Alice
Nagising na lang ako nang wala na si Raven sa tabi ko at tanging unan na lamang ang natitirang yakap ko. Bumangon ako at binalot ang aking hubad na katawan gamit ang kumot.
Sinubukan ko na rin itong tignan sa banyo at hinalughog ang buong silid, pero bigo ako. Tanging ang mga gamit na lamang nito ang nakita ko, wala ng iba. I tried to call her number ngunit busy ito.
Marahil maaga itong umalis kanina kaya hindi na rin ako nagawang gisingin pa. Baka may emergency sa kompanya o kung hindi naman ay marami itong appointment para sa araw na ito.
Hindi na rin ako nagtagal pa, kumuha na lamang ako ng pwedeng pamalit na damit mula sa closet ni Raven at isunuot iyon. Agad na rin akong nagpasya na umuwi na dahil kailangan kong maghanda sa paparating kong trial sa court next week.
Tinext ko na lamang si Raven na nakaalis na ako at sinabing mag-iingat siya sa buong araw.
Malawak ang mga ngiti na pumasok ako sa aking opisina. Panay ang pag bati ko sa aking mga nakakasalubong na dati ay hindi ko naman ginagawa.
Makikita sa kanilang mga itsura ang pagkabigla ngunit wala itong magawa kung hindi ang ngumiti na lamang din pabalik sa akin.
Suot ko rin kasi ang kwentas na ibinigay ni Raven sa akin. Palagi akong napapahawak rito at pagkatapos ay mapapangiti na parang siraulo.
Habang abala ako sa pagbabasa at pag rereview ng dalawang kaso na hinahawakan ko para sa aking paparating na trial, nang siya namang biglang pag tunog ang aking cellphone.
Hindi ko pa sana ito sasagutin nang makita ang pangalan ni Sarah.
Minsan lamang kasi kami nito magkita dahil parehas kaming busy palagi, unlike Lila na madalas eh halos gusto pa talaga ang nag overnight sa akin.
Parang hindi lang pamilyado dahil ang katuwiran niya palagi eh may yaya naman ang anak nila.
"Where are you?" Agad na bungad na tanong nito sa akin.
"Where else would I be if not in my office." Iniipit ko ang aking cellphone sa pagitan ng aking balikat at tenga upang mapag patuloy ko ang pagbabasa.
"Did you watch the news?"
"What? What news?" Muli akong natigilan sa aking ginagawa at napahawak ng maayos sa cellphone. "Sarah I'm busy right now, okay? We'll talk later because I can't be distracted."
"Well, you will be really distracted when you see the news. I will send you an article. Pinag-uusapan na ngayon ito sa buong bansa tapos wala kang alam?" She sounds like really pissed by now.
"Fine. Just send it now and I will read it later."
"No. Just check it right after I send it to you."
Hindi nagtagal ay may na tanggap na akong notification. Ibinaba na rin ni Sarah ang tawag kaya naman agad na binuksan ko ang link ng article na sinasabi niya.
Sa hindi malamang dahilan ay basta na lamang kumabog bigla ng malakas ang dibdib ko. Napapalunok na pinindot ko ang link.
Agad na napasinghap ako noong makita ang unang litrato na nasa article.
It's Raven. And above her picture is the title and contained news throughout the article.
'Business woman Raven Delo Santos revealed the truth about her love life.'
Iyon ang title ng article. Sa ibaba rin noon ay nakalagay ang logo ng apat na kompanya nina Raven. Noon ko lamang nalaman na pag mamay-ari pala nito ang Hotel kung saan siya naka check-in ngayon.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...