Part 14

957 35 2
                                    

FIVE months after they knew each other, they officially dated and their relationship went smooth.

General Manager ito ng iFlex Tech, isang IT company sa Manila. Nag-iisa itong anak ng isang mayamang pamilya. Ang parents nito ay nakabase sa Singapore kaya mag-isa lang itong namumuhay sa Pilipinas. Masipag ito sa  trabaho, halos araw-araw pa itong nag-o-overtime. During the celebration of their first anniversary, Thomas bought her a condo. Noong una ay matigas niyang hinindian ang mga binibigay nitong gamit dahil baka isipin nitong naghahabol siya ng pera pero kasingtigas din ang pag-iinsist nito. In the end, nasanay na siya dahil mahilig talaga itong magbigay. Kahit hindi man sila living together, three times in a week naman ito pumupunta sa condo.

"Hon, you take a shower first," saad ni Marga na medyo nilakasan ang boses para marinig ng nobyo na nasa kwarto. Nasa kusina siya at nagpapainit ng tubig sa heater.

"Okay. Ayaw mo bang sumabay?" tudyo nito na sumilip sa pinto.

"Nah, magti-tea muna ako, ang busog ko, e."

"Alright," anitong pumasok na sa banyo.

Hawak ni Marga ang mug sa kamay at hinihipan ang mainit na tsaa bago dahan-dahang hinigop. Habang unti-unting inuubos ang laman niyon napagpasyahan niyang ligpitin ang mga nagkalat na gamit ni Thomas sa sala. Basta nalang kasi nitong iniwan ang hinubad na sapatos sa ilalim ng sofa. Pati ang dala nitong attache case at nakabuyangyang lang sa center table. Napapailing na pinulot niya ang leather shoes at dinampot ang attache case. Nagitla ang dalaga nang pag-angat niya niyon ay naglaglagan ang mga papeles na laman ng attache case.

"Oh no! Hindi pala nakalock 'to?" usal niya habang pinupulot ang mga papel. Nahagip ng mga mata  niya ang isang page na may naka-bold na pangalan.

Kaito J. Ishida

Na-curious siyang pasadahan  ng tingin ang pahinang iyon. Tila profile iyon ng nagmamay-ari ng pangalan dahil nakasaad sa papel ang mga basic na impormasyon sa pagkatao nito. Pinagpatuloy niya ang mabilisang pagbabasa hangga't dinamay na rin niya ang iba pang pahina. Sa kasunod na papel ay may nakasulat na mga pangalan ng kompanya, iba-iba. May restaurants, malls, clubs at marami pa na hindi na niya kilala. Ang kasunod naman ay listahan ng mga lugar, events at oras.

'Sino kaya si Kaito Ishida?'

"Hon, I'm done," halos mabitawan na ni Marga ang hawak na mga papel sa gulat nang sumilip ulit ang lalaki. "What's happening?"

"Ah--nahulog kasi, pinulot ko. Hindi mo pala nilock nang maayos ang attache case na 'to." She felt guilty at hindi siya makatingin sa mukha nito. Nanatili lang siyang nakayuko at tinapos ang pagliligpit.

"Hindi ba? Buti at dito nahulog, hindi sa labas. Magbibihis lang ako," anito na pumasok ulit.

Napahinga ng malalim si Marga. Dapat hindi na siya nakialam. Buti nalang mabait ang boyfriend niya.

Inubos na niya ang tsaa na nagsimula nang lumamig at hinugasan ang mug sa kusina, pagkatapos ay tumuloy na sa kuwarto para makaligo.

***

"HEY!" tapik ni Marga sa balikat ng co-programmer na si Matt. Magkatabi ang lamesa nila nito kaya medyo malapit sila kumpara sa ibang mga kasamahan.

Matt is a boy next door type, clean cut ang buhok nito at medyo may kaputian. Mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada at lean ang build, senior niya ito ng isang taon. Noon, tahimik lang ito sa tabi, shy type kumbaga. Nagsasalita lang kapag kinakausap at hindi nakikisawsaw sa chikahan ng mga grupo pero nang makilala niya, madaldal din pala. He's a humble guy, very down to earth and gentleman. Actually, kung hindi lang siya 'in a relationship', jojowahin na niya ito.

"Uy! Good morning sa side mo!" bati nito na kagyat lang siyang tinapunan ng tingin at bumalik din sa computer.

"M.I.A kana naman kagabi. Nakakailan ka na ha." Hindi ulit ito sumipot sa dinner party last night. Nagpabirthday kasi ang isang team leader at inimbitahan sila. May kainan, as usual, daldalan, tawanan at konting inuman, pampatulog lang. She was expecting him to be there kasi mas malapit ito sa birthday celebrant pero nga ala-Indian nga.

Napakamot ito sa ulo at nilingon siya ulit, alanganing napangiti. "Sorry, kasi may kelangan lang tapusin."

Mula sa pagkakatayo sa tabi ng lalaki, yumuko si Marga at tinitigan ang computer nito. "'Yan ba ang pinagkakaabalahan mo?"

"Ah..." hinawakan ni Matt ang mouse at mabilis na pinindot ang hide button.

"W-wait," kampay ng babae sa kamay. May nahagip ang malikot niyang mata na interesting na bagay sa mabilis na pagsulyap sa screen nito. "Kaito Ishida? Kilala mo ba ang taong 'yan?"

"Why? Ikaw, may alam ka ba sa taong 'to?" napakunot ang noo ng kausap. Pinaikot nito bahagya ang inupuang swivel chair paharap sa kanya.

Bakit ang daming gustong malaman ang katauhan ng taong iyon? Sino ba si Kaito? Napaka-unusual naman na sa magkasunod na araw, magkapareho ng taong pinag-aaralan ang mga kakilala niya. Hindi naman magkakilala si Thomas at Matt.

"No, of course," iling niya na bumalik sa sariling upuan. "Kasi naman, na-miss mo ang party kagabi para d'yan, siguro importante talaga."

"Yeah, kinda," sagot nito. Mukhang nakumbinsi naman ito na wala siyang alam.

***

"HON, uhm..." si Marga, na nakahiga sa kama. Tanging ang makapal na comforter lang ang nakatabon sa hubad na katawan. "Last night, 'di ba nahulog 'yung mga papeles sa case mo. May nakita kasi akong name doon. Naka-bold kasi kaya hindi ko maiwasang hindi mabasa. Kaito Ishida?"

"Hmmn, yes, and then?" kalmang sagot ng katabi. Nakatingin ito sa hawak na cellphone. Gaya niya ay nakabalot din ang comforter mula baywang nito pababa. Lantad ang dibdib na nakaupo sa kama.

"Sino s'ya?" she asked, hindi sigurado kung sasagutin ba siya ng boyfriend kasi halatang nakikiusyoso lang siya. But she's damn curious!

"He's a businessman, a multi-billionaire," sagot nito na hindi parin humihinto sa pagscroll ng telepono.

'Ano bang tinitingnan nito? Facebook?'

"Ahh...ganun ba?" tango niya. "Kasi, one of my colleague, kanina nagre-research din siya about Kaito Ishida. He must be very famous, Hon."

Napahinto ang pag-scroll nito sa cellphone at tumingin sa kanya. "Kasama mo sa trabaho? Bakit daw?"

"I dunno," kibit-balikat niya. "Ayaw niyang sabihin eh, mukhang confidential ang rason n'ya."

Tumahimik ang katabi ng dalaga, tila nahulog sa malalim na pag-iisip. Ibinaba na nito ang kaninay hawak na cellphone saka hinimas-himas ang baba.

"Hon," pagkuway sabi nito. "Can I ask you a favor?"

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon