Part 41

726 28 10
                                    

Ang tanging nagawa ni Marga ay ang mapakagat ng sariling mga labi habang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking nasa harapan.

Si Kaito Ishida na naghuhumiyaw ang katikasan sa itim na amerikana. Maiilang lumapit ang sinuman sa aura na nililikha ng makapangyarihan nitong mga tingin. At si Matt na mas nakamamatay pa sa isang dosenang espada ang titig pinupukol sa huli.

Matinding titigan ng dalawang lalaki ang naging dahilan kung bakit ang tanghaling tapat ay naging tila kasing lamig ng maulang gabi. Halos hindi kayanin ng babae ang awkwardness ng atmospera. Sa anyo ni Matt ay wari ito isang cobra na handang tuklawin ang isang malaking lobo. Hindi siya magtataka kung bigla na lamang itong maglalabas ng punyal para butasin ang dibdib ni Kaito.

Ang hindi niya inakala ay ang naging reaksiyon ng huli. Ang buong akala niya ay ito ang tipong hindi basta-basta nagpapakita ng interest lalo sa taong alam nitong walang panama sa sarili nitong kapangyarihan ngunit kabaliktaran ang kanyang nasasaksihan. Nakakrus ang magkabilang mga braso ng lalaki habang tiim-bagang tinatapunan ng mabibigat na titig si Matt.

The bright light of the day was suddenly enveloped with unpleasant moods and it was really quite obvious. She could imagine seeing a crackling spark in between those men's mad gazes.

Nagpapasaklolong tumingin si Marga kay Akagi na abala sa pakikipag-usap sa ilang mga tauhan. Dahil hindi siya nito napagtuunan ng pansin kaya napilitan siya hilahin ang laylayan ng manggas ng suit ng lalaki.

Nagtatakang nilingon siya nito kaya sinagot niya ng isang senyas patungkol sa dalawang kasama.

"Let them be. You can't blame those two for devotedly hating to each other. Kaito was greatly disappointed with the brother for letting Hana get abducted."

"Pero hindi naman kagustuhan din ni Matt ang nangyari."

Nagkibit-balikat lamang si Akagi bago naglakad patungo sa dalawa. "Kaito-san, everything's set on place." Pagkatapos ay nilingon si Matt na binigyan rin ng matalim na titig si Akagi pero hindi nagpaapekto ang lalaki. "We are letting you tag along with this operation, I hope you won't act as an excess baggage. Make yourself useful."

Nangngangalit na pusa ang nakikitang reaksiyon ni Marga kay Matt sa sinabi ni Akagi. Ang mga litid sa kamay nitong nakakuyom ay nagsisilipan.

"Sino'ng nagsabi na magpapasaklolo kami sa inyo? Kung may iba lang akong paraan para mailigtas si Hana, hinding-hindi ko gugustuhing makita ang mga pagmumukha ninyo! Lalo na ang makipagtulungan. Tandaan ninyo, kahit na mailigtas ninyo si Hana at nakipagtulungan kami sa inyo ngayon, hindi ibig sabihin na makakalimutan namin kung ano kasalanan ninyo! Gawin ninyo nang maayos ang pagkuha kay Hana, at gagalaw kami ng sarili namin. Marga! Halika, huwag kang lumapit sa lalaking 'yan."

Excess baggage? Sabi na nga ba, tama ang iniisip niya na iyon ang tingin nina Kaito at Akagi sa pagsama nila ni Matt sa operasyong iyon. Pero wala siyang choice kundi hayaan ang mga ito na mag-isip sa kanila ng ganoon. Ayaw rin kasi nilang tumunganga na lang at maghintay kung ano ang magiging resulta ng rescue operation. Ngangatngatin sila ng konsensiya at agony kapag ganoon. Ang pinakamahirap na gawain ay ang maghintay nang wala man lang ginagawa.

"Bigyan mo kami ng baril, Akagi. We'll protect ourselves at sisiguraduhin namin na hindi kami magiging pabigat sa inyo. You may do what you need to accomplish without hindrances. Kagaya ng sinabi ni Matt, gagalaw kami ng sarili namin, mag-focus lang kayo sa pagkuha kay Hana, afterall thats everyone's priority.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon