Part 57

667 31 21
                                    

'What was that all about? Was it my memory? Pero imposible!'

Magulo pa rin ang isip ni Marga kahit hanggang makarating siya ng bahay. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto at hindi pa muling lumabas para harapin ang nagtatakang pamilya. Kanina pagdating niya ay rinig niyang tinawag siya ng kanyang nanay, parang may tinatanong pero kagyat lamang siyang lumingon pero hindi nag-usal ng sagot. Hindi rin pumasok sa kanyang isip kung tungkol saan ang tinanong ng ina.

Nangyari ba talaga iyon o imagination lang, resulta marahil ng hang-over. Pero bakit naman siya magkakaroon ng ganoong imagination?

Ugh! She will never drink that alcohol again. Ano nga ba ang pangalan niyon? Hindi niya na rin matandaan, pero ang lasa ay tila naiwan pa sa gitna ng kanyang dila. Kahit nag-toothbrush naman siya at nagmumog ng mouthwash kanina.

Tumayo siya at lumabas ng silid, nagpunta sa banyo na nasa dulo ng hallway at muling nagsipilyo. Baka kung mawala ang lasa ng inumin ay maibsan na rin ang kanyang hang-over. Hindi niya matatanggap sa sarili na ang nakitang eksena sa isip kanina sa opisina ay parte ng kanyang nawalang alaala. She would never do that kind of boldness! Hindi siya ganoon kapariwara para suungin ang kahalayang katulad niyon. Praktikal man kadalasan ang kanyang mga desisyon, pero maprinsipyo siyang tao. And of all, si Akagi pa?

Naghilamos siya para pababain ang nagsisimulang init ng ulo. Maalinsangan din kasi sa labas kaya marahil lumala ang epekto ng alak sa kanya.

Akagi is a fine man, guwapong singkit kung maituturing niya. With his lean yet sturdy physique, sure, women would swoon over him. Ang aura rin nitong tahimik na tila may hatid na panganib ay nakadagdag sa karakter ng lalaki. Lalo na kung makita ng mga ito kung paano makipaglaban si Akagi, ewan na lang niya. Even she couldn't deny the countless moments when she wondered how would Akagi fell in love or how those stern facade get soften by lust. Pero hindi naman siya umabot sa pagkakataong naisipang subukan iyon.

But, a part of her mind was yelling something. Paano nga kaya kung dahil sa nawala niyang matinong pag-iisip ay naisagawa ang noon ay nasa isip lang?

Naisabunot niya ang mga daliri sa buhok.

Think, Marga!

Halos mapatalon siya nang bigla ay tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa. At dahil nasa loob siya ng tahimik na banyo ay mas lalong lumakas sa kanyang pandinig ang ring tone niyon.

'Sino ba 'to?' naisip niya habang hinihila ang telepono mula sa pantalon.

Akagi ang nakarehsitro sa screen. Muli na namang sumikdol ang kanyang dibdib.

What now, Akagi? Hindi ka pa ba pagod katatakbo sa isip ko?

Nagdadalawang isip man, pinindot niya ang berdeng buton at sumagot.

"Yes...Akagi?"

"Hi. I just...want to check if you're doing fine."

"Why?" tanong niyang tila nahahapo. Napatukod sa babasaging sink ng banyo. Ang tibok ng kanyang puso ay nagsimulang bumilis.

"Why? Cause, you seemed out of it when you left the office."

Ano'ng sasabihin niya? Magsisinungaling ba siya? Bigyan ito ng madiplomasyang sagot?

"I, uhm..." Napahawak siya sa noo at hinawi ang buhok patalikod.

"Is everything alright, Marga?"

Bakit ba gustong gusto mo akong kumustahin? You sounded like a concerned man over his woman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon