Chapter 22

2.4K 134 19
                                    

Alice


Kapwa kami na walang kibo ni Raven habang binabaybay ang daan pauwi sa aking Apartment. Ilang beses akong tumanggi at nagmatigas na huwag na niya akong ihatid pa dahil kaya ko naman ang umuwi nang mag-isa, at para narin hindi ko na ito maabala pa.

Ngunit paulit-ulit din itong nagpumilit hanggang sa huli, siya ang nagtagumpay sa kanyang kagustuhan at heto nga, sakay ng kanyang kotse, kapwa kami tahimik, habang hindi ko naman magawang alisin ang aking mga mata sa kanyang mukha.

Natatakot na baka muli pa siyang maglaho sa aking paningin at bigla akong magising na all this time, panaginip lamang pala talaga ang lahat.

Ngunit hindi, totoo na nangyayari ito. Katulad ng sinabi niya kanina. I am not dreaming. And she's really back.

Bantay sarado ko ang bawat pag kibot ng kanyang labi at ang panaka-nakang pagkunot ng kanyang noo habang nagmamaneho. Animo'y may iniisip ito ngunit hindi ko mabasa o alam kung ano.

Hindi nito inaalis ang kanyang mga mata sa kalsada at tanging sa pagmamaneho lamang naka focus ang kanyang buong atensyon.

I can't help but swallowed hard again. I still can't believe that she's in front of me now. Really!

Driving her own car to get me home safe. The smell of her perfume wraps inside her car, although it's a bit different from the perfume she used before, it still smells good, fresh, masculine and a little bit feminine.

Amoy na mas lalong bumagay sa kanya.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit naisipan nitong palitan ang kanyang perfume. Iyon kasi ang perfume na gustong-gusto kong amuyin sa kanya dati eh. At sa tuwing naamoy kong iba ang gamit niya, nagagalit ako.

Kaya kung sino ang maswerteng babae na nasa likod ng pagbabago ng kanyang perfume. Masaya ako para sa kanya.

Of course, madalas pumipili tayo ng isang perfume because we want to smell good in front of that person. Right?

Kapansin-pansin din na mas lalo pa yata siyang naging maganda ngayon, kaysa noon. And the way she spoke, acted and looked, was very different from the Raven I had known before. From the Raven I loved eight years ago.

She is more mature now, more elegant, and more classy. Malayong-malayo sa isang boyish ngunit magandang Raven na kilala ko.

Ganoon din pagdating sa kanyang kasuotan, actually mas naging hot pa nga ito lalo sa paningin ko ngayon dahil sa kanyang outfit. Lalong-lalo na sa kanyang tindig.

She is now wearing a brown slacks pants, and a tuck-in white and revealing off shoulder blouse, where I can see her perfect collar bone and her seductive cleavage.

I immediately felt the redness on my whole face when my eyes met her cleavage. I quickly removed my sight from there before clearing my throat.

Hindi ko alam na kanina parin pala ito napapasulyap sa akin, dahilan upang mapatawa siya ng mahina dahil sa aking naging reaksyon.

"I know we haven't eaten yet, but don't make it obvious that you want ME to be your BREAKFAST." May halong panunukso sa tono ng boses nito dahilan upang mas lalo akong nakaramdam ng kahihiyan.

Bakit naman kasi sa lahat ng parte ng kanyang katawan eh doon pa tumagal ang pag titig ko. Tss!

"Or if you WANT, ikaw nalang ang gagawin kong breakfast. Real quick lang." Sabay kindat na pahabol pa nito at mabilis na itinabi na ang sasakyan.

Agad ko naman na tinignan ito ng masama. May isang bagay parin pala ang hindi nagbago sa kanya. Iyon ang pagiging pilya nito kahit kailan.

"Pwede bang mag sorry?" Sarkastikong sabi ko sa kanya dahil alam kong wala na akong kawala pa.

HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon