Chapter 32

2.4K 120 28
                                    

Alice


Lumipas pa ang maraming araw, mga araw na umaasa akong baka bigla pang magbago ang isip niya. Na baka ako parin talaga ang mahal niya, baka pinangunahan lamang talaga ito ng galit sa puso niya kaya niya iyon nagawa.

Labis-labis na akong nasasaktan pero umaasa parin akong magiging maayos ang lahat. Magiging maayos kami. Na babalik din kami sa dati. Na muli rin siyang babalik sa piling ko.

Tanga ko ba kung sabihin kong handa akong maging kabit niya? Handa akong magpaka tanga wag lamang siyang tuluyang mawala sa akin. Handa akong maging dakilang martyr maramdaman ko lamang muli ang presensya niya, hindi ang ganito.

Para akong mababaliw sa lungkot, sa pagsisisi, sa panghihinayang na hindi man lamang ako nakabawi dahil sa nagawa ko sa kanya noon.

Handa naman akong maitama ang lahat eh. Handa akong maging tama para sa kanya. Mapatunayan ko lamang na nagsisisi na ako sa lahat ng sakit na naibigay ko sa kanya. Pero hindi, hindi ko nagawa. Wala na naman akong ginawa kung hindi ang saktan na naman siya.

Ni hindi ko man lamang siya kinamusta, hindi man lamang ako nagtanong kung naging maayos rin ba siya? Sa halip eh, ako pa itong nagmukhang iniwan at pinabayaan.

Gusto kong sabihin sa kanya na kahit nagawa niya akong gantihan ng ganon, hindi ako nagalit. Kahit konti. Gusto kong sabihin sa kanya na naiintindihan ko siya, dahil kaya lamang niya 'yon nagawa dahil nasaktan ko siya. Iniwan ko siya ng wala man lamang na kahit na anong paalam.

But many days have passed, wala ng Raven ang muling nagpakita sa akin. I can't find her anymore. It seemed like she was just a dust that passed through me then suddenly disappeared, I couldn't feel her anymore.

Maybe she was happy now, with Stacey. Perhaps they are already planning on their wedding. It's like I'm being crushed over and over every time I think I'm not the woman she'll be with for the rest of her life.

That should be me.

Ako dapat 'yon, ang babaeng maglalakad sa altar kung saan naghihintay si Raven sa kanilang dulo. Ako dapat 'yong papangakuan niya sa harap ng maykapal. Ako dapat ang iiyakan niya habang sinasabi nito ang kanyang mga pangako.

Pero hindi. Because all those dreams of mine went to another woman. I'm just another great Ex-girlfriend now hoping she'll come back to me.

Ang sakit.

Paulit-ulit akong nagdarasal na sana mawala na ang sakit. Pero hindi, dahil sa bawat pag luha, katumbas noon ay ang pag-asa na sana....sana....bumalik siya.

Sana ako parin. Ako nalang ulit.

Baka pwede pa. Baka kaya pa. Baka KAHIT isa pa, masubukan namin. Pwede naman 'yon diba?

So here it is, hindi na ako nag dalawang isip pa na muling puntahan siya sa Hotel. Kahit na alam kong ipagtatabuyan niya akong muli, kahit na maraming masasakit na salita na naman ang matatanggap ko mula sa kanya, ayos lang. Tatanggapin ko ang lahat.

Paulit-ulit akong nag do doorbell sa labas ng kantang room number, pero wala. Walang nagbubukas nito. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa aking isipan dahil basta na lamang akong nagtungo sa may garden, kung saan nangyari ang huling date namin. Kung saan nangyari ang labis na pagwasak nito sa puso ko.

At doon, agad na natagpuan ko siya.

Parang gustong tumalon ng puso ko sa saya noong sandaling makita ko ang kanyang likuran. Agad na lumapit ako rito.

Hawak nito ang kanyang laptop na halatang abalang-abala siya sa kanyang ginagawa.

Napansin niya na mayroong naupo sa kabilang dulo ng bench kaya napalingon ito sa gawi ko.

HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon