Raven
The truth is I still can't forget all the pain Alice gave me eight years ago.
She left me all alone and never looked back. She hurt me and she turned her back on me as if she hadn't told me that she loved me.
Nanatili ang galit sa puso ko na ang buong akala ko eh naglaho na.
Wala naman talaga sa plano ko ang maghiganti, maging ang saktan siya ng ganoon. Lalo na at hindi ko rin inaasahan na muli kaming magkikita sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkatapos ng mahabang panahon.
I only knew one thing about her after eight years. I know that she is already an Attorney dahil iyon ang talagang ambisyon nito sa buhay. At naniniwala ako na kaya niya iyong tuparin.
Ngunit maliban doon, eh wala na akong gusto pang alamin tungkol sa kanya.
Matagal ko na siyang binura sa aking isipan. Matagal ko na rin na pilit na kinalimutan ang lahat ng paghihirap na naranasan ko dahil sa pang iiwan niya.
Pero isang bagay ang hindi ko parin nagagawa hanggang ngayon, at iyon ay ang magpatawad.
Ang patawarin si Alice.
*Flashback*
Masaya at nag-uumapaw sa galak ang aming nararamdaman ngayong araw na ito, bilang pagtatapos sa high school.
Unang achievement na nakamit ko kasama ang babaeng pinakamamahal ko.
Si Alice.
At ngayon, mag kokolehiyo na kami. Alam kong magkaibang University na ang aming papasukan, pero alam ko na wala paring magbabago sa relasyon naming dalawa.
Lahat naman nagagawan ng paraan, hindi ba? Because I will do everything for her, makita lamang siya araw-araw. Handa akong bumiyahe ng ilang oras makita lamang siya palagi.
Kahit na ibang University na ang papasukan namin, gusto kong maramdaman parin nito na lagi parin akong nasa tabi niya.
Gusto ko parin na maramdaman niyang special siya. I want her to know that she is still my priority even though we will be busy with our respective schedules. I still want to be the best partner for her.
Kaya ngayon, bitbit ang isang bouquet ng bulaklak at mumunting regalo ko para sa kanya ay malawak ang mga ngiti na bumaba ako sa aking sasakyan, patungo sa restaurant kung saan kasama niya ang kanyang pamilya.
Sinabi nito sa akin na dito sila mag didinner bilang treat ng kanyang ama at ina.
I also can't help but get excited because of our upcoming anniversary next week.
I already had a plan for that day, everything I would need was ready, pati na rin ang mga kaibigan nitong kinasabwat ko pa para sa araw na iyon.
Agad na nahanap ng aking mga mata ang table kung saan nakaupo si Alice, kasama ang kanyang mga magulang at ang kanyang kapatid.
Sumakto naman dahil napatingin ito sa gawi ko. Natataranta at mabilis na napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan noong makita ako. At pagkatapos ay agad na lumapit sa akin.
"Raven, bakit ka nandito? Hindi ba dapat kasama mo ang pamilya mo ngayon?" Ani nito at pagkatapos ay hinila akong muli pabalik sa labas ng restaurant.
Hanggang sa makarating kami sa may parking lot.
Kagat labi na inabot ko sa kanya ang aking hawak na bouquet.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...