Raven
Katulad ng sinabi ni Ms. Reyes, ay sinunod ko ang ipinag-uutos nito. Nagawa kong linisin ang buong gym at tumakbo sa oval field.
I'm so pissed off right now.
Kulang pa ang ginawa ko sa lalaking iyon. Hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili kanina, agad na nandilim ang paningin ko dahil sa ginawa niya.
How dare he? Paano kong hindi ko siya nahuli kanina? Baka sa susunod niyan, hindi lamang ganon ang magawa niya kay Alice.
At ngayon naman, mas lalong nadagdagan pa ang inis na nararamdaman ko dahil tiyak na makakarating na naman ang kaguluhang ginawa ko sa mga magulang ko.
Sigurado ako na sa kabila ng ginawa ko, o ng mga dahilan na sasabihin ko ay ako parin ang magmumukhang mali at masama para sa kanila.
Well, kailan ba nila ako itinuring na anak? Tss!
Hinihingal na napahinto ako sa pagtakbo bago napahawak sa aking tubod. Pakiramdam ko ngayon, kinakapos na ako sa aking paghinga. Pero hindi, hindi ako pweding sumuko na lamang dahil ayoko ng madagdagan pa ang punishment na ibinigay sa akin ni Ms. Reyes.
Isa pa, masyado akong nahihiya ngayon kay Alice.
Ano na lang ngayon ang iisipin niya tungkol sa akin? Tiyak na iisipin nito na nakakatakot akong magalit.
Hindi pa kami okay dahil sa nangyari sa library, which is really my fault in the first place dahil nagawa ko siyang halikan...without asking her permission to kiss her.
Alam kong magugulat siya. Alam kong ikagagalit at ikasasama ng loob niya iyon. Pero anong magagawa ko? Ang hirap pigilan nitong nararamdaman ko.
Kanina sa library, hindi ko na nakayanan pang kontrolin ang sarili ko. Masyado siyang maganda at nakakaakit para palampasin ang ganoong pagkakataon. Lalo na at magkalapit lamang kaming dalawa, lalo na at walang ibang tao ang nasa paligid, walang makakakita at walang makakaalam.
But then, bigla na lamang pumasok sa aking isipan si Axel. Kaya nagawa kong humingi ng tawad. Pero ang tanga ko, para gawin 'yun, kaya naiintindihan ko rin kung bakit nainis ito sa akin.
Iyon naman kasi ang gusto ko. Ang hindi siya hayaang mapunta sa iba. Kahit na kay Axel pa na best friend ko.
And the one thing that bothered me even more was that, she was able to kiss me back.
She kissed me back.
A familiar tickle I felt from my stomach before I finally fell down.
"Argh!" I groaned.
Dahil isang ikot na lamang sana ay tapos na ako. Ngayon pa talaga ako napagod ng ganito.
Hindi nagtagal ay awtomatiko akong napatingala sa kalangitan. "Ah, shit!" Pagmura ko sa sarili dahil umaambon na. Hindi ko napansin ang malamig na simoy ng hangin at pati na rin ang pangingitim ng kalangitan dahil sa masyado akong abala sa aking pag-iisip.
"Kung minamalas nga naman." Dagdag ko pa at pinilit muli ang sarili na tumayo para tapusin ang huling round ng pagtakbo.
Bakit kasi kailangan mayroong CCTV dito? Tsk!
Sa pag simula kong muli sa pagtakbo, ay doon na tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong choice kung hindi ang maligo sa ulanan, isa pa, sanay na rin naman ako dahil madalas ko naman itong ginagawa noong naglalaro pa ako.
BINABASA MO ANG
HBS 6: The Story Of You And Me (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceShe is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa...