Part 19

829 32 1
                                    

"MAKE sure to tame your dogs, properly, Ganbo San, kung ayaw mong ipagpatuloy ko ang sinimulan ng mga bata mo at 'pag nangyari 'yon, sisiguraduhin kong magsisisi kayong lahat," sabi ni Kaito na halata ang pagkagigil bago putulin ang tawag.

"That sonofabitch! Akala ko nagkakaintindihan na kami noong huli naming pag-uusap--Ah!" napangiwi siya dahil sumakit bigla ang balikat na nadaplisan ng bala, napahawak ito sa nakabendang sugat sa ilalim ng suit. "Damn," he uttered at inisang tungga ang paboritong Bourbon na nasa kamay. Kasalukuyan silang magkaharap  sa isang bilog na mesa sa VIP lounge ng club na pag-aari nito.

"Ano raw pala ang sabi niya?" si Akagi na naka-de-kuwatro sa isang single sofa.

Aside from being the bodyguard and executive secretary, he's also a friend, he can say 'the only friend.'

"Sinasabi niyang wala siyang kinalaman sa ambush na nangyari."

"Mahirap talagang pagkatiwalaan ang mga tao sa paligid, Ishida San, afterall we are living in the hellish world."

"Ang sabi ay magpapadala daw siya ng halaga para sa danyos. Do you think he's lying? Baka siya iyong tipong nang-iiwan sa ere when walk comes to crawl."

"I can't say anything," iling ni Akagi na sumimsim ng brandy.

"Hey," tumuwid si Kaito ng upo at pinaglingkis din ang mga binti. "I heard someone fired a shot, the later part. Sino 'yun?"

"... It was Reek, I had him tail us, just in case," sagot ni Akagi.

"I see, as expected from you, Akagi San." Kaito smiled, impressed with the man.

"Mas mabuti na iyong nakakasiguro."

Matamang nakatitig ang singkit na mga mata ni Akagi sa basong hawak. Parang nakikita niya roon ang anyo ng relong suot ng babae. Sigurado siya na ang relong iyon ang pag-aari ni Kaito. He remembers telling him na ibinigay nito iyon sa isang babae.

"I'm Hana Rodriguez from St. Vicente State College, Sir."

"Bigay lang po 'to ng kaibigan ko."

"Business po yata, hindi ko po sigurado."

Nagbalik sa ala-ala niya ang mga katagang binitawan ng babaeng nagpunta sa NH para sa isang research.

'Sigurado akong walang ideya si Ishida San sa katauhan ng babaeng iyon pero... kilala ba ng Hana na iyon si Kaito Ishida, all this time?' pailalim niyang sinulyapan ang amo na kasalukuyang nakatutok sa hawak na cellphone. 'I must know.'

He's intrigue, kaya hinayaan niyang mabuhay ang babae. Napukaw ang curiosity niya kung saan hahantong ang nakakahibang na larong iyon.

***

"MATT, kumusta si Hana?" makikita sa magandang mukha ni Marga ang pag-aalala.

"Stable naman na siya, 'wag kang mag-alala."

"Gising ba siya?" Tango ang isinagot ng lalaki.

"Papasok ako."

"Sige."

Ang nakangiting mukha ni Hana ang sumalubong kay Marga pagkapasok niya.

"Hi, kumusta ka na?" nilapitan ni Marga ang babae at nakipagbeso-beso.

"Okay naman, nakuha na nila ang bala sa braso ko. Ang galing ni Dr. Raj." Nasa isang aesthetic clinic sila na kakilala ni Marga.

"Mabuti naman." Ibinaba niya ang dalang shoulder bag sa bedside table at naupo sa gilid ng kama niya. "Dati siyang surgeon sa ospital bago nag-shift sa plastic surgery. I'm sorry, kasalanan ko 'to, ako ang nagsabi sa iyong magandang tiyempo ang pagpunta niya sa bahay ni Matsuhiro."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon