Alice
Huwebes na ngayon, napaka bilis lamang lumipas ng mga araw. Ngunit kahit na bago lamang nagsimula ang school year, napaka rami na agad ang aming gagawin na mga reports at takdang aralin.
Well, ganoon talaga ang buhay estudyante. Kailangan paghirapan ang bawat subjects para maka graduate.
Biyernes na bukas at maraming kailangang gawin at basahin mula sa libro na ibigay na takdang aralin, pero heto ako. Kagagaling ko lamang muli sa aking part time job mula sa isang restaurant. Isa akong taga hugas ng mga plato roon, taga linis ng buong kitchen pagkatapos nila itong gamitin.
Tinanggap ko na ang trabaho, hindi naman mabigat. Isa pa, isa hanggang tatlong oras ko lang naman iyong gagawin, may sahod na akong makukuha. At tuwing Huwebes, Sabado at Linggo lamang akong mag duduty roon. Hindi ba ang saya?
Hindi ko mapigilan ang mapahikab noong maramdaman ko ang pagod at antok. Malalim na rin pala ang gabi.
May oras pa kaya akong makapag review? Tanong ko sa sarili.
Pero hindi na bale, dadaan na lamang siguro ako sa convenience store para bumili ng 3 in 1 coffee. Pampagising lamang ng diwa habang nag-aaral. Sigurado akong bukas pahirapan na naman sa pag gising.
Hindi na rin ako nagtagal pa sa loob ng convenience store, agad na rin akong lumabas noong mabayaran ko ang aking kailangang bilihin.
Habang naglalakad na pauwi, noon naman may biglang huminto na sasakyan sa aking unahan. Hindi na ako magtataka pa kung sino iyon dahil kilala ko kung sino ang may-ari nito.
Napahinto ako sa pag hakbang habang naiiling.
Wala na ba talaga siyang ibang ginawa kung hindi ang lumakwatsa? Tanong ko parin sa sarili.
Bumukas ang pintuan ng kotse nito at iniluwa siya noon. Hindi ko naman mapigilan ang mapalunok dahil sa nakikita ko ngayon.
Hayyyy. Bakit ba ang ganda parin niya kahit na simpleng t-shirt lamang ang suot nito at fitted jeans. Tapos, kahit naka tsinelas lang siya, mahahalata parin ang pagiging mayaman niya. Iyon nga lang, halata rin na nang galing lamang siya sa kung saan. Malamang sa malamang eh tumambay lang na naman ito.
Mabilis na napa iwas ako ng tingin noong malapit na ito sa akin. Hindi ko rin mapigilan ang mapatikhim.
"B-Bakit ka nandito? Tapos mo na ba ang mga assignment mo?" Tanong ko na parang nanay. Amp!
Dahil sa itinanong ko ay hindi nito napigilan ang mapa ngisi at tignan ako ng may halong pang-aasar.
"Wag kang feeling," Bungad niya dahilan upang mapanganga ako.
Ano raw? Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? Tss!
"At saang parte sa sinabi ko na naging feeling ako? Aber?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mag wawalk out na sana nang mabilis niya akong mapigilan sa braso.
"Nandito ako para kunin 'yong utang mo sakin." Muling wika niya.
Hindi ko na naman mapigilan ang mapatirik ng aking mga mata, bago kumuha ng pera mula sa bulsa ng aking pants.
"Oh!" Sabay abot ko sa kanya ng pera ngunit tinitigan lamang niya iyon.
"Hindi ba ito ang pinunta mo rito?" Tanong ko na nauubusan na ng pasensya. Naiinip na rin na makaalis na dahil marami pa akong takdang aralin na gagawin.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...