>>>> After Eight Years <<<<
Alice
Mula rito sa isang Island sa El Nido Palawan, pinilit ko ang mag relax nalang muna kahit konti. Paano eh, nakidnap na naman ako ng dalawa kong bestfriend. Wala naman na akong nagawa pa kung hindi ang pumayag.
Isa pa, alam ko rin sa sarili kong kailangan ko muna ng break mula sa aking nakaka stress na trabaho.
I couldn't help but smile as I watched Lila and Sarah while carrying their Six months old baby.
They look so happy and content with what they have now. A happy marriage and a whole family.
Wala na akong iba pang hinahangad kung hindi ang patuloy na maging masaya ang kanilang pagsasama. Dahil iyon ang deserve nila.
Dahil doon ay hindi ko mapigilang alalahanin kung paano sila nagsimula dati. Iyong palaging pagbabangayan nila sa araw-araw, sinong mag-aakala na hahantong din pala sa kasalan.
Sa totoo lang, noon pa man, nakikitaan ko na ba bagay sila. Kahit na palagi silang aso at pusa. Kahit pa alam ko rin noon na may relasyon si Breeze at Lila, hindi parin nawawala sa aking isipan na mas bagay sila ni Sarah.
Hindi dahil bestfriend ko sila pareho ha, kung hindi dahil nararamdaman ko na noon pa lamang, na sila talaga ang para sa isa't isa.
Look at them now. Nothing in this world can replace the joy they feel, especially every smile that can be seen on their faces.
It's priceless.
Habang patuloy na pinagmamadan ko ang mga ito, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng inggit. Dahilan upang biglang gumuhit ang pamilyar na kirot at lungkot sa aking dibdib.
Hindi ko maiwasan ang isipin ang...
Ako kaya? Kailan ako magiging masaya katulad nila? Kailan ako magiging kontento sa buhay na meron ako? Kailan ko muling mararanasan ang saya na nararamdaman nina Lila at Sarah?
Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng pagak sa aking sarili. Pabura na ang edad ko sa kalendaryo pero hanggang ngayon, umaasa parin akong magiging masaya ako gaya ng mga ito.
Siguro dapat ko na talagang tanggapin na magiging isang dalagang dala nalang ako habang buhay. Tss!
An independent and successful lawyer, but not happy. What a life. Ang unfair ng mundo, sobra!
Nakita kong napakaway sa akin si Sarah habang buhat-buhat parin ni Lila si Skyler. Ang kanilang anak.
Agad na napakaway rin ako rito pabalik habang nakangiti. At pagkatapos ay napahinga ng malalim sa aking sarili.
Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga. Bigla na lamang kasi akong nawalan ng gana sa aking pag susunbathing.
Naglakad ako sa may unahan kung saan mayroong mga puno ng niyog. Iyon bang medyo malilim at hindi na ako makikita ng sikat ng araw.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Awtomatiko akong napa ismid noong makita ang nagkalat na couples.
Ang sakit nila sa mata! Sa totoo lang.
Wala na ba akong mapupuntahang lugar na walang mag jowang makikita? Mas lalo lamang nilang pinaaalala sa akin kung gaano ako ka miserable at nag-iisa eh.
Oo na nga! Ako na itong single at wala na yatang balak pang mag-asawa. Tss!
"Mag bbreak din kayong lahat." Himutok ko sa aking sarili habang napapasipa sa buhangin.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...