Chapter 12

2.3K 107 6
                                    

Alice


Hindi ako makatulog sa loob ng ilang gabi. Dahil sa kakaisip sa iisang tao na paulit-ulit na nagsusumiksik sa aking isipan.

Na kahit na anong pilit kong huwag siyang isipin, ay hindi ko magawa. Palagi akong nag-iisip kung nasaan kaya siya ngayon? Kung kumain na ba siya? Anong ginagawa niya? Sinong kayang kasama niya? At marami pang iba.

Nagiging paranoid ako ng wala namang dahilan at hindi naman dapat. At nagsimula lamang ang lahat ng ito noong kaarawan ni Axel. Noong araw na mayroong dinala si Raven at ipinakilalang babae sa amin.

Nadagdagan pa iyon noong mag kwento si Axel ng mga bagay tungkol sa kanya. Tungkol sa pagiging playgirl nito, sa pakikipag relasyon sa iba't ibang babae at pagkatapos ay hihiwalayan din nito kapag nagsawa at na bored na siya. Tungkol sa pagpapaiyak niya sa mga ito dahil ganoon lamang niya sila kabilis palitan, na parang nagbibihis lamang ito ng damit.

At higit sa lahat, iyong dahilan kung bakit siya na kick-out sa sa dati nitong eskwelahan na pinapasukan.

Grabe! Nababaliw na yata ako! Kung anu-anong bagay na tuloy ang ini-imagine at naiisip ko. Nagawa niya talagang makipag...ahem. Ano, alam niyo na yun, sa loob ng janitors closet? Grabe! Hindi ako makapaniwala.

Kaya dahil roon, hindi ako makatulog ng maayos at ilang gabi na! Nakakainis siya! Wala naman talaga dapat akong pakialam sa buhay at mga ginagawa niya diba? Pero bakit ganito? Naiinis ako at nakakaramdam ng...hays! Ewan.

Sa inis ko eh bumangon na lamang ako sa aking higaan. Kumuha ng libro at notebook. Siguradong kahit na anong gawin ko, eh hindi na ako makakatulog pang muli. Okay na rin siguro ang tatlong oras na tulog ano?

Napa sulyap ako sa aking alarm clock. Alas tres pa lamang ng umaga, hayyyy. Bahala na nga kung makatulog man ako sa klase mamaya.

Raven, ano ba kasing meron talaga sayo? Bakit ako nagkakaganito?


----


Naglalakad na ako papuntang school nang may biglang huminto na sasakyan sa aking harapan. Hindi ko alam pero mayroon akong ngiti na pinipigilan sa aking labi. Bigla akong nakaramdam ng excitement na hindi ko rin alam kung saan nang galing.

Dahan-dahan na bumukas ang pintuan nito at iniluwa noon si Axel. Oo, si Axel na mayroong malawak na ngiti sa kanyang labi. Si Axel na ang saya-saya pa habang naglalakad na ngayon papalapit sa akin, with matching kaway pa.

Pero bakit ganoon? Bakit biglang naglaho ang ngiti na gusto ko sanang pakawalan noong makita siya. Bakit biglang naglaho na parang bula ang excitement na aking nararamdaman at kusa iyong napalitan ng disappointment.

Bakit iba ang ini expact kong makita? Bakit ibang mukha at ngiti ang inaasahan kong bubungad sa akin. Bakit disappointed akong hindi si Raven, ang nasa aking harapan ngayon?

"Hi beautiful. Good morning!" Masayang pagbati ni Axel noong tuluyang makarating sa aking harapan. Bago ito napa musyon sa kanyang sasakyan.

Binigyan ko ito ng isang ngiti. "Axel, naligaw ka yata?" Kunwaring biro ko rito. Napatawa siya.

"Gusto ko lang sunduin ka." Wika niya.

"Bakit? Masyado ka namang protective."

Nagsimula na akong muli sa pag lakad ganoon din ito.

"Of course! Kailangan safe palagi ang magiging girlfriend ko, ano?" Bigla akong natigilan sa sinabi niyang iyon. Ganoon din siya.

Hindi ko alam kung tama bang itanong ko sa kanya ito pero... "N-Nanliligaw ka ba talaga sa akin?" Medyo utal na tanong ko.

HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon