of course." Tumayo ito nang matuwid mula sa pagkakahilig sa lamesa at naglakad paikot. Hinila ang itim na swivel chair at doon pumuwesto. Itinukod ang dalawang siko sa lamesa.

His gestures was certain. Wari ito isang diyos na nagmamay-ari ng mundo. He seemed to have all the time in the world. Patamad ang mga galaw at hindi kasisilipan ng pagmamadali.

"My name's Allen Raniola. The only son of Matsuhiro's second wife."

Hana blinked in recognition. "Kapamilya mo si Kaito Ishida?"

"Aren't you listening, Woman? Hindi ko kadugo ang mga Ishida! I am but a bastard. Bunga ng pagkakamali ng isang babaeng natukso sa paasang pag-ibig. Sampid sa pamilyang pasan ang yaman ng mundo. But here's the catch, I can be whoever I want to be. A waiter in your favorite restaurant, a bartender, an owner of a chocolate shop, an ally or a worst enemy. A con artist, I must say."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon