Part 21

810 29 12
                                    

HANA's fidgeting hands were getting cold. Kanina pa okupado ang isip niya kung paano hihingi ng permiso sa ina para payagan siyang lumabas sa gabi. Alalang-alala pa naman ang mga ito noong sinabi nila na natamaan ng ligaw na bala ang braso niya. Her parents didn't know anything about their mission, mas mabuti na ang ganoon para hindi na madamay pa ang mga ito.

"Nanay..."

"Mmm." Masinsinang nakayuko ang nagsusulat na si Rosita sa ibabaw ng mesa sa kusina, hindi nag-aksaya ng panahon na lingunin ang anak. Listahan yata ng mga babayarin nila sa bahay.

"Uhm, lalabas lang po ako mamaya."

"Sinong kasama mo? Ang kuya mo?"

"Ah... h-hindi po." Hindi na talaga siya masasanay magsinungaling lalo sa pamilya niya.

Doon napaangat ang mukha ng ginang mula sa yellow paper at tumitig sa kanya. "Magkikita kayo ng borpren mo?"

Parang na-stucked-up ang dila niya sa prankang tanong ng ina.

"Iharap mo sa amin ang taong iyan, Hana, kung may respeto ka pa sa amin ng tatay mo."

Hindi na niya alam kung paano iiwas ang usapan kaya minabuting harapin na niya iyon. "O-opo." Nakayuko niyang iniwan ang tabi ng ina para pumasok sa kwarto. Napabuga siya ng hangin. Isang oras nalang at darating na si Jin, lumukso na naman ang sabik niyang puso sa kaisipang magkikita ulit sila.

"Kailangan ko nang maghanda."

LABING-LIMANG minuto bago mag alas siyete ay nakatanggap ng tawag si Hana mula kay Jin, parating na raw ito in five minutes. Kinakabahan na siya dahil hindi niya alam kung papayag ba ang lalaki sa hinihiling ng ina.

"Ang hirap naman, o," himutok niya.

Katulad nga ng sinabi, tumawag ulit ito makaraan ang limang minuto at sinabing nasa labas na ang kotse. Alam niyang hindi nito pinaparada ang sasakyan sa tapat ng bahay nila, she excitedly went out of the house at hindi nga siya nagkamali. Three blocks away natanaw niya ang makintab na itim na kotse.

Agad na lumabas ito mula sa driver's seat nang makalapit na siya at sinalubong siya ng isang mahigpit na yapos.

"I missed you so much!" anas nito na sinamyo ang kanyang ulo.

"Miss na miss din kita," mangiyak-ngiyak sa galak na sabi niya at gumati ng kasing-higpit na yakap.

"Let's get inside the car."

"T-teka..." Napahinto ang pagbukas nito sa pintuan at natuon ang singkit nitong mga mata sa mukha niya. "K-kasi..."

"Tell me."

Nagsimula na naman ang paglalaro niya sa mga daliri, "G-gusto ng mga magulang ko na... makilala ka." Napangiwi si Hana na napatungo dahil nag-aalangan talaga siyang itanong iyon, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kung harap-harapan siya nitong i-reject. Buntong-hininga ang narinig ng babae. "H-hindi naman kita pipilitin, alam kong masyadong private ang buhay mo, Sir, at isa pa... w-wala naman tayong relasyon pa hindi ba? Kaya 'wag--"

"What are you talking about, Hana? Ano ba'ng tingin mo sa atin ngayon kung wala tayong relasyon?"

Totoo naman ang sinabi niya, hindi pa talaga sila official. Hindi pa sila pormal na nag-confess ng feelings or nagkasundo na sila na nga.

"T-tayo na ba? I mean, official na ba? Boyfriend na kita?"

"Of course, unless may iba kang gustong maging boyfriend."

His face went flat and serious kaya ang bilis ng sagot niya. "Siyempre, wala, Sir. Ikaw lang." And that made him smile in satisfaction kaya napangiti rin siya.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon