Part 25

846 24 5
                                    

TUNOG ng cellphone ni Jin ang nagpukaw sa kanya mula sa mahimbing na pagtulog. Maingat siyang nag-inat at kinapa ang cellphone na nakapatong sa bedside table. His eyes were still half open as he glanced at the clock in the screen, 07:02 AM.

"Yes," he answered in a cracked voice.

"Ohio gozaimashita, Ishida San." Bungad ni Akagi. "Will you be visiting the office today or should I rather cancel your appointments?"

"Cancel."

"Wakarimashita, have a nice day." Tahimik niyang ibinalik ang telepono nang maramdamang kumilos ang babae na nakaunan sa kanyang braso.

"Anong oras na?" anas nito, halatang inaantok pa.

He pulled the thick blanket up covering half of her face and planted a light peck on her forehead, "Shhh...sleep more, maaga pa." Ilang sandali lang ay naringgan na niya ang pantay na hininga nito.

Just by staring at the serene figure beside him made his heart quench. Napangiti siya, he had never felt this kind of feeling before probably because he wasn't taught to feel compassion towards anyone anything. Whenever he looked at Hana, all he wants is to cage her inside his arms and feel her soft skin and never let go. Kagaya nalang nang mga sandaling iyon, she seems like a poor rabbit inside a tiger's paws. Kahit kakarampot lamang ang panahon na kapiling niya ito ay malaking bahagi na iyon ng buhay niya. Pinapagaan ng bawat ngiti nito ang mundo niyang puno ng tensyon. She's definitely a fresh air to breath.

He held her closer and encircled her his arms around the petite body, relish the warmth of their naked body under the thick cloth as he closed his eyes and let himself fall for a sweet dreams.

SA gitna ng panaginip ni Hana ay sumingit ang amoy ng ulam, nagmulat siya ng mga mata at napabangon nang wala nang makapa sa gilid niya.

"Sir...?" Napagtanto niya na hindi lang pala parte ng panaginip ang nasinghot dahil kahit gising na siya ay naroon pa rin ang amoy. Pumasok siya sa banyo para kumuha ng roba saka bumaba sa malaking hagdanan. Napahinto siya sa kalagitnaan niyon nang matanaw ang lalaki sa kusina, abala itong binabaliktad ang bacon sa kawali gamit ang tong. She did not expect na marunong itong magluto and what's more surprising at nagpangiti sa kanya nang malapad ay ang suot nitong grey na apron na ipinatong sa puting cotton long sleeves. He looked hot and so damn cute!

Naramdaman siguro nito ang presensiya niya dahil napatingala ito sa hagdan, "Hey, good morning, virgin," he teased and flashed his white set of teeth. Mabuti nalang talaga at malayo siya dito dahil uminit nang todo ang mukha niya sa tinawag nito sa kanya.

Napakagat siya ng ibabang labi para itago ang pinipigilang hiya, "Morning..."

"Hungry?"

"Marunong ka palang magluto."

"Just a simple frying, nothing special. C'mere!" Pinaunlakan niya ang paanyaya nito ay tuluyang bumaba.

Hinila niya ang isang upuan sa rectangle na dining table at inukupa iyon. Isa-isa namang nilatag ni Jin ang mga nilutong pagkain. Bumabati sa kanya ang tatlong sunny side-ups, fried bacons, ginisang kanin at hiniwang kamatis, namasa tuloy bigla ang gilid ng bibig niya. Inangkin nito ang silyang kaharap ng sa kanya at pumuwesto na  rin, "Itadakemasu," saad nito na pinagdikit ang dalawang palad.

"...huh?"

Ngumiti ito nang matamis, "It's a way to say thanks for the food."

"Aaa..." Ginaya niya ang ginawa nito at nag-usal, "Thank you for the food! Paano ulit 'yon?"

"I-ta-da-ki-masu."

"Ita...dakimas?"

"Very well for our first lesson," saad nito na sumubo na. "How's your wound, Hana?" pagkuway tanong nito nang halos mangalahati na ang pagkain.

Wala sa loob na dinama niya ang kanang balikat, "Okay na, hindi na sumasakit."

Napabuntong-hininga ito, "Hanggang ngayon hindi ko maisip kung bakit wala akong alam tungkol diyan."

Napayuko si Hana, "Sorry..."

"I know it was an accident but I still feel the need to tell you to be careful."

"Mmm...salamat... Uhm...Anong oras ka papasok ngayon?" pag-iiba niya ng usapan.

"I'm not going, I canceled all my appointments for today. I said to bring you home by afternon, right?"

"Oo..."

"May iba ka bang lalakarin?"

"No, wala naman."

"Great."

Ang masayang kulitan at kuwentuhan nila ay humantong sa pagtuturo ni Jin sa kanya ng ilang self defense dahil hindi pa rin ito maka-move-on sa nangyari sa kanya.

"Hindi ko masyadong nakukuha 'yong gun disarming, lalo kapag wala sa critical distance ang gunman." Totoo iyon, pinaka-iwas-iwasan niya ang mapasuong sa ganoong sitwasyon dahil mahina siya sa pag-agaw ng baril sa kalaban. She could only dodge and fireback.

Naalala ni Hana ang eksenang naganap sa likod ng restaurant sa una nilang labas. She though that Jin might be really good in protecting himself dahil napatumba nito ang dalawang tao.

"Kung malayo sa iyo ang gunman, it's either push your way unto him or run. Kung wala ka namang ibang choice kung hindi ang harapin siya, that time you need to get closer, enough to perform the disarming." Naglakad ito patungo sa bar at binuksan ang isang drawer. Inilabas ang isang baril at sinigurong walang laman. "Here, itutok mo sa akin." Ginawa nga niya ang inutos nito. "Make sure that both your hands are free. Huwag mong itaas ang iyong kamay dahil mahihirapan ka nang i-execute ang disarming. By the time na naigalaw mo ang iyong kamay, ay napaputok na niya ang baril. So, as you raise your hands, grab and twist the pistol towards the gunman while inserting your other hand at the back of his arm. Once na nakuha mo na ang baril, step back at wala na siyang magagawa."

Ilang ulit nitong ipinakita sa kanya kung paano ang wastong paggawa ng disarming hanggang sa siya naman ang pinasubok  nito. After a few tries ay kabisado na niya kung paano. Nagtaka siya kung bakit parang ang hirap noong tinuro sa kanya sa dojo.

"Why do you even want to learn these things? Hindi ka naman susuong ka giyera. Women should just think of women stuff, sweetheart. Shopping, go to a parlor, pamper yourself, have your nails done." Saad nitong ibinaba ang baril at hinila siya pakandong dito. "I am here, I will always protect you kaya huwag mo nang isipin ang mga bagay na ganyan."

"Gusto ko lang naman matutunan, just in case," she pouted and kiss him on the lips.

"Hmm, just in case, huh?"

Napangisi siya sa sinabi ng lalaki. "I love you."

"Me too."

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon