Part 7

1K 33 2
                                    

Nakadekwatro si Marga sa silya. Katabi niya ang isa sa kinikilala ng mga mayayamang tao, si Madam Elena Petrov. Sa kanan nito ay ang sekretaryang si Condrad Manzano.

"Sigurado kang kasali sa auction ngayon ang The Torment of Saint Anthony?" tanong ng ginang sa lalaki.

"Oo, sigurado ako, seventh item," sagot ni Condrad.

"Siguraduhin mong makukuha natin ang painting na iyon." Wala nang narinig na sagot si Marga mula sa lalaki.

Maigi nilang pinaghandaan ang misyon na iyon kaya malaki ang pag-asa nilang magtagumpay. Kung sana ay sisipot ang target nila. Nakadikit ang maliit na earpiece sa loob ng tainga ni Marga. Maayos namang naka-install ang wireless microphone sa suot na brooch. Gamit ang mga aparatong iyon ay mas mapapadali ang komunikasyon nilang tatlo.

"Hana, huwag mong kalimutan na ang misyon natin ay si Kaito Ishida. Hindi natin sigurado kung isa siya sa haharap kay Madam Elena pero hindi din natin malalaman kung wala tayong gagawin. Sa oras na masiguro mong wala ang target sa lugar, evacuate. Iwasan nating makagawa ng hakbang na mas lalong magpakomplikado sa sitwasyon," rinig ni Marga na saad ni Matt sa kapatid. Gaya ng plano nila, si Hana ay naghihintay ng paglabas ng mga tauhan ni Kaito sa exit."

"I bet you guys would be very thrilled with this next piece. It is indeed rare for us to have such valuable item like this one," pagsisimula ng auctioner. "I don't want keep on blabbering and spoil your mood tonight, so without further delay. Our seventh item!"

Bumuka ang kulay pulang tela na nakalaylay sa gitna na entablado at tumambad sa mata ng mga panauhin ang kuwadradong pinta. Namimilog ang mga mata ni Madam Elena sa nakita. Sinamantala ni Marga ang panahong iyon upang maisagawa ang gusto. Sinadya niyang ihulog ang placard na hawak sa paa ng ginang.

"Oh, Im sorry!" inis namang pumalatak ito. Yumuko si Marga para pulutin ang nahulog sabay dikit sa maliit na aparato sa damit ng babae.

"This is the Torment of Saint Anthony. A famous painting created by Michaelangelo during his earliest years. It is said that he painted this when he was around twelve or thirteen years old. This is one of the surviving panel paintings, that is made of oil, speaking of afterlife," pagpapakilala ng auctioner sa binebenta. "Our price starts at fifty thousand dollar. I want fifty five thousand."

"Fifty five!" sigaw ng unang bidder.

"We have fifty five! I want sisxty!"

"Sixty eight!" sigaw ni Madam Elena

"We have sixty eight. How about seventy?" ang auctioner

"Seventy five!" narining ni Marga na sigaw ng lalaking nasa likod. Tinapunan niya ng sulyap ang katabi. Nakaguhit sa maganda nitong mukha ang inis.

"Ninety thousand dollars!" sigaw ni Madam Elena sabay taas ng placard.

"Any higher than ninety?" tanong ng auctioner sa harap. Nang walang sumagot ay sumigaw ulit ito. "Going once, going twice. Sold! At ninety thousand dollars to the beautiful lady in purple," anitong malapad ang ngiti kay Madam Elena.

Nagpatuloy ang sumunod na auction. Ilang sandali ay may lumapit sa katabi niya at inakay ito ng isa sa mga tauhan ng event.

"Paalis na sila." Pasimpleng nagsalita si Marga sa mikropono.

"Hana, standby," saad ni Matt. Nasa isang van ito na naka-park malapit lang din sa gusali ng pinagdausan ng event. Ang lalaki ang nagmomonitor sa galaw ng radar na kinabit ni Marga sa damit ni Madam Elena. "Talasan mo ang mga mata mo, at mag-iingat ka."

Ilang sandali nga ay lumabas ang tatlong lalaking nakaitim na suit sa backdoor ng gusali kasama si Madam Elena. Halata sa mga mata ng ginang ang takot. Pilit itong pinasakay sa itim na Montero sport na nakaparada malapit sa exit. Kitang-kita lahat iyon ni Hana mula sa madilim na eskinita na kanyang pinagtaguan. Nang umandar ang kotse paalis sa lugar ay binuhay narin niya ang makina ng dala niyang itim na DT.

Binagtas ng Montero Sport ang kahabaan ng Taguig. Sinuguro ni Hana na hindi mahahalata ng mga ito na nakasunod siya. Hinayaan niyang maunahan siya ng tatlong kotse mula sa sasakyan ng mga itoero biglang nag overtake ang isang ten wheeler truck sa harap niya kaya nawala sa paningin niya ang target.

"Kuya, nawala ko sila," aniya sa kapatid. Nag-aalala siyang hindi na tuluyang masundan ang kotse.

"Relax Hana, malapit lang sila. Lumiko ka sa susunod na kanto sa kanan." Sinunod naman niya ang sabi nito. "Pangalawang kanto malapit sa kinaroroonan mo, liko sa kaliwa." Doon ulit niya nakita ang hinahanap.

"Salamat kuya."

"Anytime, sister."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon