Alice
Wala pang isang oras ang aming biyahe nang mapansin kong nasa may liblib na lugar na kami at napapalibutan ng maraming punong kahoy ang daan na tinatahak namin. Medyo kinakabahan ako, pero alam ko rin naman na hindi niya ako ipapahamak, tama?
Hindi na lamang ako nagtanong pa at ipinagwalang bahala na lamang ang lumalakas na kabog sa aking dibdib.
Muling ikinalat ko ang aking paningin sa paligid, wala kahit isang bahay kaming naradaanan, kung hindi ang bawat poste lamang ng ilaw sa kalsada ang tanging makikita.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang mala-higanteng gate na gawa sa itim na bakal. Hindi ko mapigilan ang mamangha, dahil para itong gate ng mga malalaking palasyo na makikita lamang sa mga pelikula.
Pakiramdam ko rin tuloy, papasok kami sa isang Royale Castle tulad ng mga nababasa at napapanood ko.
Inihinto sandali ni Raven ang sasakyan. Lihim ko naman na pinanood lamang ang kanyang ginagawa. Mayroon itong pinindot na button mula sa kanyang sasakyan, at pagkatapos ay awtomatiko ng bumukas ang dambuhalang gate na nasa harap ng aming sinasakyan.
Napalunok ako dahil sa hindi makapaniwala sa nakikita. Pero muli ko iyong ipinagwalang bahala.
Noong tuluyan na kaming makapasok sa gate ay awtomatiko na rin ito na muling nagsara.
Hanip! May mga ganoong bagay pala kahit sa totoong buhay. Hindi makapaniwala na komento ko sa sarili.
Muli na naman naming tinahak ni Raven ang daan. Tulad kanina, panay kulay berde na mga punong kahoy parin ang aming makikita sa paligid. Hanggang sa marating namin ang isang open field, na mayroong malawak na damuhan.
At sa unahan noon, mula dito sa kalsada na aming tinatahak, matatanaw at kapansin-pansin ang malapalasyong bahay na gawa sa puting marmol.
Hindi ko mapigilan ang mapanganga na animo'y isang bata na namamasyal at tuwang-tuwa sa mga nakikita.
Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Raven dahil sa naging reaksyon ko. Agad na namula ang aking itsura pagkatapos ay inayos ko ang aking sariling pag-upo.
Ngunit hindi pa man ako tuluyang kumakalma nang muling mamilog ang aking mga mata, noong makita ang napaka lawak na manggahan na ngayon ay aming nadadaanan.
Grabe! Hekta-hektaryang lupain ang aking nakikita ngayon. Mayroong ring mga trabahante ang nasa ilalim ng ibang puno ng mangga, mga nagpapahinga at nagkakape. Iyong iba naman ay nagtatawanan pa.
Ilang empleyado kaya ang meron sa loob ng lupain na ito? Muling tanong ko sa sarili.
At sa unahan ng napaka lawak na manggahan, makikita ang medyo may kalawakan din na isang lawa.
Agad na inihinto ni Raven ang sasakyan. Mabilis na ini-unlock nito ang kanyang seat belt, bumaba ng sasakyan, bago umikot sa kabila upang ako ay pagbuksan.
"Wow!" Hindi ko napigilang bulalas habang iginagala parin ang paningin sa paligid.
Bumaba na rin ako ng sasakyan noong makitang bumukas na ang pintuan sa aking tabi. Ngunit ang aking mga mata ay nakapako parin sa malinis na tubig ng lawa.
Mayroong mamahaling Yate ang nasa may unahan at isang floating mini restaurant sa kabilang banda.
Hindi ko mapigilan ang mapalunok. At this time, ibinaling ko na ng tuluyan ang aking mga mata kay Raven. Kung saan, amazed na pinagmamasdan lamang ang aking buong mukha.
"Where are we?" Agad na tanong ko sa kanya.
"Are you sure na hindi tayo makakasuhan dito? Trespassing itong ginagawa natin. Pumasok tayo sa isang private property nang hindi nagpapaalam." Dagdag ko pa ngunit pinagtawanan lamang ako.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...