Part 3

1.6K 50 5
                                    

"Ohaio gusaimasu, Ishida San. These are the updates as of February twenty to twenty two," pagsisimula ng salaysay ni Akagi, ang executive secretary niya cum bodyguard. Nagtatrabaho ito sa kanya simula nang magsimula siya sa Nankai Holdings kaya malaki ang tiwala niya dito.

Ang Nankai Holdings na pinangangasiwaan ni Kaito ay may ibat-ibang sangay ng negosyo. Hotels, clubs, restaurants, at construction firms. Pero front lamang lahat iyon, ang totoong dahilan ng tinatamasa nilang karangyaan ay ang pagiging konektado sa black market. They are one of the biggest loan sharks in the underworld. Their clients? The biggest fishes in the ocean: businessmen, politicians and even syndicates. Gumagawa din sila ng transaction sa mga yakuzas since isa sa mga uncles niya ay membro ng notorious gang. He became the CEO five years ago, he inherited the position from his father, Matsuhiro Ishida.

Mula pagkabata, na-train na siya ni Matsuhiro kung paano ihandle ang buhay sa undeworld. Sa murang edad ay naipakilala siya nito bilang successor so basically, iniluwal siya para ipagpatuloy ang legacy ng ama. Kung hindi sa ina niya na pumuno ng lahat ng pagmamahal na pinagkait sa kanya ng ama, siguradong nabaliw na siya. His father is a tyrant, strikto ito sa lahat ng bagay, very focus and particular sa trabaho. Hindi kailan man nito pinadama sa kanya ang kalinga ng isang ama. His mother died when he reached seventeen. And from then on nawala ang ilaw sa buhay niya. He was engulfed with pure darkness. After he graduated at twenty one, he started working at NH. Then everything started there...

"Lastly, Senator Capistrano once again begged for another extension. He said he couldn't pay the full amount yet. He was asking for another three months." pagpapatuloy ni Akagi. Matalino ito at magaling sa combat. Tatlong beses sa isang linggo itong nagrereport sa kanya sa galaw ng negosyo. Minsan, if the situation calls, ito mismo ang pumupunta upang maningil sa mga kliyenteng mahirap magbayad.

"Hmmn, mukhang hindi masyadong maliksi sa kurapsyon si Senator," aniyang pinaikot-ikot ang ballpen sa kamay. "Grant him the three months extension but put another twenty percent on the ongoing interest."

"Hai, Ishida San, that ends my report."

"Very well, you can leave."

"Hai, itte kimasu." Yumuko ito bago lumabas ng opisina.

***

NAPAHAWAK si Hana sa mga labi, ramdam pa niya ang lambot ng halik ni Jin doon. Presko pa sa isip niya kung paano siya nito hinagkan. A stranger stole her first kiss! Well, hindi naman na ito estranghero dahil nagkakilanlan na sila but she just barely know him! Hindi pa siya nagkakanobyo simula noon kaya bago sa kanya ang pakiramdam. Parang naghuhurumintado ang puso niya sa kaba sa tuwing naaalala niya ang lalaki.

'Ganoon pala ang feeling ng mahalikan, masarap pala.' Napangiti siya, pakiramdam niya ay babaeng babae siya.

"Pero babaero! Maypa 'but women love it when I do that' pang nalalaman," aniya na ginaya ang tono ng pagsasalita ni Jin. "Siguradong marami nang nahalikan na babae iyon. Casual nalang sa kanya," ismid niya. Magkikita pa kaya sila? Ano kaya ang gagawin niya kapag nangyari iyon? Hindi niya maiwasan ang ngiti sa mga labi, parang nakaramdam ng excitement ang puso niya.

"ISHIDA San, I-I can explain! P-please let me explain! Huwag niyong idamay ang pamilya ko. Ako lang! Ako lang ang parusahan niyo!"

"You know I am not a good risk taker Inoue San."

"Matte Ishida San! Onegai dakara!

"Sayonara, Inoue San..."

BANG!!!

Napabalikwas si Hana sa higaan.

'Panaginip.'

Nakita na naman niya kung paano nawala ang buhay ng mga magulang. Sa panahong ito ay mas malinaw ang mga imahe. Tumaas-baba ang dibdib ni Hana sa paghinga, ramdam niya ang takot sa nasaksihang eksena.

"Ishida San," she muttered.

Dumapo ang mata niya sa orasan, alas onse ng gabi. "Maaga pa pala." Dagli siyang bumangon at pinuntahan ang kabilang silid kung nasaan ang kanyang kapatid, nasisiguro niyang gising pa iyon.

"Ishida San. Tama ang hinala ko na may koneksyon sa trabaho ng daddy mo ang pagkamatay nila. Pero dalawang Ishida ang nasa kompanyang iyon. Naalala mo ba ang hitsura?"

"Hindi," malungkot niyang iling. Pilit niyang binabalikan ang pangyayari sa panaginip. "Naka-side view siya kaya hindi ko nakita, pero base sa features niya, at boses, hindi matanda."

"Nine years ago, year twenty-ten, Matsuhiro Ishida, the founder of Nankai Holdings was sixty three years old so, malayong siya ang gumawa. Ayon dito sa profile ni Matsuhiro, may nag-iisa siyang anak, si Kaito J. Ishida, at ito ang tanging tagapagmana ng lahat ng kanyang ari-arian. Malaki ang posibilidad na siya ang hinahanap natin, Hana." Nakaharap ang kuya Matt niya sa laptop nito at binabasa ang isang article tungkol sa Nankai Holdings. Ang kompanyang pinagtatrabahuhan ng amang si Ryeo Inoue.

Nag-type ulit ito doon, parang may hinahanap. "Sa organizational chart ng NH on the same year, Kaito Ishida worked at Nankai Holdings as a Finance Director. Ipagpalagay nating pera ang pinag-ugatan ng krimen na iyon, which is hindi malayong mangyari, at kung totoo man, siguradong dadaan iyon sa mga kamay ng isang Finance Director. This is our lead, sa ngayon. Kailangan nating gawin ay mag-focus sa pagresearch sa lahat ng impormasyon tungkol kay Kaito Ishida, pati whereabouts niya."

Sa wakas, may progress na ang paghahanap nila. 'Kaito Ishida. Sisiguraduhin kong makakahanap ako ng matibay na ebidensiya. Hinding-hindi ako titigil hangg'at hindi nakakamit ng mga magulang ko ang hustisyang nararapat para sa kanila. Pagsisisihan nila na ipinanganak sila sa mundong ito.'

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon