Stacey
Nagising ako na wala parin si Raven sa aking tabi. Napa sulyap ako sandali sa orasan na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama, ala una na ng umaga.
I got up in a hurry to look for her. Nasa Castle nila kami ngayon kaya hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin dahil napalawak ng buong bahay na ito, para matagpuan siya kaagad.
Mabuti nalang dahil agad ko itong nakita. Sa may terrace lamang din pala ng kanyang kuwarto.
Tila ba nabunutan ako nang tinik dahil agad akong nag-alala.
I took a deep breath as I watched her from where I was standing. Nakatanaw na naman siya sa malayo, habang hawak ang bote ng alak na kanyang iniinom. Mukhang malalim din ang iniisip nito dahil panay ang kanyang pag buntong hininga.
She was always like that, when she couldn't sleep she would get drunk all night na para bang wala ng bukas. Na para bang iyon na ang huling sandali ng kanyang buhay.
Napalunok ako at tuluyang inihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.
Marahan na niyakap ko ito mula sa kanyang likod at ipinatong ang aking baba sa kanyang balikat. Nakaupo kasi ito sa sofa kaya mas mababa siya kaysa sa akin.
Amoy na amoy ko ang matapang na amoy ng alak na kanyang iniinom, ngunit pilit ko iyong binalewala.
"Nagdadalawang isip kana ba na pakasalan ako?" Pabirong sabi ko sa kanya.
Napatawa lamang ito ng mahina. Marahan na hinila nito ang aking braso para maupo ako sa kanyang tabi, habang ako naman ay kinuha mula sa kanya ang hawak na bote atsaka uminom rin mula roon.
Hindi na rin naman ako makatulog pa kaya sasabayan ko na lamang din siya.
Tahimik na napatulala kami sa kawalan.
Hindi nagtagal, napahinga akong muli nang malalim, magsasalita na rin sana akong muli noong basta ko na lamang narinig ang biglang pagsinghot nito.
Kunot noo na nagbaling ako ng tingin sa kanya.
I know she's not that drunk yet because Raven has a high tolerance for alcohol. Kaya naman hindi ko mapigilan ang kabahan.
"Hey, what's wrong?" Nag-aalala na tanong ko kahit na may kutob na ako kung bakit siya umiiyak ngayon.
I mean, if anyone can explain how Raven feels, that's me. Because I was with her for eight years, I was always there by her side, I witnessed the heartbreak she went through and her suffering.
Kaya kung bakit siya umiiyak ngayon? Ako lamang ang tanging nakakaalam 'non.
And it tears my heart to pieces.
"I-I love you, Stacey. You know that, right? I love you..." Umiiyak na sambit nito sa akin.
"I know." Sabay haplos ko sa pisngi nito. Nanatili lamang siyang nakayuko na parang isang bata na pinatatahan ng kanyang ina.
"But she is my life." Inaamin kong nagulat at natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Pero nanatili akong tahimik.
"She is my world. She is still everything to me..." Napakagat ito sa kanyang labi. "And I hate it. I know that would break your heart but that's the truth. I'm sorry..."
Sa mga sandaling ito, tila ba nakalimutan ko ang huminga sa loob ng ilang segundo. Pinipilit kong kalmahin ang aking sarili. Pinipilit ko na hindi masaktan sa kanyang mga nasabi.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...