Alice
Pagkatapos ng pangyayari sa may gate ay agad na inihatid na rin ako ni Sarah sa aking klase. Hindi man kami naging magkaklase eh ayos lang, nasa kabilang classroom lang naman ito. Ano man oras eh pwede ko siyang puntahan, ganoon din ito sa akin.
Madalas talaga, hindi kami nagiging magkaklase ni Sarah. Palagi itong napupunta sa Section B, habang ako naman ay nasa Section A.
"Alice!" Malawak ang ngiti na sinalubong ako ni Lila ng mahigpit na yakap at agad na iginaya patungo sa kanyang upuan, kung saan kami magkatabi.
Yep, kami ni Lila ang palaging magkasama sa klase. At walang school year, ang hindi kami nagiging mag kaklase. Bagay na palagi nilang pinagtatalunan ni Sarah.
Nasa tabi nito ang kanyang kaibigan na si Billy, habang nakikipag daldalan sa kanyang best friend na si Adriana, at iyong nasa bandang unahan naman nito ay ang tahimik na nagbabasa ng libro na si Breeze.
Best friend's silang apat, kung ako ay mayroong dalawang best friend, na si Lila at Sarah, si Lila naman, mayroon pang tatlo. Hanep, diba?
Hindi ako gaanong close sa kanila, kay Lila lang talaga ako palaging nakikipag-usap, ewan ko ba. Bukod kasi sa mayayaman na sila eh, ang gaganda pa nila. Isama mo na rin na, isa sa mga kilalang tao sa bansa ang pamilya nila. Kaya anong karapatan ko para makihalubilo sa kanila, hindi ba?
"Kumusta ang Summer mo?" Tanong ni Lila habang ipinupulot ang braso sa akin.
Napa isip pa ako kunwari bago muling tinignan siya sa mata.
"As usual, nagbebenta ng kung anu-ano at iba-iba rin ang raket." Sarkastikong sagot ko bago napatawa.
Hindi naman nito napigilan ang mapabusangot.
"Sana katulad mo rin ako, masipag." Biglang nalungkot ang mukha na sabi niya.
"Ano ka ba naman, masipag ka rin kaya." Pagpapagaan ko ng loob niya. "Nagtatrabaho ka rin kaya kagaya ko, kahit na wala naman sa itsura mo ang pagiging mahirap." Dagdag ko pa.
Totoo naman kasi, kutis mayaman at kilos mayaman kaya itong si Lila. Kaya kahit na anong gawin ko, hindi ako naniniwala na wala siyang mga magulang. Mayroong part kasi sa loob ko na may hindi pa siya sinasabi sa akin. Pero kung ano man iyon, kaya ko namang maghintay. Kapag handa na siya, alam kong magtatapat din ito ng totoo sa akin.
Hindi nagtagal ay dumating na ang aming magiging teacher para sa unang klase namin ngayong araw. At isa sa paborito ko ay Science, syempre ano pa nga ba? Nandyan na at hindi na yata mawawala pa ang 'Introduce yourself'.
Syempre, gustong gusto ko talaga ang palaging pumupunta sa harap at nagpapakilala ng aking sarili kapag ganitong unang araw ng klase. Pakiramdam ko kasi kapag ganoon, isa na akong ganap na Attorney.
Taas ng pangarap ano? Tuyo ng aking isipan.
Pagkatapos ng Science, sumunod namin na subject naman ay English, History at ang pinakaayaw ng karamihan sa lahat, ay ang Math.
Magsisimula na sana ang klase nang biglang bumukas ang pintuan dahilan upang makaagaw iyon ng maraming pansin.
Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng lahat, at pawang naka nganga pa ang mga ito, noong magtama ang kanilang mga mata sa mala anghel na mukha ng isang babae.
Umuusok naman ang ilong sa galit at magkasalubong ang mga kilay na napatingin rin si Mrs. Javarez sa kapapasok lamang na estudyante.
Habang ako naman ay mabilis na napayuko noong makilala kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...