Introducing Hottest Babe Series (NEW GENERATION)
Third Person POV
*18 years later*
"Skyler!!! Bitch lumabas ka d'yan! Wag mo akong pinagtataguan! Argh!" Inis na inis na kinakatok ni Autumn si Skyler mula sa loob ng kanyang kuwarto.
Hiniwalayan na naman kasi siya ng kanyang bagong girlfriend kagabi dahil may nakilala siyang mas higit pa at mas magaling daw sa kama, and it turns out na si Skyler ang tinutukoy nito.
"Lalabas ka riyan o gigibain ko itong pintuan ng kwarto mo!" Halos nagsisigaw na ito at ayaw kumalma.
"Autumn, have some respect! Mas matanda pa rin sa'yo si Sykler." Saway sa kanya ng kanyang Ate Gabby na kalalabas lamang ng guest room at patungo na ngayon ng swimming pool. Kasunod nito si Kezia na tutok na tutok sa kanyang pag-ce-cellphone.
Ngunit hindi nito pinansin ang kanyang Ate Gabby.
At kakatukin na naman sana nitong muli si Skyler nang bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kwarto at bumungad sa kanya ang nakangising mukha ni Skyler, pagkatapos ay nilampasan lamang siya at hindi man lang natinag sa mga death glare na ibinigay ni Autumn sa kanya.
"Can you please explain to me bakit kailangan kapag may gusto akong babae, kinukuha mo rin?" Ayaw pa rin talaga niyang tumigil at patuloy na sinusundan nito si Skyler.
"Pwede bang tumahimik ka muna, Autumn. Ang ingay mo, alam mo yun?! Kagigising ko lang oh!" Pagsusungit sa kanya ni Skyler at pilit na iniiwasan ang mga katanungan sa kanya ni Autumn.
Ngunit napanganga lamang in disbelief si Autumn habang napapailing.
"Ew! Girls problem na naman? Wala ba kayong ibang pag-uusapang dalawa sa araw-araw kundi 'mga babae ninyo?" Saway sa kanila ni Tabitha na ngayon ay mayroong hawak na bote ng wine sa magkabilaan nitong kamay. Patungo rin ito sa pool kung saan sina Gabby at Kezia naghihintay.
"Just let them. Magtaka ka if they are talking about boys. Kasi siguradong may mali na sa kanila kapag nagkataon." Biglang singit naman ni Nicole, ang pinaka matanda sa kanilang magkakaibigan, pinakaresponsable rin at independent, na ngayon ay katatapos lamang mula sa phone call.
Hindi naman napigilan ni Tabitha ang mapatawa sa sinabi ni Nicole.
Habang sina Autumn at Skyler naman ay napairap lamang sa kanilang dalawa.
"Eh kung palayasin ko kaya kayong dalawa ngayon sa pamamahay ko?" Pabirong sabi naman ni Skyler sa kanila.
Napaismid lamang si Nicole.
"Geez. As if naman kayo mo." Sagot ni Tabitha. Pagkatapos ay tinalikuran na sila ng mga ito.
Napahinga ng malalim si Skyler bago napatinging muli kay Autumn na ngayon ay hinihintay pa rin ang kanyang paliwanag.
"Ikaw rin naman ah, kapag may chick akong gusto inuunahan mo ako. So it's a tie game for me." Cool lamang na sabi nito kay Autumn dahilan para tuluyang mawala ang bwisit ni Autumn sa kanya.
"Fine! May point ka." Napapatango na wika ni Autumn bago napasulyap kay Sydney na ngayon ay kalalabas lamang din ng guest room. As usual nakabusangot na naman ito at animo'y nababalot na naman ng yelo ang kanyang paligid.
Nagkatanginan sina Autumn at Skyler bago sabay na napangisi. Iyong tipo na para bang may binabalak silang hindi maganda.
"Good morning, Syd. How was your night last night? Did you have fun?" Tanong ni Autumn rito ngunit malamig na tinignan lamang sila at hindi pinansin ni Sydney. Dire-diretso lamang ito sa kanyang paglalakad patungo sa pool kung nasaan ang iba nilang kaibigan.
Napanguso si Autumn kay Skyler.
"Kapag tayo sinungitan na naman niyan ng ilang araw---fine!" Tuluyang pagpayag ni Skyler sa kalokohang naiisip ni Autumn.
Mabilis na nilapitan ng mga ito si Sydney at walang sabi na binuhat. Si Skyler ang nakahawak sa mga binti ni Sydney, habang si Autumn naman ay nakahawak sa magkabilaang kamay ng kanilang kaibigan.
"WHAT THE F*CK! Ibaba niyo ako!" Sigaw ni Sydney sa dalawa. "Kapag ako nakawala rito, I swear! You are both dead!" May pagbabanta na dagdag pa nito.
Kahit na pinagmumura na sila nito dahil sa inis at galit ay hindi pa rin nila ito pinakinggan at patuloy na pinagtawanan lamang.
Mabilis na itinakbo nila ito patungo sa pool area at agad na inihagis sa gitna ng tubig.
Noon din ay napatawa sina Tabitha, Gabby, Nicole at Kezia dahil sa kalokohan ng dalawang kaibigan nila. Samantala, agad na umahon naman sa tubig ang kawawang si Sydney at agad na nilapitan sina Autumn at Skyler.
Akala ng dalawa kung ano lamang ang gagawin nito, nang bigla rin silang itinulak nito sa tubig.
Pagkatapos ay mabilis na napa-dirty finger ito sa kanilang dalawa at agad na tinalikuran na sila.
Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo ay tinawag at nilapitan siya ni Kezia.
"Get changed first then come back here, okay?" Wika nito. Napatango si Sydney.
"Don't worry, K. I'll be right back." Napasulyap siya kina Autumn at Skyler. "Tell them I'm sorry. I know they are stupid but I love them both." Dagdag pa niya pagkatapos ay tinalikuran na si Kezia.
Sydney is right. Kahit na iba-iba sila ng trip sa buhay, kahit na may kanya-kanya silang mundo kung minsan at iba-iba sila ng mga pag-uugali, mahal niya ang mga ito. Mahal niya ang kanyang mga kaibigan.
Mahal nila ang isa't isa. At katulad ng kanilang mga magulang, they swore to each other that they would never leave each other and that they would protect each other no matter what.
A/N: NEW GENERATION na tayoooo, very SOON! And I am so excited to share their stories with you guys. Mga kwento na bago naman nating kakaadikan at mga bagong kwento na magpapa-ibig sa ating mga puso!
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...