SPECIAL CHAPTER I

1.6K 42 4
                                    

Alice


Hindi ko mapigilan ang saya na aking nararamdaman ngayon habang masayang pinanonood sina Raven at Gabby na naglalaro at naghahabulan sa dalampasigan.

Para akong tanga na napapatawa rin sa tuwing naaabutan nito si Gabby at pagkatapos ay kikilitiin ng matagal. Kaya naman walang magawa ang anak namin kundi ang makiusap sa kanyang mama na itigil ito dahil sa hindi na siya makahinga pa.

Nandito kami ngayon sa beach house nina Breeze. Hiniram na muna namin dahil weekend naman, wala masyadong gagawing trabaho kaya napagpasyahan namin ni Raven na dalhin na muna rito ang mga bata. Para na rin hindi lang sila nakakulong palagi sa loob ng bahay.

Yes! Ako at si Raven ay isa nang ganap na mga magulang ngayon.

Si Gabby ang panganay namin, seven years old na siya ngayon at unti-unti na ring nagkakaroon ng muwang sa mundo. Habang ang bunso naman namin ay si Autumn, she's five years old, na kasing kulit at spoiled brat ng kanyang Mama Raven.

Ang bilis ng panahon 'no? Parang kailan lamang nung wala kaming ibang pinoproblema ni Raven kundi ang relasyon lamang naming dalawa. Pero ngayon, may mga anak na kaming dapat na i-consider palagi. At lahat ng mga ginagawa namin ngayon bilang mag-asawa ay hindi na para sa aming mga sarili, kundi para sa aming mga anak na, para sa aming pamilya.

They are my world now. And I will do everything for them, for my children. I will do everything in my power to protect our family.

"Mommy!" Sigaw ni Gabi habang tumatakbo patungo sa akin. Agad naman na sinalubong ko siya ng yakap at iniikot sa ere, walang nagawa naman na napatili ito habang tumatawa.

"Hey, sexy." Lumapit din si Raven sa akin bago ako dinampian ng halik sa aking labi. "Where's Autumn? Tulog pa rin ba?" Tanong nito habang nagpapalinga sa paligid. Napatango ako.

"I miss you..." Bulong nito sa tenga ko at pagkatapos ay inabot ang pwet ko at pinanggigilan iyon habang napapakagat sa kanyang labi.

Mabilis naman na pinalo ko ang kamay nito at tinignan siya ng masama.

"Stop it! May bata oh!" Saway ko sa kanya habang pinandidilatan siya ng aking mga mata dahil nakikita ni Gabby ang kanyang ginagawa.

Pero ano pa nga ang dapat na asahan ko kay Raven? Dahil hanggang ngayon ay ubod pa rin ito sa kakulitan. Kaya hindi na talaga ako nagtataka kung kanino nagmana ang bunso naming si Autumn eh.

Malamang sa kanya. Sang-ayon naman agad ng aking isipan.

"Eh bata pa naman siya." Pagdadahilan nito, napanganga tuloy ako in disbelief.

"Hindi n'ya pa naman alam kung anong ibig sabihin nito," bigla na lamang ako nitong hinapit sa aking beywang palapit sa kanyang katawan, "at ito," pagkatapos ay hinalikan ako sa aking labi, "and this," gumapang ang kamay nito sa aking dibdib and gently massage me there.

Pero iritable at ubod ng lakas na itinulak ko siya palayo sa aking katawan habang nanlilisik ang mga matang tinitignan siya.

"Raven, what are you doing?!" Pabulong na tanong ko sa kanya ngunit mayroong diin. Ngunit nginitian lamang ako nito.

"Baby, come here." Biglang paglalambing nito sa akin.

Hmp!

Bakit ba kasi hanggang ngayon kapag inaamo na niya ako eh kusa na lamang akong nanlalambot at bumibigay? Siya pa rin talaga ang Raven na minahal ko mula noon, hanggang ngayon na kahit na ubod ng kapilyahan at pasaway eh napaka-sweet naman.

Agad na lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Ikaw naman kasi eh. Alam mo naman kasing seven years old na 'yang si Gabby. Kahit papaano may alam na siya sa ilang bagay na nangyayari sa paligid n'ya." Wika ko habang hinahagod ang kanyang likod.

HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon