Part 9

997 35 4
                                    

UNANG beses na lumabas si Hana kasama ang isang lalaki, maliban sa itay at kuya Matt niya. Kaya kaba at galak ang nag-uunahan sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. Kahit gaano man niya pinapaalala sa sarili na huwag magpadala sa pinapakita ng lalaki ay hindi parin niya mapigilan ang sariling kiligin dito, afterall, she is still a woman. At normal lang naman siguro ang makaramdam ng atraksiyon sa isang lalaki lalo at kasing tikas ng kasama niya. Palihim niyang sinulyapan ang katabi, nagtaka siya nang makitang magkatagpo ang mga kilay nito. Nakatiimbagang at mahigpit na nakahawak ang kamay sa manibela. Panay ang tingin nito sa rear view mirror.

"Sir Jin, may problem ba?" kagyat na umaliwalas ang ekspresyon ng mukha nito nang bumaling sa kanya, bahagya itong ngumiti.

"Wala, Hana. Malapit na tayo sa restaurant."

Tumango siya pero hindi nawala ang pagtataka sa kilos ng kasama. Hanggang sa maka-park sila ng kotse at pumasok sa restaurant ay aligaga ito.

Magkahalong black and beige and kulay ng paligid na may gintong linings ang gilid. May malalaking kwadradong poste sa gitna ng dining area. Right side, mula sa entrance ay ang mahabang bar, nagkikislapan ang mga kopitang nakalambitin sa dingding niyon, sa gilid naman ay ang mga bote ng mga mamahaling inumin. Nakapailanlang ang masarap sa pandinig na violin instrumental sa paligid. Sa tantya niyang sobra kinse na mesang naroroon ay anim ang okupado, dahil narin siguro hindi pa peak time. First time niyang pumasok sa ganoon ka-garbong restaurant kaya hindi niya alam kung paano gumalaw.

'Bakit naman dito n'ya 'ko dinala? Hindi bagay ang hitsura ko dito!'

"Table for two please." Anito sa babaeng staff na sumalubong sa kanila, giniya sila sa isang eleganteng mesa na pandalawahan sa isang sulok.

"Hana, will you be fine here?" tanong nito pagkatapos nilang mag-order.

"Bakit?"

"May kukunin lang ako sandali sa kotse."

"Hmn, sige." Iba ang pakiramdam niya sa kinikilos ng lalaki.

"I'll be right back before you miss me." saad nitong ngumisi bago tumayo at naglakad palabas ng establisemento.

Ang laki ng pinagbago ni Jin. When she first met him, under the rain, he was snob. Kahit noong dinala niya ito sa dojo para gamutin ang sugat sa kamay nito ay halos hindi ito nagsasalita. He looked intimidating. Ang taas nito, ang tindig, ang mga titig at kilos, halatang hindi basta-bastang tao. Pero pilyo din pala, at halatang womanizer. From snob and intimidating to being a pervert, 'yun ang impression n'ya. Kumpara noon ay mas nagsasalita na ito, he even smiled more often. Minsan ang cute nito kapag ngumingiti. Pero hindi niya malaman kung bakit ganoon ang mood ni Jin nang mga sandaling iyon, mukhang may iniiwasan. Sino? Ano?

Diyes minutos na simula nang mag-order sila at lumabas si Jin, wala pa ang pagkain at hindi pa ito nakabalik. Nakaramdam siya ng pagkabagot dahil narin siguro sa hindi siya mapalagay. Tumayo siya at binagtas ang palabas ng restaurant. Nagtungo kung saan ginarahe ang sasakyan ng lalaki pero wala ito.

'Saan na ang lalaking iyon?'

Wala pa naman siyang dalang pera kung sakaling hindi ito makabalik. Uli naglakad siya at nilibot ang parking lot pero walang Jin. Babalik na sana siya sa loob ng restaurant nang marinig ang ungol ng isang lalaki. Nanggaling ang boses na iyon sa likurang bahagi ng gusali, tahimik niyang pinuntahan iyon at nagulantang nang makitang bumulagta ang isang lalaki sa unahan. Napasinghap siya ng malakas, hindi nag-iisa ang lalaki. May dalawa pa itong kasama na pawang nakahandusay na sa lupa. Lumipat ang tingin niya sa salarin, mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino iyon.

"Sir Jin?!"

"Lets get out of here." Saad nito na hinila ang kamay niya. Pumasok sila sa kotse at mabilis na pinasibad iyon.

HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon