Part 33

776 38 19
                                    

Akagi threw a fist at Fil's face but the latter easily dodged. Kaagad niyang binawi ang kamay at kinuyom ulit sa isang kamao. His face was just behind his clenced palms.

Kahit malaki ang pangangatawan ng katunggali, he was surprisingly flexible at mabilis kumilos. Tila kay gaan lang ng katawan nito kung dalhin.

Then again, he attempted to hit the man's jaw pero imbes na siya ang makatama ay isang malakas na suntok ang dumapo sa kanyang kaliwang panga. Tumapon ang eyeglasses niya suot sa sahig at sa impact niyon ay gustong mawalan ng ulirat ni Akagi pero nilabanan niya. Napaatras siya at mabilis na ipinilig ang ulo, nang makabawi ay nag-focus ulit.

"Sounds great, huh?" usal ni Fil, gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi. Napatiim-bagang si Akagi.

"Noon ko pa gustong basagin ang pagmumukhang iyan, Akagi,  pero hindi ako nagkatiyempo. Ngayon, mukhang pabor sa akin ang panahon dahil pinagbigyan ako sa matagal ko nang hinahangad."

Ano kayang nagawa niyang atraso rito bakit mukhang napakainit ng dugo nito sa kanya?

Wari ay narinig ni Fil ang kanyang iniisip dahil nagpatuloy sa pagsasalita. "You act so high and mighty. Kung makaasta, akala mo ay may-ari ng kumpanya!"

Is that it? Pure envy? How shallow.

"Ang mga taong katulad mo na nag-aastang makapangyarihan at kung sino dahil nakaapak lang sa likod ng mayamang kalabaw ang kinasusuklaman ko! I will crushed that pretty face of yours, skin you alive and throw your precious body to a meat mincer. Yeah, gagawin ko iyan!" saad nito sa nagngangalit na ngipin. Gustong mapangiwi ni Akagi sa mga naririnig. "Or would you rather want me to just fuck you up? I'm fine with Japanese ass."

Nagpantig ang pandinig niya sa narinig. This man must be totally insane para mag-isip ng ganyan para sa kanya. He didn't even know him pero kung pagplanuhan siyang patayin ay parang napatay niya ang buong angkan nito.

Ang kanina na kalma niyang dugo ay bigla na lamang kumulo at tumaas sa ulo.

"You talk too much!" Muling umatake si Akagi gamit ang kanyang mabilis na kamao ngunit alerto ring hinarang ni Fil ng braso nito kaya hindi tumama sa mukha ang atake. Sinundan kaagad ni Akagi iyon ng kanyang kabilang siko kaya nasapul ang panga ni Fil. Napabaling ang mukha nito sa kaliwa ngunit kaagad ring nakabawi at pinatamaan ng suntok ang kanyang tiyan. Napahugot siya ng hininga sa lakas niyon subalit hindi iyon hadlang para gawin niya ang kasunod na hakbang. He twisted his body for a 360 degrees turn kasabay ng pagtuwid ng kanyang binti para sa isang malakas na sipa sa mukha nito. Sa lakas niyon ay paluhod na bumagsak si Fil sa sahig.

Walang inaksayang minuto si Akagi, kaagad siyang lumapit dito para ulit sipain pero nahawakan ng lalaki ang kanyang binti. Mabilis na bumangon para buhatin siya. Ang tiyan ni Akagi ay nasa balikat na nito kaya nagmukha siyang sako ng bigas na isinablay. Umikot si Fil bago buong lakas na binalibag ang kanyang katawan sa sahig.

He felt his ribcage cracked by the impact of the hard floor against his back. Hindi na siya magtataka kung nagkalasug-lasog ang kanyang buto sa atakeng iyon pero buhos pa rin ang kanyang lakas para paupong bumangon.

"Having enough with you frail body, Akagi?"

Napapunas si Akagi ng ilong gamit ang kamay--habang hindi binibitiwan ng tingin ang kalaban--nang maramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido. Hindi na niya kailangang tingnan kung ano iyon. Sa lakas ba naman ng paghambalos nito sa kanya ay siguradong nagdurugo na ang kanyang katawan.

Wala siyang laban sa lakas na taglay ni Fil. He couldn't deny that the man is skillful in this kind of fight. He may have trained himself but the build and strength was way incomparable, huwag nang banggitin pa ang pagkamaliksi nito.

Nakalagmak pa rin sa sahig, umatras si Akagi palapit sa bangkay ng kalaban. Nang takbuhin siya ni Fil at sunggaban ay malakas niyang inihampas ang nahawakang rifle sa mukha nito.

Kagyat na natigilan ang lalaki, gumewang ang pag-atras at napasapo sa ulo na ngayon ay nabasa na ng dugo. He took the chance to cross the space between them. Patakbo niya itong sinunggaban at nang mapahiga sa sahig ay pinakibabawan. Binigyan ng magkasunod na suntok sa mukha. Hindi pa siya nakuntento at diniinan ng daliri ang gitna ng leeg.

Ramdam niya ang pagpigil ni Fil ng hininga. Pinatigas nito ang kalamnan nang sa gayon ay mabawasan ang pagkalubog ng kanyang mga daliri.

Sadyang malakas ang kinakalaban niya ngayon.

Bilang ganti, sinakmal din siya nito sa leeg. Lakas sa lakas ang panama ng dalawa. Masakit man sa ego pero aaminin ni Akagi na mas lamang si Fil, nawawalan na siya ng hangin dahil sa pagpulupot ng kamay nito sa kanyang leeg kaya mas pinili niyang bumitiw. They're both heaving for breath while regaining their posture.

Fil charged aiming to swing a kick on his face but Akagi dodged it by a dock at umikot sabay bangon. Habang ginagawa iyon ay nakatuwid ang kanyang isang kamay kaya tumama ang kuko sa nakabukas na mga mata ni Fil. Napaatras ito at sinapo ang mga mata.

"Fuck!"

Tinakbo ni Akagi ang lalaki. He jumped and landed his step on Fils thigh saka pumatong sa batok nito. With that position, he can easily manipulate his opponent's vital parts such as head and neck. Pinaikot niya ang braso sa leeg nito para muling sakalin at gamit ang isang siko ay inundayan ng tama ang tuktok ng ulo.

Napaatras si Fil habang pigil ng mga kamay ang kanyang brasong sumasakal. Malakas ang ginawang pagtapon nito sa kanilang katawan kaya nawasak ang isang pintuan ng silid. Kapwa sila pinulot sa sahig kasama ng mga nasirang parte ng kahoy na pintuan.

Nakadagan ang kalahati ng katawan ni Fil kay Akagi kaya buong lakas na umatras ang huli para makalaya. Nakabawi naman ang kalaban at tumayo na rin.

Sa mabilis na kilos ay pinalibot ni Akagi ang paningin sa buong silid. Mukhang opisina iyon at marangyang tingnan. May mga dekorasyon ng trophees at iba pang paintings. Mukhang may magagamit siya roon bilang sandata. Hindi nga siya nagkamali. Lihim siyang napangiti nang mahagip ng tingin ang isa sa mga dekorasyon na nakita.

Sa pader, sa likod ng malaking lamesa ay isang mahabang bagay ang nakahimlay. Kahit na may kadiliman sa gawi nila dulot ng nakapatay na ilaw--at ang tanging tanglaw ay ang sinag na nanggaling sa nawasak na pintuan--sa hitsura pa lang ng bagay na iyon ay alam na niyang doon nakasalalay ang kanyang tagumpay.

Tinakbo ni Akagi ang kinaroroonan ng bagay na iyon at pumatong sa lamesa. Tinanggal ang mahabang bagay sa lagayan. Akagi's eyes brighten as he unsheathed the metal thing. And a wicked grin broke his lips when the sharp katana shone in the middle of darkness.

"Now, where were we?"

Habang naghahanda ang dalawa para sa karugtong ng pagtutuos, si Kaito naman ay nagsimula nang gumalaw sa pinagtataguan.

It was clear to him kung ano ang mga nangyayari sa labas ng silid. He heard everything what the man named Fil said. Mukhang may personal grudge ang lalaki kay Akagi. He silently hid himself dahil ayaw niyang pumagitna sa labanan ng dalawa na mukhang mano-mano at one on one ang gusto ni Fil.     At any rate, he trusts Akagi with his life.

Noong narinig ni Kaito ang malakas na pagbagsak na nahuhulaan niya kung ano ang nangyari, he immediately evacuated the site habang hindi pa siya nakikita ni Fil.

Ito ang gustong sabihin ni Akagi kanina habang naglalakad sila, na marahil ay hindi na masunod ang evacuation plan A na ginawa nila ngunit naputol iyon sa pagdating ng kalaban. He had to worm himself out of the building. Malapit na rin naman siya sa kinaroroonan ng kotse. Akagi said there might be a possibility that the opponent would blow the entire establishment when walk comes to crawl kaya kailangan na niyang makaalis kaagad doon.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon