Part 4

1.3K 42 0
                                    

LONG wavy hair, morena and curvy body; name is Marga. Sa isang tingin ay mapagkakamalan mong modelo ito, naka body hugging top and ripped jeans. Kaibigan ito ng kanyang kuya Matt. She's an expert in computer, professional in web hacking.

"Kuya, hindi ba tayo magkakaproblema sa kanya?" tanong niya. Abala si Marga sa harap ng computer kaya hinila niya si Matt sa likod ng bahay.

"No, Hana, trust me. Kilala ko siya ilang taon na. Kailan ko lang nalaman na biktima din pala ang pamilya niya ng mga sindikato kaya nung humingi ako ng tulong sa kanya, hindi siya nagdalawang isip. She has good connections, Sis, not to mention she can penetrate government accounts. Malaking tulong ang maibibigay niya sa atin."

Hindi niya maiwasan ang mag-alinlangan dahil malaking sikreto ang ginagawa nila. Higit sa lahat, maaari silang makagawa ng malaking krimen sa hinaharap.

"Please, trust me, Hana. Hindi ako gagawa ng bagay na makakapagpahamak sa iyo, sa atin." Kahit hindi niya pa kilalang mabuti ang babae pero pinagkakatiwalaan naman ito ng kapatid ay sapat na iyon. She trust him, noon at hanggang kailan.

"Sigurado ba tayong walang ibang lalaking Ishida sa pamilya nila? Baka nagkamali tayo ng taong tinatarget," tanong ni Hana. Kailangan nilang masiguro ang bagay na iyon dahil kapag nagkataong mali ang taong pinunterya nila, ay mauuwi sa wala ang lahat ng kanilang pinaghirapaan, at mabubulilyaso ang kanilang operasyon.

"Ayon sa family tree na hawak ko, unico hijo si Matsuhiro Ishida," sagot ni Marga. "May dalawa siyang babaeng kapatid na pawang nasa Japan. Since we are looking for an 'Ishida', and technically hindi na Ishida ang apelyido ng mga anak ng dalawang babeng kapatid, let's do the reduction, out na muna sila sa imbestigasyon," anang babae na pinaikut-ikot ang inupuang swivel chair. "Matsuhiro has one child, itong Kaito Ishida nga. Two years after mamatay ang una niyang asawa, ikinasal siya sa isang Beverly Mandrino pero hindi sila nito nagkaanak. So there are only two Ishida men connected to Nankai Holdings.  Ang sabi mo Hana, medyo bata pa ang nakita mong pumatay sa mga magulang mo. So I can't think of any reason kung bakit hindi si Kaito Ishida ang suspek. He fits perfectly."

She talked with confidence, smart. Alam nito ang ginagawa at hindi ito nagbibigay ng detalye kapag wala itong sapat na basehan. Nakikita niyang seryoso ito sa ginagawa, buo ang loob nitong makipagtulungan sa misyon nila.

"And this is Yuu Akagi, thirty six years old. He is the executive secretary of Kaito Ishida for five years now," pagkuway baling nito sa laptop na hawak. "He has a Japanese father and a filipino mother, siya ang nagsisilbing right hand ng CEO. Kadalasan, instead of the CEO himself, siya ang representative ng mga meetings and gatherings," paliwanag ni Marga sa kanila habang pinapakita ang mga larawan ni Akagi. "Sa ngayon, may nakita akong dalawang accounts ni Kaito Ishida pero hindi ko ma-infiltrate. Mukhang napakahigpit ng taong iyon, masyadong pribado, but I won't stop. Magfocus muna tayo kay Akagi. Siya ang magiging susi natin patungo kay Kaito."

Makikita sa screen ng computer ang isang middle aged adult na naka amerikana ng itim. He has lean figure, medyo singkit din ang mga mata at masasabi niyang may hitsura. Ang kumuha sa atensyon ni Hana ay ang puting buhok sa itaas ng magkabilang tainga nito. Imbes na magmukhang matanda dahil doon, mas nakadagdag pa iyon sa appeal ng lalaki, para iyong sinadyang kulayan. Kailangan niyang matandaan ang anyo nito dahil magiging target nila ito simula ngayon.

NAKASUOT si Hana ng white button up shirt and gray pencil skirt, pinusod niya ang mahabang buhok. Ngayon ang araw na bibisita siya sa Nankai Holdings. Magpapanggap siyang estudyante na magre-research tungkol sa operasyon ng kompanya.

"Good morning, Ma'am. My name is Hana Rodriguez, ako po ang pinadala ng San Vicente State College for academic research." Nagbigay siya ng school ID sa receptionist. Of course, peke lahat iyon. Nagawan narin ng paraan ni Marga ang appointment system ng NH kaya umaasa siyang walang magiging problema.

"Good morning, Miss Rodriguez. Please take a seat first." Pagkatapos nitong tumipa sa computer ay kinuha din agad ang atensyon niya. "I will be appointing someone to guide you during the rounds, Ms. Rodriguez. He will be assisting you with your inquiries."

"Thank you so much, Maam."

Nilibot ni Hana ang iba't-ibang departments ng kompanya kasama ang taong tinalaga ng receptionist. Ipinaliwanag nito ang lahat ng galaw sa operasyon ng iba't-ibang sangay ng negosyo, malaking tulong iyon sa pagsasaliksik niya. Definitely a good start. Sisimulan nilang pag-aralan ang galaw ng negosyo nito. Sa paraang iyon, magkakaroon sila ng access sa mga aktibedades ng kompanya. Hinay-hinay muna, pasasaan ba at malalaman din nila ang totoong baho ng Kaito Ishida na iyon.

Isa sa nadaanan nila ay ang eighth floor kung saan nandoon ang opisina ng CEO.

"A, Sir, pwede po ba mag-break muna? Call of nature lang po," Pagsisinungaling niya matapos ang lampas dalawang oras nilang pag-iikot.

"Alright, Ms. Rodriguez. You have thirty minutes to do whatever you need. Magkita ulit tayo sa reception mamaya."

"Thank you, Sir!"

Binalikan niya ang eight floor. Sa dulo ng palapag ay ang opisina ng taong hinahanap niya. Halos naririnig niya ang kabog ng dibdib habang tinatahak ang pasilyo. Abot kamay na niya ang pintuan na nakapagitan sa kanila ng taong posibleng pumaslang sa mga magulang. Bumangon ang galit na iniingatan niya ng ilang taon. Sa likod niyon ay ang taong nagwasak ng kanyang buhay. Pinagkait nito na magkaroon ang isang inosenteng bata ng kompletong pamilya. Nasisiguro niyang walang puso ang taong iyon, mas masahol pa sa demonyo!

Pinagpapawisan siya ng malamig at kung emosyon niya lang ang paiiralin ay susugod na siya doon para matapos na ang lahat. Pero alam niyang malaking kabaliwan ang ideyang iyon. Sa gara ba naman ng gusali, siguradong mahigpit ang seguridad. May napansin pa siyang cctv sa itaas ng pintuan ng opisina.

Sa tindi ng emosyong naglalaro sa kanya ay napapitlag siya nang bumukas ang pintuan. Tandang-tanda niya ang mukha na iyon.

'Yuu Akagi!"

Pasimple siyang yumuko nang dumaan ito sa harap niya. Mahigpit ang pagkakahawak ni Hana sa folders sa kanyang dibdib.

"It is best for both parties to talk over some drinks, yes?" saad nito sa kausap. May nakasalpak na earpod sa kaliwang tainga nito. "Tonight? Eleven?" Huminto ito sa tapat ng elevator at pinindot ang buton, sumulyap sa relo. "Sounds great! De Locatie it is. Very nice place," anito at saka pumasok ng elevator.

'De Locatie.'

Kailangan niyang malaman agad ang lokasyon ng lugar. Business meeting at eleven? Hindi ba masyado nang gabi iyon para sa isang ordinaryong meeting lang. Siguradong ibang negosyo ang pag-uusapan ng mga ito. Kailangan niyang malaman iyon.

"SIS, mag-iingat ka. Ang tanging gagawin mo doon ay magmanman. Huwag na huwag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo, naiintindihan mo?" si Matt, kausap niya sa telepono. Napangiti siya sa pagka-overprotective ng kapatid. "Sana nandiyan ako para samahan ka, nag-aalala ako sayo."

"Kuya, malaki na ako. I can handle myself. Huwag kang masyadong magpaka-stress diyan, may trabaho ka pang aatupagin. I promise, magdodoble ingat po ako."

"Don't get too emotional, Hana. Please."

"I know, gaya ng sabi mo. Set aside ang emosyon, para hindi mawala sa focus. Naaalala ko, kuya, trust me."

Narinig niyang nagbuntong-hininga ito. Nai-imagine niyang hinahagod na naman nito ang sentido. "Alright. Keep us updated, all the time."

"Okay, sige."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon